2

44 2 0
                                    

Keera

"Izzy...?" pagtawag ko sa pangalan nito pagkabukas ko sa pintuan ng kwartong tinulugan ko. Hindi ko alam kung nasaan ito dahil wala silang dalawa nang makarating ako sa salas. Pati banyo, tinignan ko kung okupado ba pero wala rin itong laman.

Nang makarating ako sa tapat ng isa pang kwarto kung saan ko sila narinig kagabi, nagdalawang isip ako kung kakatukin ko ba o ano. Hindi ko kasi alam kung gising na sila o tulog pa. Nakakatakot naman kung tulog sila at nabulabog ko. Baka bigla nila akong patayin.

Nagugutom na ako at kagabi pa kumukulo ang tiyan ko. Hindi naman siguro nila mamasamain kung pakielaman ko ang ref nila. Tutal sinabi naman nil ana hindi ako puwede umuwi kaya sa tingin ko naman dito na nila ako itatago.

Pumihit ako palayo sa kwarto nila at pumunta sa kusina. Pagkabukas ko sa pintuan ng ref, hindi gaano karami ang laman nito pero sa tingin ko makakagawa naman ako ng matinong almusal. Tinignan ko muna ang freezer kung may laman rin ba ito at natuwa naman ako dahil may nakita akong bacon.

Iniluto ko ang mga ito habang iniinda ang pananakit ng tiyan ko. Ang tagal ko na kasing nakaamoy ng matinong pagkain. Simula kasi nang ma-kidnap ako, puro lang tinapay ang ibinibigay sa akin ng mga hayup na lalakeng iyon. Hindi pa man rin ako mahilig sa tinapay pero dahil iyon at iyon lang ang ibinibigay nila at minsanan pa, para pa rin akong hayop kung umasta makuha lang sa kamay nila ang hawak nang matanggal ang pananakit ng tiyan ko.

"Good morning," narinig kong mahinang bati ni Izzy mula sa likuran.

Nilingon ko siya habang iniaahon ko ang mga strip ng bacon paalis sa kawali. Inilagay ko ang mga ito sa plato na may tissue saka inilapag sa lamesa. "Good morning," bati ko rito pabalik. "Nagluto na ako. Hindi ko na kasi talaga kaya iyong sakit ng tiyan ko." Tinanggal ko na rin ang pagkakasaksak sa rice cooker dahil naluto na ang kanin.

"That's okay. You did me a favor nga. I don't have the energy to move around."

Napangiti na lang ako dahil sa sinabi niya. Paano ba naman kasi, mukhang nagmagdamag silang dalawa. Dati, habit ko rin ang manglalake. Every week, siguro dalawa o tatlo ang nakakasama ko sa kama. People think that I'm a whore and I don't know if I should agree. Mali na kung mali ang argument ko pero bakit kapag ang lalake, kahit isang babae sa isang araw ang nakakasama, legend kung ituring pero kapag ang babae, masama kaagad ang branding? Hindi ba puwedeng kung ano ang na-e-enjoy na gawin ng lalake pagdating sa sex, puwede rin gawin ng babae?

So what kung iba't-ibang ari ang nagagamit ko? Dito ako masaya, eh. Besides, iyon lang naman ang useful sa mga lalake. Dalawa nga ang ulo nila, pareho namang walang laman.

"Nasaan pala iyong boyfriend mo?" tanong ko pagkatingin ko sa pintuan ng kwarto nila pero ibinalik ko rin kaagad ang tingin sa kaniya.

"He's my husband, actually."

"I see. Not to offend, ha? Pero nakakatakot asawa mo. Tinitignan lang ako, kinikilabutan na ako."

Iyon ang hindi ko maintindihan simula pa kahapon. Tingin pa lang kasi nito, babalutin na ng takot ang katawan mo. Hindi ka man nito tignan ng masama, kakabahan at kakabahan ka pa rin talaga. Hindi ko alam kung dahil ba hindi ito tao kaya ako natatakot pero kasi kung titignan ito, normal na tao lang ito.

"That's just how some of the grim reapers are. Tignan ka lang, you'll get the feeling that you'll die."

Natigil ako sa akmang pagkuha ng strip ng bacon at bumagsak ang panga ko habang nakatingin sa kaniya. Parang balewala lang sa kaniya ang sinabi niya kasi patuloy pa rin siya sa paghiwa sa bacon pero ako, heto, hindi ma-process sa utak ang narinig ko.

"G-Grim reaper? As in... kamatayan?" tanong ko nang maka-recover ako. Ilang beses pa ako napakurap para tignan kung nagbibiro lang ba siya pero mukhang totoo ang sinabi niya.

Two-Month SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon