1

70 1 0
                                    

Keera

Pinanuod ko ang paggapang ng dugo sa kamay ko. As I'm watching it, for a moment, I felt so powerful but what scared me is that I didn't feel any remorse. Instead, I felt satisfaction.

Binitawan ko ang hawak kong kutsilyo kaya lumikha ito ng tunog nang tumama sa sahig. Sa pagod, ibinagsak ko ang sarili ko sa pang-isahang upuan na nakapuwesto sa likuran ko. Inilibot ko rin ang mga mata ko sa kabuuan ng bahay habang pinakikinggan ang paghihingalo ng tatlong lalake sa lapag. Mukhang lumalaban pa sila para mabuhay pero alam kong saglit na lang, malalagutan na sila ng hininga.

Luma na ang bahay na ito kaya hindi malabong isang bagyo lang, masira kaagad ito. Maraming butas ang bubong at puro sira ang salamin sa bintana. Puro sapot na rin ng gagamba sa bawat sulok nito at ang mga pader, natutuklap na ang mga parte. May kadiliman rin ang buong lugar dahil iisang lampara lang ang nagbibigay liwanag sa buong bahay.

Hindi ko alam kung saan nila ako dinala at kung tama ang bilang ko, mag-iisang buwan na akong nakakulong sa bahay na ito. I'm a social butterfly bago pa man nila ako kidnapin at para nila akong pinutulan ng pakpak noong oras na ipinasok nila ako sa bahay na ito.

Walang araw na hindi nila ako binaboy at pinahirapan kaya kahit hirap na hirap, gumawa ako ng paraan para makaganti sa kanila. I even had additional cuts and bruises since they fought back.

Hindi ko matanggap na nangyari sa akin ang bagay na ito. Wala naman akong ginagawang mali pero ganito pa ang kinahantungan ko.

I hate men. Ever since I was a child, I had to deal with their bullshit. Mas lumala pa nang lumala ang disgusto ko sa kanila as I grew up. The only guys I trust in this world are my father and brother.

Nagsimula na naman ang pagtulo ng mga luha ko dahil sa paghapdi ng pagkababae ko. Napahawak ako rito para pigilan ang sakit pero walang nangyari dahil nang hawakan ko ito, mas lalo lang sumakit. Ang dami kong lacerations sa bandang iyon kaya para akong may dalaw.

Tumama ang malamig na simoy ng hangin sa balat ko. Hindi ko na ininda kahit nakahubad ako dahil simula nang ipasok ako rito ng tatlong lalake na kumidnap sa akin, hindi na nila ako hinayaang magsuot ng kahit anong saplot.

Puro sugat ang katawan ko at mas lamang ang paso ng sigarilyo, lalo na sa parteng hita ko. Hindi na rin maintindihan ang amoy ko dahil madalas, kung umihi sila ay sa akin nila ibinubuhos. Para nila akong ginawang punching bag dahil bukod sa mga sugat na natamo ko, puro pasa na rin ako dala ng mga suntok at sipa nila.

Hindi ko sila kilala at hindi rin pamilyar ang mga mukha nila kaya nagtataka ako kung bakit ako nasa kalagayang ito.

Dahil lang ba sa masama sila kaya nila ito ginagawa? Hindi ko alam.

Tutal naman, wala nang kwenta kung mabuhay pa ako dahil sa lagay ko, siguro mabuti nang tapusin ko na ang buhay ko. Isa pa, alam kong sa lagay ko na ito, kung maghanap man ako ng tulong sa tagong lugar na ito, ikamamatay ko rin bago pa man ako makakita ng tao na puwedeng tumulong sa akin.

Nahirapan man, yumuko ako para pulutin ang kutsilyo sa sahig at itinapat ito sa leeg ko. "I hate men."

Galit na tinignan ako ang tatlong lalakeng nakahandusay sa sahig na naliligo sa sarili nilang dugo. Kahit alam kong mali ang pumatay, ginawa ko pa rin para man lang mabigyang hustisya ang nangyari sa akin.

Kung sakaling mabuhay ulit ako, I'll still have the same hatred towards guys to protect myself. And if I really did get reincarnated, I swear to end their happiness and life if they'll fuck with me.

Bago ko pa man maidiin ang kutsilyo sa leeg ko, biglang may humawak sa kamay ko. Mula sa gilid, lumabas ang isang babae at pumunta sa harap ko habang hindi inaalis ang pagkakahawak sa akin. Nakangiti siya at hindi ko alam kung bakit sobrang gumaan ang pakiramdam ko habang tinitignan niya ako sa mga mata.

Two-Month SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon