10

24 1 0
                                    

Keera

I'm on my way to Patricia's unit. Napagkasunduan kasi naming tatlo nina Patch na magkita-kita. Hindi naman kasama ang tatlo pa, sina Axel, Gavin at Lie Jun dahil iyong mag-boyfriend ay may sariling lakad at iyong Intsik naman ay nasa China pa rin hanggang ngayon.

Plano ko talaga ngayong magpunta sa opisina ni Tristan para kausapin ito at pakiusapang lubayan ang business ng pamilya ko pero naisip ko na mas maiging hindi niya ako madalas makita. Ikan ga, absence makes the heart grow fonder. Malay naman natin, hindi ba? And besides, hindi ko siya trip makita ngayon. Buti na lang talaga at nagyaya si Patricia. Mahigpit pa man rin ang schedule ng dalawang iyon kaya rare opportunity ito.

"Hi!" bungad ni Patch pagkabukas niya ng pintuan matapos ko mag-doorbell.

Niyakap ako nito't ibinalik ko ang yakap niya bago ako kumalas at sumilip sa loob ng unit. "Kanina ka pa?"

"Not really. Parang I arrived 15 minutes ago lang."

"Where's the other bitch?"

"Taking a shower." Hinawakan niya ako sa kamay saka ako hinila papasok hanggang sa makarating kami sa salas.

Saktong pagkaupo namin sa sofa, nakarinig kami ng pagbukas-sara ng pintuan mula sa hindi kalayuan. Lumingon ako sa direksyon ng kwarto at nakita si Patricia na nagpupunas ng buhok gamit ang tuwalyang nakasabit sa balikat niya.

"Hi, Bitch," nakangising bati ko rito.

"Gaga ka. Mag-uusap tayo."

"Tungkol saan?" kunot-noong tanong ko habang naglalakad siya palapit.

Naupo siya sa harap ko at ibinigay ang tuwalya sa akin. "Dry my hair."

"Queen bee," nakangising sinabi ko kay Patch na ikinatawa nito.

"Bitch, dali na," reklamo ni Patricia kaya inialis ko ang pagkakasabit ng shoulder bag ko sa balikat ko saka ko ito ibinigay kay Patch at sinimulang tuyuin ang buhok ni Patricia.

"Wala ka bang blower?"

"Wala. Nasira. I already ordered one pero ang tagal dumating."

"Pat, order ka food, please. Nagugutom na ako," pakiusap ni Patch kaya ibinigay ni Patricia rito ang cell phone niyang nakapatong sa center table.

"Kee, nabalitaan ko iyong ginawa mo sa pinsan ko."

"What?"

"Why did you ditch him?"

"Sino? Si Tristan?"

"Of course si Tristan. Siya lang naman ang sinabi mong ipa-blind date sa iyo, hindi ba? Don't tell me, pati sina Kuya Dane, Travis at Gabriel, gusto mor in maka-date?"

"Bitch, I know my limitations. Hindi ako sumisira ng pamilyang gusto ko, ano."

"Wait. You went on a blind date with Tristan Eru?" tanong ni Patch na tinanguan ko.

"Pero Kee, you know why I'm concerned, right?"

I sighed habang patuloy ko pa rin pinupunasan ang buhok niya. "I know."

"Ayoko lang na paglaruan mo ang pinsan ko."

Normally, bibiruin ko lang sila at moments like this pero hindi ko ginawa dahil alam kong genuine ang concern niya, lalo pa't pinsan niya ang pinag-uusapan rito. Kung puwede ko lang talaga sabihin ang kalagayan ko, malamang maiintindihan nila. Pero puwede rin na hindi kasi sino ba namang maniniwala sa kinalalagyan ko?

Biruin mo, binuhay lang ulit ng grim reaper at binigyan ng misyon kasama ang asawa nitong succubus kapalit ang buhay ko. At ang nakakaloko pa, from the day na binuhay nila ako, 2 months lang ang duration ng mission ko.

Two-Month SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon