3

38 2 0
                                    

Keera

"Anong ginawa mo?!" gulat na napatingin ako kay Izzy bago ko ibinalik ang tingin ko sa laptop na tinitignan namin. "Ha?! Seryoso ba ito?!"

Para siyang proud na proud sa naka-display sa screen niya. Hindi bale sana kasi kung simpleng site lang ang tinitignan namin pero hindi! Ni ako nga, hindi pa nakakapunta sa site na tapos ganito ang ibubungad niya sa akin pagkabukas niya ng browser?!

"I told you; I'll help you out with the first move." Masayang pumalakpak siya at para pang kinikilig bago hinawakan ang magkabilang kamay ko. "You been sold!"

"P-Pero paanong—" Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko. "Bakit nasa black market sa deep web ang virginity ko? I'm not even a virgin."

"Hindi ka sure," pakantang sinabi niya.

"Anong hindi sure? Hello. Alam mo kung anong klase ng lifestyle ang mayroon ako. Tapos, hindi ba, ginawa akong parausan ng tatlong demonyo na kumidnap sa akin?"

"Basta. I gotchu."

"Let me guess. Kayo rin ang nagbenta sa akin, ano? Kayo ang nag-post niyan."

"Of course. Who else?"

"My god. 1 million for virginity? Sino ba namang siraulo ang gagawa niyan?"

"My brother."

"May sapi ba pamilya mo?"

Isinara niya ang laptop matapos alisin ang pagkakakonekta nito sa VPN bago ako hinila patayo. "Let's go shop some clothes. Bukas na ang scheduled meeting niyo."

"Kaagad?"

"What? Don't tell me you're scared of him. What happened to the playgirl side of yours?" nakangising tanong niya.

Aba. Ako pa hinahamon niya, ha?

"Sis, watch me make your brother fall for me." Kumawit ako sa braso niya habang nakapaskil ang ngiting tagumpay sa mukha ko. Ngayon pa lang kasi, nalalasap ko na ang tagumpay. "Let's go. Ilibre mo ako. Wala akong pera."

Pinagsuot niya ako ng face mask para itago ang mukha ko saka kami pumunta sa isang fashion boutique. Mahirap na raw kasi at may makakilala sa akin. Mukhang wala talaga silang plano na ipakita ako sa mga nakakakilala sa akin pero kukumbinsihin ko sila dahil hindi ko kayang hindi makasama ang mga mahal ko sa buhay.

Siya ang namili ng mga isusuot ko at hindi na ako nagtaka na tulad siya ng mga napapanuod ko kapag nag-sa-shopping. Hindi na kasi niya tinitignan ang presyo ng mga damit. Basta niya lang ito kinukuha sa racks at sa pagkaka-display saka ibibigay sa akin para maisukat.

Gabundok tuloy ang dala-dala ko habang itinutulak niya ako papasok sa fitting room habang siya naman ay naghihintay sa sofa na nakaharap sa kwarto. Iba-ibang klase ito ang binibigyan niya ako ng instruction kada labas ko kung anong dapat ko ipagpares-pares.

Hindi ko rin naitago ang pagkamangha sa gagang ito kasi ang galing niya sa aspetong ito. No wonder kilala siya ng marami pati na iyong asawa ng kapatid niya pagdating sa fashion. Pati iyong kaibigan kong si Patricia na pinsan niya, wala rin ako maipintas pagdating sabagay na ito.

Sana all na lang talaga sa mga pinagpalang mga tao. Ako kasi, magaling lang manglalake at mangabayo. Chos.

Matapos kami mamili, ibinalik muna namin ang mga bag sa trunk ng sasakyang ginamit namin bago niya ako hinila sa kalapit na coffee shop. Um-order muna kami at pagkakuha sa binili ay dumiretso kami sa second floor. Kakaonti ang tao rito kaya malaya kaming nakapuwesto sa harap ng wall-to-ceiling glass wall.

Two-Month SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon