11

24 2 0
                                    

Keera

I don't know what's gotten into me. Alam kong mahilig ako sa sex and I easily pick guys like how I easily pick my clothes but this person sleeping beside me? Nakuha ako na hindi ako ang nag-i-initiate? I don't swing that way.

Pero despite being tipsy that night, I can still remember how this guy made me feel good. After ko mag-shower kagabi, since I asked to shower first before doing the deed, he showed me how good he is and he didn't disappoint. He delivered and I savored every moment of it.

Hindi ko pa siya nakakausap tungkol sa mga pinagsasasabi niya kagabi. After kissing me, dahil nga nasarapan ako, hinayaan ko na lang na dalahin niya ako sa auto niya hanggang sa makarating kami dito sa isang condo unit.

I know that's a dumb move. Hindi man ako sa ganuong paraan nadukot noon, kung masamang tao itong katabi ko, puwede akong gawan ng masama nito tulad ng stalker ko daw na nagpadukot sa akin.

I should really be careful next time. Baka itong kalandian ko pa ang pumatay sa akin.

Hindi ko siya ginising. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya dahil inaalala ko kung nakita ko na ba siya dati. Medyo pamilyar kasi ang mukha niya. Kaya lang, kahit anong pilit ko, hindi ko talaga maalala kung sino ba siya.

Kinuha ko ang cell phone ko sa bedside table at tinignan ang oras. It's only 8AM. Wala naman akong trabaho na papasukan pa kaya hindi ako naghahabol ng oras. Pero ang gumising sa katawang lupa ko ay ang mga missed calls ng barkada ko, ni Papa at ni Kuya. Bukod duon, tadtad rin ako ng messages sa Messenger at text.

Hindi ko makita sa sahig ang mga damit ko at ang tuwalya na nakapatong sa upuan sa sulok lang ang puwede ko maipangtakip kaya bumangon ako sa pagkakahiga at nilapitan ito. Itinapis ko ito sa katawan ko saka ako lumabas ng kwarto habang bitbit ang cell phone.

Kaagad kong tinawagan si Papa at ilang ring lang ay sumagot ito. "Pa,"

"Keera, nasaan ka?!" bungad niya.

"Pa, I'm sorry. Na... narito ako sa dati kong classmate. Medyo nagkasiyahan kasi kaya nawala sa isip ko tumawag o mag-text."

Bumuntong-hininga siya kaya pati ako, napahinga ng maluwag. Ibinagsak ko ang sarili ko sa sofa saka ako tumitig sa repleksyon ko sa flatscreen TV na nasa harap. "Anak, huwag mo na uulitin ito, ha? Kagabi pa ako naghahanap sa iyo. Pati kuya mo, hindi na nakatulog kahahanap. Ultimo mga kaibigan mo, tinanong ko na. Alam mo naman iyong nangyari sa iyo, hindi ba? Natatakot kaming madukot ka ulit."

"Sige po, Pa. Sorry ulit. Promise po. Hindi na mauulit."

"Umuwi ka kaagad, okay?"

"Alright. Sige po, Pa. Mag-aayos na ako para makauwi na."

Pinutol niya na ang tawag at nang magtitipa na ako ng message sa group chat ng barkada ko, narinig ko ang pagbukas ng pintuan, na alam kong pinto ng kwarto, at kasunod nito ay ang pagsigaw sa pangalan ko ng lalakeng nakasama ko.

"Keera!" Napabuntong-hininga ako saka ko itinuloy ang pagtipa sa cell phone ko. "Nasaan..."

Hindi ko na siya pinansin. Lumapit siya sa akin at umupo sa katabing upuan ko. Matapos ko mag-iwan ng message, pinatay ko ang cell phone ko dahil alam kong tatadtarin ako ng tawag ng mga kaibigan ko. Not that I don't want to talk to them. May sitwasyon kasi akong kailangan ayusin ngayon.

"We need to talk," seryosong sinabi ko matapos ko harapin ang lalake.

Nakatuwalya lang rin ito habang nakatitig sa akin. "I thought you left again."

"How could I leave when I have things to ask you?" Isinandal ko ang likod ko saka ako humalukipkip. "First of all, sino ka?"

"Kerko. Kerko Carson."

Two-Month SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon