Kabanata 28

559 25 0
                                    

"So... how's your honeymoon? I mean your vacation?" nang aasar na tanong ni Flynn.

Balik duty na ulit ako matapos akong ihatid ni Sanjay sa condo ko kahapon. Hindi na ako nagulat na ganito ang naging dating sa kanila ng biglang pagkawala ko. When Sanjay said he had already taken care of it, he meant this. Me still being married to him spread like wildfire in the hospital. Kaya heto at hindi na naman ako tinatantanan ni Flynn.

"Uy ano nga? Kumusta? Nag enjoy ka ba?" Ngingisi ngisi niya akong siniko.

Umirap ako.

"Who would enjoy with an ex on an island? He forcefully dragged me there. Do you really think I enjoyed?"

"Huh? But you're still married, right?"

"Only in papers, Doc. Matagal na kaming tapos."

Ngumuso siya.

"Wala ka na ba talagang feelings do'n?"

Bumuntong hininga ako at hindi nagsalita.

"I appreciate his effort, though. You know, I understand him somehow. I mean, he wants you back. He clearly wants you back, and made an effort to reconcile with you."

"But I didn't like what he did."

"But can you blame him, Doc? E hindi ba ilang beses ka na niyang gustong kausapin nang matino. Ewan ko ba naman sa 'yo at ayaw mong pagbigyan. Ayan tuloy at napilitan kang tangayin," natatawang sabi niya sa huli. "Iniwan niyo pang nakanganga si Captain Roy doon noon."

Bahagya akong natigilan. I almost forgot about him.

"Nasaan na nga pala siya?" tanong ko nang lingunin siya.

Ngumuso siya.

"Ayun, umuwi na ng Leyte. Hindi ka na mahintay e."

"Bakit naman niya ako hihintayin?"

"S'yempre gusto ka pa rin noon makausap!" palatak niya. "Pagkatapos niyo siyang iwan do'n na naguguluhan sa inyong dalawang mag asawa, tingin mo matatahimik 'yon?"

"You saw everything?" Bumaling ako ulit sa kanya.

"Of course, Doc! Hindi pa naman ako gano'n kalasing 'no! I saw how you confronted each other, and even saw how he carried you all the way to his car! God! Akala ko sa teleserye lang nangyayari 'yon!"

Bumuntong hininga ako nang maalala ang kahihiyan na 'yon. I never thought he could do that, despite the people watching. He's so damn crazy!

"You left Captain Roy dumbfounded, Doc! Litong-lito 'yung tao sa nangyari. Single pa naman na single ang pakilala ko sa 'yo at nirereto ko pa kayong dalawa tapos darating ang asawa mo at biglang eeksena."

Napangiwi ako sa mga pinagsasabi niya.

"Kanino ka ba talaga? Kay Capt. Dechavez o kay Sanjay?"

Humagikgik siya.

"P'wede both? Hindi ko yata kasi kayang may masaktan sa kanila."

Napairap ako. OA na naman siya.

"Kung ikaw Doc Axelle? Kanino ka ba?" balik niyang tanong.

"Wala," simpleng sagot ko.

"Wala?" nanlulumong tanong niya. "Kanino ka ba walang feelings? Kay Captain o kay Sanjay?"

"Both."

"Hala! Both?"

"Both," mariing ulit ko.

Gusto pa sana niyang magtanong pero doon ko na tinapos ang usapan bago kami nagduty ulit.

Bound for EvilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon