Simula

1.2K 36 20
                                    

Nanlalabo ang panigin ko dahil sa pamumuo ng luha sa aking mga mata pero malinaw ko pa ring naaninag ang paglitaw ng isang pulang guhit sa ginamit kong pregnancy test. Labis ang pagdarasal ko na sana hindi na 'yon masundan ng isa pa pero ganoon na lamang ang panlulumo ko nang unti unting lumitaw ang isang pang linya.

Napahikbi ako at parang kinapos ng paghinga. Sobra ang kabog ng dibdib ko habang nakatitig sa puting bagay na 'yon. Nanginginig hindi lang ang mga labi ko at kamay, pati na rin yata buong katawan ko. Lumandas ang luha ko kasabay ng marahan kong pagbaba sa bagay na 'yon sa aking kandungan.

Buntis ako.

Isang beses lang namin ginawa pero nabuntis agad ako. Sunod sunod ang pinakaawalan kong hikbi na nauwi sa pigil na paghagulgol. Kung para sa ibang tao ay magandang balita 'yon sa akin hindi. Hindi dahil nag aaral pa ako. Dise otso lang ako at nasa unang taon pa lang sa kolehiyo. Lumuwas ako ng maynila para mag aral sa kursong nursing pero ano itong nagawa ko? Sigurado akong papatayin ako ni amang kapag nalaman niya ito.

Hindi ko alam kung ilang oras akong umiyak sa loob ng cubicle. Halo halo ang nararamdaman ko. Gusto kong maging masaya dahil sa blessing na binigay sa akin pero mas nananaig ang takot sa akin. Takot sa mangyayari sa akin. Alam ko sa sarili ko na hindi pa ako handa maging isang ina at marami pa akong pangarap sa buhay. Panganay ako sa aming dalawang magkapatid at tanging ako lang sa ngayon ang inaasahan ng pamilya ko na mag aangat sa kanila sa kahirapan dahil ang nakakabatang kapatid kong babae ay nasa highschool pa lang.

Alam kong hindi naging masaya si amang na puro kami babae lalo na sa akin na panganay. Gustuhin man niyang magkaroon ng anak na lalaki ay hindi na siya nabigyan pa ni inang dahil may masiyado nang risky. Si amang na rin kasi mismo ang nagsasabi tuwing nalalasing siya na dismayado siya na naging babae ang mga anak niya. Aniya'y baka mabuntis daw kami nang maaga. Lumuwas ako ng maynila para mag aral at patunayan sa kanya na mali sya. Gusto kong patunayan na may mararating ako sa buhay, na kaya kong magtagumpay pero ito ang nangyari. Nahihiya at dismayado ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung paano pa sila haharapin ngayon.

Nang mahimasmasan ay lumabas na ako ng cubicle at humarap sa malaking salamin ng banyo. Namumugto ang mga mata ko. Namumula rin ang maliit at matangos kong ilong. Ang manipis ko namang labi ay lalong pumula dahil sa pagkakagat ko kanina. Wala akong suot na make up kaya tanging ang buhok ko lang na hanggang dibdib ang kumalat na sa mukha ko. Dumikit na ang mga hibla nito dahil sa magkahalong luha at pamamawis. Inayos ko at itinali ang buhok ko bago naghilamos. Mukha na akong miserable. Hindi ako p'wedeng pumasok ng ganito.

Huminga muna ako ng malalim at bahagyang ikinalma ang sarili. Paulit ulit kong kinumbinsi ang sarili ko na ayos lang. Na magiging maayos din ang lahat. Kailangan kong maging matatag. Kailangang malaman ito ng mga magulang ko at tatanggapin ko anuman ang parusang ibigay nila sa akin pero bago iyon, kailangan munang malaman ito ng lalaking mahal ko. Kailangang malaman ng boyfriend ko na nabuntis nya ako.

Saktong nakatalikod ang propesor nang sumimple akong pumasok. Alam kong late na ako pero no choice dahil kailangan ko pa ring mag aral. Sayang naman kasi ang lagi kong pangunguna sa klase. Iyon ang isa pa sa dahilan kung bakit confident akong magtatagumpay. Alam kong matalino ako kaya hindi ko maintindihan kung bakit nakagawa ako ng katangahan. O katangahan nga ba ang magmahal?

"Hoy sa'n ka galing? Kala ko 'di ka na papasok," mahinang bungad ni Ianthe sa akin na bago ko lang na naging kaibigan.

Yumuko ako at nagkalkal ng notes sa bag.

"Kumain lang ako," pagsisinungaling ko.

"Kumain? Kaya pala mata mo 'yung busog e 'no?" Sinilip niya ang mukha ko.

Iniiwas ko 'yon sa kanya.

"Umiyak ka 'no?" mahinang bulong niya sa akin.

Umiling ako at nagsimula nang magsulat. Kahit magkaibigan pa kami, hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi ang kalagayan ko. At isa pa nasa klase kami. Kahit alam kong mabubunyag din 'yon kalaunan, nahihiya pa rin ako.

Bound for EvilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon