Nasa labas na ako sa gilid ng hospital kong saan may malawak na garden. Gabi na ngayon at wala akong trabaho kaya napag-isipan kong ngayon na dumalaw kahit gabi na. Kasama ko ngayon si kino at naka upo siya sa wheelchair habang nakasout ng ng cap at hospital attire "I'll be moving to America" mahinang saad niya habang naka-tingin sa mga halaman na nasa paligid namin.
"Kilan uwi mo?" tanong ko "If i survive... I'll study there" yumuko siya saka umiwas ng tingin "You know, stell... It hurts so much" dagdag niya saka kita ko sa gilid ng mata ko ang luhang pumatak sa mga mata niya "When i needed someone to lean on, but none of you there" saad niya saka sa pinunasan yong luha niya.
"K-Kino nandon ako ih, pwede kang umiyak sa balikat ko habang sinasabihan kang magiging okey rin ang lahat" panimula ko "Pwede kang magsabi at magkwento p-pero mas pinili mong sarilihin at manahimik. Ayukong pilitin kang mag open sakin d-dahil baka ayaw mong pag usapan" dagdag ko pa. Pinunasan ko ang mata ko nandahil sa nagbabadyang luha ko ron.
"Sinusubukan kong pumasok sa buhay mo pero pilit mong pinapamukha sakin na kaya mo ang sarili mo kahit hindi naman" saad ko habang nakatingin sakaniya. Tinignan niya ako pabalik at ngumiti ng pilit "Kinakaya ko stella, kakayanin ko" saad niya. Sabay kaming umiwas ng tingin at huminga ng malalim. Matagal ang oras na dumaan nang tahimik lang kami.
"Gusto mo ba talaga siya?" tinignan ko siya ng mabuti saka siya tumingin sakin at ngumiti. kita ko don ang saya na dulot ni kaitlyn sakaniya.
tangina, nasasaktan ako.
"Yes, I can already see her walking down the aisle with me" saad niya habang naka-ngiti at tumingin sa kalawakan "I'm praying that she's the one" dagdag niya habang Nakangiti. makikita mo talaga sakanya at sa bawat ngiti niya na mahal niya nga talaga si kait.
"She's my home stella" sambit niya habang nakangiti at nakatingin parin sa langit at tinitignan ang bawat ningning ng butuin "I know it's too early na sinasabi ko to but i love her. Hindi ko alam kong kailan nag-simula" umiwas ako ng tingin dahil nagsisimula ng mag ipon ng tubig sa mga mata ko.
Akala ko, ako ang una mong tatawaging tahanan mo Akino, Akala ko lang pala..
Masaya ako para sakanya pero nasasaktan ako dahil hindi ako yung babaeng pinagdarasal niya "Masaya ka naman diba?" tanong ko habang naka-tingin sa langit "Super, i've never felt this way before" sambit niya at kita ko sa gilid ng mata kong mas lumawak ang ngiti niya.
para akong papel na dahang dahang sinusunog ng katotohanang isa lang akong pansamantala. Tangina, pansamantala..
Matagal muna kaming natahimik at huminga ako ng malalim bago tumingin sakaniya "Thankyou for being there when i need you" saad ko habang naka-ngiti. Tumingin siya sakin at ngumiti "You're always welcome sleepyhead" naka-ngiting saad niya saka pinisil ang pisnge ko. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko.
"Stop crying stell, babalik ako" saad niya saka niya ako niyakap "Soon" dagdag niya pa. Hindi ko alam kong kilan ba yong soon na sinasabi niya. Tangina ang sakit sobra.
"A-Alam mo namang g-gusto kita d-diba?" tanong ko habang umiiyak "Yeah, but still you're my bestfriend. I won't say that stop liking me kasi alam ko namang titigil" mahabang saad niya. Sana nga tumigil.
"Stop crying, babalik nga ako ih tapos dapat pagbalik ko doctor kana" saad niya saka umalis sa pagkaka-yakap at pinunasan ang mga luhang pumapatak sa pisnge ko "Hihintayin kita" saad ko saka siya ngumiti at tumango.
Pagka-tapos naming mag-usap ay inihatid ko siya sa room niya at umalis na ako. Sumakay ako ng taxi pabalik na sa condo. Pagdating ko ng condo ko ay naligo ako saka naghanda ng makakain. Nalalapit na ang pasukan namin at masyado ko nanamang papagodin ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Brave Star
RomanceAng mundo ko'y parang kasing dilim ng kagubatan. Isa akong bituin sa gabi at ikaw ang buwan na nag sisilbing sandalan ko sa tuwing nang hihina ako. Paano kong umalis ka? kakayanin ko pa ba? babalik kapa ba?