Kabanata 8

474 26 9
                                    

"Ano manang, masarap po ba?" Tinitigan kong mabuti si Manang Nora habang ngumunguya.

Sinubukan kong gumawa ng chocolate chip cookie sandwich kanina na natutunan ko sa internet.

"Mmm! mrabe ang sharamp!" bulalas niya habang puno pa ang bibig.

Natawa ako nang bahagya.

"Manang naman, binibiro mo ba ako?" Ngumuso ako kahit nangingiti.

Napahampas siya sa hangin.

"Ano ka ba! Ang sarap nga! P'wede na 'yan!" palatak niya.

Nasabi ko kasi kay Manang Nora ang pangangailangan ko sa pera at kung p'wedeng matulungan niya akong kumita kahit nasa bahay lang. Ang suhestyon niya ay online selling. At dahil alam niyang marunong naman ako sa kusina, in-encourage nyia akong magbake at ibenta online. Maganda nga namang ideya 'yon dahil patok at nauuso ang ganoong business.

"Damihan mo ang pagbake ha at tutulungan kitang magbenta. Marami akong mga pamangkin na mahilig sa mga ganyan. Bebentahan ko sila."

Napangiti ako at nayakap siya.

"Maraming salamat, manang."

"Aysus! Maliit na bagay. E bakit kasi hindi ka na lang mangutang sa biyenan mo? O 'di kaya humingi ka sa asawa mo ng ipapadala mo sa pamilya mo. Mayaman naman sila. Barya lang nila kahit sampung libo."

Kumalas ako at bumuntong hininga.

"Manang, kargo na nila ako dito. Ayoko naman na pati panggastos ng pamilya ko papasanin pa nila."

"E ano naman? Pamilya ka na rito, Axelle. Kayang kaya nilang tulungan ang pamilya mo na pamilya na rin nila."

Umiling agad ako habang inaayos ang lamesa.

"Hindi ako nagpakasal para sa pera, manang. Kung pera lang, p'wede ko po 'yon kitain kapag nakapagtapos na ako. Ayokong isipin nila pineperahan ko lang si Sanjay."

Napasimangot siya.

"Kung sabagay, hindi nga naman magandang isipin 'yon." Medyo kabado siyang tumawa.

"Auntie Nora!"

Boses ng isang lalaki mula sa sala.

"Ay baka 'yung pamangkin ko na 'yan. 'Yung kinuha kong magiging delivery boy mo."

"Auntie Nora!" Nakangising pumasok ang isang binata na halos kaedaran ko lang.

"Uy Jensen! Buti nakapunta ka!"

Napakamot sa batok ang lalaki. Naka simpleng white T-shirt lang siya at faded jeans.

"S'yempre naman ho. Matatanggihan ko ba kayo e malakas kayo sa akin e!"

"Sus, binola mo pa ako. Ay siyangapala, ito 'yung amo natin si Axelle." Hinawakan ako ni manang sa balikat. "Siya naman 'yung magiging delivery boy mo, pamangkin ko, si Jensen."

"Oh hi, kumusta?" Naglahad ako ng kamay at saka ngumiti.

"Ay, mabuti naman ho." Nagpunas siya ng kamay bago tinanggap ang kamay ko. "Ikinagagalak ko kayong makilala, Ma'am!"

"Graduate na 'yan ng senior high. Kesa tumambay sa bahay nila, inalok ko ng trabaho tutal e kakailanganin mo rin ng taga deliver."

Tumango ako.

"Salamat, manang."

"Sakto pala dahil may motor ako. Pang gas na lang kulang." Tumawa si Jensen.

"Kaya nga ikaw ang inalok ko e." Tinuktukan siya ni manang.

"Auntie, ba't 'di niyo sinabi na isang diyosa pala ang amo niyo? E 'di sana matagal na akong nag apply dito kahit hardinero lang." Ngisi niya sabay siko sa matanda.

Bound for EvilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon