Keera
Pumikit ako't inalala ang napag-usapan namin kagabi ni Izzy kapag nagtanong na ito tungkol sa pagbebenta ko ng virginity. Ang sabi niya lang sa akin ay idahilan ko lang na financial issues. Ako na raw bahala kung paano ko ito lulusutan dahil kasama ito sa trabaho ko sa kanila.
"Financial issue," mahinang sagot ko matapos ko magmulat ng mga mata.
"You earned a lot by selling yourself. Anong gagawin mo sa ganuong kalaking pera?"
Ano nga bang gagawin ko ruon? Nakakainis naman. Wala akong maisip. Bakit kasi hindi ko kinulit at pinilit na tulungan ako bumuo ng kwento para at least prepared ako sa Q&A na ito.
"May... utang kasi sa pamilya ko. Wala na akong malapitan kaya naisipan kong gawin ito."
"Bakit? Gaano ba kalaki ang utang niyo?"
"700 Thou. Hindi ko nga akalaing aabot sa 1M ang mag-bi-bid sa akin." Nginitian ko siya ng bahagya. "Bakit mo pala ako binili?"
"To be honest, it was because of my sister. Sabi niya, curious siya sa iyo and she wants to know your story. Knowing her? Kapag hindi kita nakuha sa bidding na iyon, she'll barrage me with profanities. Besides, not to brag but what I spent is only a small amount of my family's fortune. You do know who I am, right?"
Tumango ako. Hindi man lang ako nangating sabihin na ang yabang niya dahil totoo naman ang sinabi niya. Hindi biro ang pamilya na pinanggalingan niya at baka nga barya lang talaga ang 1M sa kanila. "Nagulat rin ako nang malaman ko na ikaw ang bumili sa akin, sa totoo lang. Naisip ko, bakit kailangan mo mapunta sa deep web para lang bumili ng virginity kung sa itsura at estado mo pa lang madali ka nang makakakuha ng babae."
"That's true."
"Tutal nabili mo na ako... ikaw nang bahala sa akin," mahinang sinabi ko para magmukha akong nahihiya.
Shet. Hindi ako matatahimik kapag hindi ako nakatanggap ng Oscar award sa sobrang galing ko umarte.
"Do you really want to do it?"
Napakurap ako ng ilang beses dahil sa tanong niya. Bakit kailangan niya pa tanungin iyon gayong sa kaniya na nga ako? Pero dahil nga curious rin ako kung high quality and premium ang hotdog niya, dapat ito matuloy. Kaya lang dapat pa rin ako magpabebe.
Nakakainis naman kasi. Kaya ko naman baliwin ito sa kama, bakit kailangan pa ako umakting? Hello. Sa tindi ng alindog ko, may dalawa akong stalker.
"Wala naman akong choice. Kahit hindi pa ako ready, kung gusto mo naman, wala akong magagawa."
"Akin na muna cell phone mo."
"W-Wala akong cell phone."
Pakshet kasi. Iyong cell phone ko, sinira ng mga kumidnap sa akin. Hindi pa ako nakakapagpabili kina Izzy dahil nakakahiya pa rin naman kahit papaano. Ang laki kaya ng nagastos sa akin ng babaeng iyon kahapon.
"Seriously?" Tumango ako't nilaro ang mga daliri ko para magmukhang nahihiya. Kinuha niya ang cell phone niya sa center table saka ito kinalikot bago itinapat sa tainga. "Justin, can you go buy a phone? Any phone. Ikaw na bahala sa brand. Bring it here in my suite. I'll transfer the money to you." Sumandal siya sa kinauupuan saka ako tinapunan ng maliit na ngiti. "Thank you." Pagkatapos ng tawag, kinalikot niya muna ang cell phone bago ibinaba ang hawak saka ipinatong ang braso sa sandalan. "Hintayin na lang natin siya."
"P-Para sa akin ba iyon?" tanong ko na tinanguan niya.
Shet! Girl, para siyang sugar daddy material!
"Keera, if you're still not ready, we won't do it now. Once you are, you can contact me using the phone I'll give you."
Ay. No, girl. Kailangan matuloy ang treasure hunt sa kama ngayon rin.
BINABASA MO ANG
Two-Month Seduction
General FictionIn Keera's eyes, men are just tools she can use then toss aside after. Bilang sa daliri ang masasabing pinagkakatiwalaan niya. One day, na-kidnap siya't ginawang basura ng mga dumukot sa kaniya. Matapos niya mapatay ang mga ito, dala na rin ng mga n...