Kabanata 31

85 16 0
                                    


Pangatlong araw na ang lamay ni brie at hindi muna ako pinapasok ni amara sa trabaho ko dahil ang sabi ng mommy niya ay ayus lang daw. Nong nagkita kami ni kino ay yon na ang huli dahil baka busy siya sa ibang gawain niya.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko  nakatulala lang ako sa study table ko nang may mapansin akong sobre don. Lumapit ako don at kinuha ang isang papel sa loob non.

Nanginginig ako habang hawak ko ang liham na nang galing kay brie. Nag-dadalawang isip pa ako kong babasahin ko ba o hindi. Hindi ko pa binabasa ang unang mga salita ay nagsi labasan na ang mga luha ko.

Hi ate

Ahm hindi ko alam kong pano ko sisimulan to ih. Siguro sisimulan ko nalang sa napasaya mo ko sa unting panahon.

You're the best ate ever. I want you to fulfill your dream and please dont blame your self. This is my choice. Be happy ate.

Nasa kahalati palang ako ng sulat ay parang hahagulgol na ako. Ang sakit brie ih, ang sakit sakit...

Pinunasan ko na muna ang mga luhang pumapatak sa pisnge ko saka ko ulit ako nag basa.

Im sorry ate, wala na rin si baby ih. Nong isang araw nag dugo ako pero nag taka ako kasi wala naman akong ginawa kundi humiga at kumain. Binigyan ako ni daddy ng cake non pagka-tapos kong kainin yon ay bigla nalang akong dinugo..

He killed his own child and also his grandchild. Sobrang sakit ate ni hindi ko man lang nasilayan ang mukha ng magiging anak ko. Sobra sobra na yong sakit....

I love you ate, just do what makes you happy and love ur self<3

                 
                                  : love, brie

Humawak ako sa side table dahil nanghihina na ako ng husto. Humagulgol ako at hinawakan ang dibdib ko dahil hindi na ako makahinga. Gusto kong umalis dito pero hindi ko magalaw ang mga tuhod at paa ko.

Ang sakit sobra. Ang bigat ng nararamdaman ko. Gusto ko nalang mawala bigla. Hindi ko alam kong paano uli ako mag sisimula ng wala ang isang taong naniniwala sa kakayahan ko.

At ang masakit pa ay ang kaarawan ko ang mismong burol niya. Eto ang pinaka ayaw kong araw ng magiging kaarawan ko. Dahil nadadagdagan ang taon ko ngunit nababawasan ako ng isang taong mahal ko.

Ang hirap isipin na nakikita ko siyang hindi na humihinga at wala ng buhay. Magkasama pa kami nong nakaraang mga araw. Kong alam ko lang ay sana pinigilan ko siya.. Kong alam ko lang ay sana.. Nandon ako nong mga araw na hirap na hirap na siya. Tangina sana nasa tabi niya ako..

Napaluhod ako at humahagulgol ng malakas "B-Brie b-bakit m-mo iniwan s-si ate" kapos na kapos na salita ko. Tangina hindi ko na alam ang gagawin ko sa susunod na araw, buwan at taon. Dahil isa siya sa mga kinakapitan ko.

Natigil ang pag-iyak ko ng may tumawag sa phone ko. Sinagot ko yon habang humihikbi ako "Where are you? Tatlong araw na akong balita sayo? Are you okey?" daliang tanong ni cosmo. Mas lalong bumuhos ang luha ko nong tinanong niya ako kong okey lang ba ako "C-Cosmo huhuhuhu s-si brie" hagulgol na saad ko saka ko narinig na para bang tumayo siya at tumakbo.

"Where are you right now?"  tanong niya "S-Sa b-bahay" sagot ko saka may narinig akong makina ng sasakyan. Pinatay niya ang tawag at tumayo naman ako para mag sout ng hoodie dahil naka short lang ako.

Pag-baba ko ng kwarto  ay tinitignan ako ng mga kamag-anak nila tito. Yumuko lang ako saka lumabas ng bahay. Naghintay lang ako ng nag hintay ng may tumigil na sasakyan sa di kalayuan. Kita ko dun si cosmo at kumaway siya.

Brave StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon