Wala kaming pasok ngayon dahil kaarawan ng Dean namin sa school kaya eto ako ngayon nasa coffee shop. sinabihan ko kasi ang Magulang ni amara na wala kaming pasok kaya pwede akong mag whole day.
wala akong ginawa kundi magtrabaho ng mag trabaho dahil mag dadalawang buwan na ang dinadala ni brie kaya kailangan ko talagang mag sipag para sakanila.
tinignan ko ang orasan sa phone ko at mag-hahapon na. kanina pa kasi ako magtratrabaho at sabado nga pala bukas kaya mag whole day nanaman ako para makabawi dahil baka malate ako next week dahil isang linggo kaming mag review para sa last exam.
kada isang subject kasi ay 500 items ang iba daw ay may clue kaya masasabi kong madali. siguro ay masyado akong magiging busy at mahihirapan ako sa papasukan kong med school dahil Humms ang kinuha ko imbes na stem dahil mag dodoctor ako.
habang naka-tingin ako sa labas at biglang pumasok si cosmo sa coffee shop "One ice coffee please" saad niya kaya eto ako sumunod sa sinabi niya saka pagtapos ko naman ay tinawag ko na ang pangalan niya para maibigay ang binili niya "One ice coffee for sir cosmo" masiglang saad ko saka binayaran niya yon at ngumiti naman ako.
"i'll pick you up later, may sasabihin ako" seryusong saad niya saka tumango nalang ako nagulat pa ako dahil umupo siya sa pinaka dulo siguro ay hihintayin niya ako.
naghintay pa ako ng ibang costumer at kong minamalas ka nga naman andito ang pinaka epal na ex 'daw' ni cosmo "Yong dati please" malanding saad niya saka inilibot ang tingin sa mga taong andito. ibinigay kona agad saka na siya nagbayad at dumeretso sa inupuhan ni cosmo.
saka naman ako tumingin don at biglang tumingin sakin si cosmo. umiwas ako ng tingin at nag trabaho nalang ulit. habang nagtratrabaho ako ay may biglang tumawag sakin si amara "Woy pinapasabi ni mommy na i-close mo na daw yang coffee shop ng 5:00" saad niya na ikina-gulat ko naman "Bakit naman?" tanong ko.
"Bday nila mommy mamaya kaya may party imbitado ka yieee, see you tonight" masayang saad niya "Saan naman?" tanong ko ulit.
"Sa Family mansion namin, may iniwan si mommy jan sa drawer daw ih i think invitation siya" saad niya "Formal ba?" tanong ko ulit "Of course yes, alam mo na" sagot naman niya.
"Sige sigee i-close ko na maya maya, byee" saka ko na pinatay ang tawag at binuksan ang drawer. don ko nakita ang invitation. Tinignan ko ang oras at 4:30 na saka tumingin ako sa paligid ang natira nalang na tao ay sina Cosmo at bea.
nilinis ko na ang bawat table at nang sa table na nila cosmo ay tumingin sila sakin "A-Ahh i-close ko na kasi ih may pupuntahan ako" saad ko "Can't you see? we're talking something" maarteng saad ni bea na agad namang ikina-badtrip ko.
"can't you see? Im going somewhere so get out, tapos na ang duty ko kaya wala na sakin ang 'costumer is always right' tsk" inis na saad ko saka naman tumayo si cosmo at ngumiti sakin saka lumabas. sumunod naman ang buntot niya
Maya maya pa ay isasara ko na ang coffee shop habang hawak ko ang susi at invitation. Kita kong nag-hihintay si cosmo sakin at nasa tabi niya si bea.
Habang naglalakad ako papunta sakanila ay nag-sasalita si Bea "Please cosmo im begging, bumalik kana sakin" nagmamakaawang saad ni bea "please alam kong mahal mo ko ih" dagdag niya pa na agad namang ikina-kunot ng noo ni cosmo.
"damn i dont fucking love you bea, asan ang hindi mo maintindihan sa salitang nilandi lang kita dahil bored lang ako" walang emosyong saad ni cosmo "Noo, the last time s-sabi m-mo m-mahal m-mo ko" paiyak ng saad ni bea.
"I was drunk that night bea, alam mong lasing lang ako non" galit ng saad ni cosmo tahimik lang akong nakikinig dito hangang sa tumama sakin ang tingin ni cosmo "and i like someone bea" dagdag pa niya na ikina-gulat ko dahil naka-tingin siya sakin.
BINABASA MO ANG
Brave Star
RomanceAng mundo ko'y parang kasing dilim ng kagubatan. Isa akong bituin sa gabi at ikaw ang buwan na nag sisilbing sandalan ko sa tuwing nang hihina ako. Paano kong umalis ka? kakayanin ko pa ba? babalik kapa ba?