Kabanata 23

547 26 21
                                    

Nagpatuloy ang ganoong scheduled routine namin sa iba't ibang barrio at maliliit na village sa Leyte. May mga lugar pa na mahirap puntahan dahil sa layo at liblib na lugar. Kinailangan pa naming mag-trek at tumawid ng mga ilog para lang mapuntahan ang mga 'yon. Most of them are living in slum-like conditions. They had no clean water, sewerage systems or electricity, and access to other social services such as health care and education was lacking. Kaya ganoon na lang ang tuwa nila nang maabot namin sila.

"Ayos lang ho ba kayo? Kaya niyong tumayo?" masuyong tanong ko sa matandang pasyente ko.

Natawa naman siya sa iniindang masakit na tuhod.

Nasa kalagitnaan kami ng check-ups nang may marinig akong tumili sa malayong banda. Natigilan kaming lahat at napalingon sa isang kasama naming babaeng intern na hawak na ng isang armadong grupo. Hindi sila sundalo ngunit parang mga rebeldeng NPA.

Kinabahan ako. Naalerto agad ang mga kasama naming sundalo at tinutukan ang grupo na nakatutok na din ang mga baril sa amin. Umiiyak at nangingig na sa takot ang babaeng sabu-sabunot ng pinakalider nila. Ang mga residente naman ay kanya kanyang yakap sa isa't isa maging ang iba naming kasamang mga doktor. Mababakas ang takot sa mga mukha. Napatingin ako sa pasyente ko nang hawakan niya ang mga braso ko at nanginig sa takot.

"D-Delikado..." mahina at nangangatal na sambit niya.

Inalo-alo ko siya kahit gumapang na ang kaba at takot sa dibdib ko. Hindi ko inaasahang mangyayari 'to! Ngayon alam ko na kung bakit kami kailangang samahan at bantayan ng mga sundalo. Posible palang mangyari ang ganito.

"Ibaba niyo mga armas niyo!" malakas na utos ng pinakalider nila.

Armado sila ng mga naglalakihang baril at may mga sinturon pa ng bala sa dibdib. Tantya ko'y nasa labinlima ang bilang nila. Iyon ay kung wala pang nagtatago sa ibang parte ng damuhan.

Hindi natinag ang mga sundalong kasama namin. Palihim kong sinulyapan si Capt. Dechavez, seryoso at matalim ang titig nito sa grupo. Kung tutuusin dehado sila dahil tatatlo lang kaya kinakabahan na ako sa mga mangyayari!

"Ibababa niyo ang baril niyo o pasasabugin ko ang utak nito?!"

Impit na umiyak ang hawak nilang babae nang idiin nito ang nguso ng baril sa sentido nito.

Tinambol ng kaba ang diddib ko. Pakiramdam ko kayang kaya nilang gawin 'yon. Nakakatakot ang hitsura nila. Nakakatakot sila.

Akala ko magmamatigas si Capt. Dechavez ngunit nagulat ako nang dahan dahan nitong ibinaba ang mahabang baril. Sumunod naman ang dalawang kasama niya.

"Ihagis niyo, at itaas niyo ang mga kamay niyo!" muling utos ng lider.

Nag alinlangan pa ang mga sundalo pero agad din silang tumalima. Kinuha ng ibang miyembro nila ang mga baril sa lupa at saka sila nagsimulang lumakad papalapit habang iginagala ang paningin. Humigpit ang kapit sa akin ng matandang pasyente ko, ganoon din ako sa kanya. Kinakabahan na ako nang matindi at hindi ko na alam ang gagawin. Nagkatinginan kami ni Flynn at bakas ang takot sa mga mata niya. Napalunok na lang din ako.

Ano'ng gagawin nila sa amin? Papatayin ba nila kami?

Napaigtad ako nang hablutin ng isang lalaki ang braso ko.

"Oh my god, Doc Axelle!" napatili si Flynn at natutop nito ang bibig.

Agad din naman siyang tumahimik nang tutukan siya ng baril ng isa pa. Kalmado kong tinignan ang lalaki kahit pa naghuhurumentado ang puso ko sa kaba.

"Sumama ka sa amin nang maayos kung ayaw mong mamatay," seryosong sabi nito.

"Ano'ng gagawin niyo sa kanya?" mariin at pagalit na singit ni Capt. Dechavez.

Bound for EvilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon