Kabanata 11

541 20 4
                                    

"Wala po, manang."

Iyon ang tanging naisagot ko kay Manang Nora noong araw na 'yon. Ayaw ko nang palakihin pa ang gulo. Alam kong may kasalanan si Paris pero alam ko rin na may kasalanan ako. Naging kampante ako kaya napabayaan ko ang sarili ko. Hindi ko inisip ang babala ng doktor. Kung hindi sana ako nagdilig noong araw na 'yon hindi niya ako maabutan doon. Hindi ko siya mababasa at hindi niya ako maitutulak.

Sobrang sakit. Sobrang sakit para sa akin ang mawalan ng anak na hindi ko pa man nasisilayan. Ilang araw akong nagkukulong at tahimik na umiiyak sa kwarto. Parang nawalan na ng gana sa lahat. Palagi kong iniisip ang kawawang sanggol na hindi ko man lang naipaglaban at naprotektahan. Paulit ulit kong sinisisi ang sarili ko dahil do'n. Hindi ko kaya. Hindi ko matanggap.

"Axelle." Kumatok si Manang Nora sa kwarto.

Pumikit ako at lalong nagkumot.

"Halika na, baba ka na. Handa na ang hapunan. Hinihintay ka na nila," masuyong sabi niya.

Hindi ako umimik at nagpanggap na lang na tulog. Wala akong gana at nahihiya ako sa pamilya Alfaro. Wala akong mukhang maiharap sa kanila. Nahihiya ako. Siguradong sa loob nila, galit sila sa akin.

"Hija," dinig ko na ng malinaw ang boses niya.

Nakarinig ako ng pagsarado ng pinto at mga yabag niyang papalapit. Hindi ako dumilat. Ilang sandali pa'y bumuntong hininga siya.

"Ipapahatid ko na lang ang dinner mo rito kung ayaw mong bumaba."

Aalis na siya nang magsalita ako.

"Huwag na ho, manang," mahinang sambit ko.

Lumingon siya sa akin at nagkatinginan kami. Ayaw ko na may masayang na naman na pagkain dahil sa kaartehan ko.

"Pasensya na po kayo kung pinag aalala ko kayo, pero 'wag niyo na po akong isipin. Gusto ko lang munang mapag isa. Kakain na lang po ako kapag nagugutom na ako."

Bumuntong hininga siya at malungkot na tumitig sa akin.

"Oh siya siya sige. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa mag asawa."

Tumango ako at muling pumikit.

"Maraming salamat, manang."

Sa araw araw na gumigising ako, hindi ko malaman kung saan nanggagaling ang lakas ko para bumangon. Sa kabila ng tahimik kong pagluluksa ay nagagawa ko pa ring magkasilbi sa bahay na 'to. Bumalik ako sa pagsisilbi sa asawa ko na napabayaan ko na ng ilang linggo. Pero kahit ano'ng paglalambing ko sa kanya, hindi na gumana dahil tuluyan na siyang naging mailap at malamig sa akin.

Linggo ng gabi nang makarinig ako ng nagtatawanang babae at lalaking paakyat ng hagdanan. Mula sa silid ay lumabas ako dahil narinig ko ang boses ng asawa ko. Gano'n na lang ang panlulumo ko nang makita si Sanjay na may kasamang ibang babae. Mukhang lasing sila pareho dahil pasuray suray at magkaakbay pa.

"Hey sweetie, easy. We're not in your room yet," malambing na saway ng babae habang pinapaulanan siya ng halik sa leeg ni Sanjay.

Kusang pumatak ang luha ko na hindi ko na magawang punasan dahil ayokong malingat sa kung ano'ng nakikita ko ngayon. Imbes na galit ang maramdaman ko, awa. Awa para sa sarili ko at awa para sa asawa ko na nawawala na naman sa sarili.

Bumungisngis ang babae nang ipako siya sa pader at saka inatake ng halik. Pigil na pigil ang hikbi ko habang pinagmamasdan silang uhaw na uhaw sa labi ng isa't isa. Ang mga kamay ni Sanjay ay malayang gumagala sa maseselang parte ng babae at ganoon din ang isa. Napapikit ako at tuluyan nang bumagsak ang balde baldeng luha sa mga mata ko. Ang akala ko wala nang sasakit pa sa pagkawala ng anak ko pero ito, sobra sobra pa pala.

Bound for EvilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon