Kabanata 29

541 25 0
                                    

Hindi na ako nagtagal sa mansyon ng mga Alfaro. Pagkatapos ng pag uusap namin ni Mrs. Alfaro ay tinawagan ko agad ang abogadong kinuha ko at sinabing magkita kami sa isang restaurant sa Commonwealth. Nauna ko na ring tinawagan si Sanjay na nasa opisina pala niya sa Commonwealth kaya doon ko na piniling magkita kami.

Nasa kalagitnaan kami ng pag uusap ng babaeng abogado ko nang dumating si Sanjay. Naka corporate coat and tie pa ito at kalmadong pumasok. Napadahan dahan lang siya nang makita ang kasama ko. Kumunot ang noo niya at agad nagtaka sa presensya nito. Hindi ko sinabing annulment ang pag uusapan namin, sinabi ko lang na mag uusap kami kaya siguro in-expect niya na kaming dalawa lang.

Tumayo ako at pormal na bumati.

"Good afternoon."

Tumango siya saglit sa akin at bumati rin pabalik bago binalikan ng nagtatakang tingin ang babaeng kasama ko.

"Uh, this is Attorney Madge Caringal. She's my lawyer," pagpapakilala ko. "This is my ex-boyfriend, Sanjay Alfaro."

Lalong kumunot ang noo ni Sanjay no'ng tumingin sa akin.

"Good afternoon, Sir. Nice to meet you." Ngumiti at naglahad ng kamay ang babae.

Bumaling si Sanjay sa kanya at alanganing tinanggap ang kamay niya.

"Good afternoon," tipid na bati nito bago uli tumingin sa akin.

"Why are you with an attorney?"

Iminuwestra ko ang upuan sa kanya.

"Have a seat. We're going to talk about our annulment," deretsong sabi ko bago maupo.

Sabay kaming naupo ni Atty.C aringal pero si Sanjay ay nanatiling nakatayo at seryosong nakatingin sa akin, parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Maupo ka, mangangalay ka d'yan. Mahaba haba pa naman 'tong pag uusapan natin," kaswal na sabi ko bago nagtawag ng waiter.

I ordered light meal for the three of us. Doon pa lang umupo si Sanjay at talagang hindi na inalis ang seryosong tingin sa akin.

Tumikhim ako at pinagsalikop ang mga kamay ko sa ibabaw ng lamesa, matamang sinalubong ang mga titig niya.

"Since I don't have an idea about this process, I consulted an attorney. Kayo na ang bahalang mag usap. I want you to cooperate to make it fast. I know you have some ways to make this all fast and easy, but I want to do it in a legal way," seryosong sabi ko.

Sa maikling panahon na nag usap kami ni Atty. Caringal ay nabanggit niya sa akin na mahaba at hindi madali ang magiging proseso nito. It will take years most of the time, well, depending on the case. Sa kaso naman namin ay baka raw hindi rin ito abutin pa ng maraming taon. Kaya nagtaka suya nang mabanggit ko sa kanya ang pagfile ni Sanjay ng annulment papers namin kung saan pirma ko lang ang kinailangan.

That's when I started to suspect him. I know their family is rich and has a lot of connections. Hindi na nakapagtataka na may kakaiba sa ginawa niya noon. Though I'm not sure, there's still a possibility.

"Talk to her as soon as possible so she can discuss with you the legal process," dagdag ko.

"For what ground?" biglang tanong niya.

Lumabi ako at matamang tumingin sa kanya.

"Duress."

Lalong kumunot ang noo niya sa sinabi ko at tumalim ang titig niya sa akin.

"Look, this is the only appropriate reason I know for it to be granted-"

"But you didn't threaten me," mariing putol niya sa akin.

Bound for EvilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon