Kabanata 12

555 22 21
                                    

They say love must be reciprocal, dahil masakit magmahal ng taong hindi ka mahal. Pag nagmahal, minsan masaya, pero madalas masakit. Masakit lalo na kung hindi maibalik.

Loving someone too much who doesn't love you is one of the most hopeless feelings in the world because it isn't something you can control. Hindi mo mapipili kung sino ang mamahalin mo at mas lalong hindi mo mapipigilan ang puso mong magmahal lalo na kung siya lang ang tanging nakakapagpatibok nito.

Madali lang sabihin ng mga tao na mag move on pero paano mo magagawa 'yon kung bawat parte ng pagkatao mo ay sinakop niya? Na pakiramdam mo hindi ka mabubuhay kung wala siya?

Pigil na pigil ang mga luha ko habang pinipirmahan ang annulment papers namin ni Sanjay. Nakapirma na siya rito at ako na lang ang kulang. Talagang desidido na niya akong iwan. Siguro nga talagang hindi niya ako kailanman minahal. Isa akong malas at pabigat sa kanya.

At siguro nga ito ang pinakamabuti para sa aming dalawa. Ang tuluyan nang palayain ang isa't isa. Hindi man ito makabubuti sa akin sa umpisa pero kung ito ang makabubuti para kay Sanjay gagawin ko. Gagawin ko. Kakayanin ko kahit masakit. Hindi ako malulungkot dahil ang pinakamahalaga sa akin ay naipadama ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

"Axelle, hija." Naluluha akong niyakap ni Ma'am Carmilla.

Gusto kong humagulgol pero pinigilan ko ng mabuti ang sarili ko. Ayaw kong ipakita na sobra sobrang nasasaktan ako. Gusto kong makita nila ako bilang isang matapang na babae kahit sa huling pagkakataon. Kahit na sa loob, durog na durog na ako.

Kumurap kurap ako at tumingala, pilit pinipigilan ang mga luhang gustong kumawala.

"I'm so sorry..." halos pabulong na sabi ni Ma'am Carmilla.

Pagod akong ngumiti at hinagod hagod ang kanyang likuran. Palagi siyang mabuti sa akin. Sa kaunting oras na nakasama ko silang mag asawa, kahit kailan hindi nila pinaramdam sa akin na iba ako. Kung tutuusin mas itinuring pa nila akong anak kaysa kay Sanjay. Kaya masakit sa akin na linasin ang pamilyang minsan ko nang naging tahanan.

Pigil na pigil ang paghikbi ko habang naglalagay ng mga damit sa aking maleta. Sa bawat paghugot at pagtiklop ko ng mga damit ay napapabuntong hininga ako. Minsan tumitigil pa dahil naninikip ang dibdib ko. Nanghihina ako sa tuwing mapapasadahan ko ng tingin ang mga gamit niya. Ang mga gamit niya na hindi ko na makikita at maaayos, ang bango niya na hindi ko na malalanghap, ang presensya niya at ang mukha niya na hindi ko na masisilayan. Nakakapanghina ang lahat pero kailangan kong magpakatatag.

May mga bagay talagang kailang iwan dahil ang mabigat ay gumagaan kapag binitawan. May mga bagay na hindi natin mahahawakan habang buhay kahit na gaano natin kagustong higpitan ang hawak dito.

Personal akong nagpaalam kay Sir Claude sa kanyang opisina matapos kong magpaalam kina Ma'am Carmilla at Manang Nora. Nagulat ang lalaki sa naging desisyon ko pero sa huli ay tinanggap rin niya. He felt sorry. He apologized to me over and over again. Tinanggap ko na lang at hinabilin ang anak sa kanya.

Nasa bus terminal na ako pauwi ng Cavite nang humahangos na dumating si Ransford. Naka school uniform pa siya at nakabag, mukhang galing pang eskwela.

"Ate!" Humihingal siyang huminto sa harap ko.

"Ransford?"

"Sorry, ngayon ko lang nalaman!  Aalis ka na ba talaga?" medyo hingal pang tanong niya.

Malungkot akong tumango. Napapikit siya at nang nagmulat ay punong puno ng pag aalala ang mga mata niya.

"Si Kuya ba? Kakausapin ko siya-"

"Ransford." Pinigilan ko siya nang akmang huhugutin ang cellphone.

Umiling ako.

Bound for EvilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon