7

23 1 0
                                    

Keera

Imbis na mag-isip kung paano mapabilis ang oras para mapakinabangan ko na ang katawan ng lalakeng hinihila ako papunta sa parking lot, heto ako't napalitan ng pag-iisip kung paano ko gagamitin ang oras para magsaya na lang.

Para kasing may pumitik sa isip ko kanina ng mas magandang ideya. Tutal naman at umepekto ang push and pull strategy ko sa lalakeng ito, bakit hindi ko pa lubos-lubisin, hindi ba? Kaya heto, umaakto akong walang pakielam at na-bo-bore pero sa loob-loob ko, ramdam ko na mapapadali ang misyon kong ito.

"Where do you want to go?" inis tanong niya matapos ko ikabit ang seatbelt ko. Ikinabit niya na rin ang kaniya at kinuha ang susi sa bulsa niya bago ito isinaksak sa ignition ng kotse.

"Ganiyan ba tono kapag nagtatanong sa ka-date kung saan gusto nito pumunta? Wala ka bang experience makipag-date?" I sighed para mas maasar siya. "No wonder you perform like a virgin boy."

"The fuck? This isn't even a real or a proper date and stop saying I fuck like a fucking virgin boy because I don't and you know that."

"Still a date and whatever."

"Napaka..." galit na bulong niya. "Gaahh. I want to strangle you right now."

"Gusto mo ako maikama to prove na hindi ka grandpa? Puwes, umayos ka. The only way na madadala mo ako sa kama mo is kapag natuwa ako sa iyo."

"Anong point nito when we both know that by the end of this stupid date ay mainis tayo sa isa't-isa?!" tanong niya saka quinote sa ere ang date gamit ang mga daliri niya.

"Iyon iyong fun part. Kapag natapos ang araw na ito na nakangiti ako, willingly, uuwi ako sa suite mo at sasampa sa kama mo pero kapag hindi, then... bye."

"Wouldn't that make you an easy girl? Pangitiin ka lang sa date, makikipag-sex ka na."

"It might make me sound easy pero tignan na lang natin kung mapangiti mo ako at the end of the day. Alam mo, mag-drive ka na lang."

"Saan nga tayo pupunta?! I already asked you but you didn't give me a fucking answer."

"Mall?"

"Of course," he said sarcastically. "Girls always pick the most basic shit to go on a date."

Hindi na ako sumagot dahil nakabukas na ang makina ng kotse. Kung sasagot kasi ako, baka abutin pa kami ng bukas rito at masita lang kami dahil sa nakabukas na kotse.

Alam ko ang mga mall na nakapalibot sa lugar na ito at gusto ko siyang bigyan ng plus point kasi sa pinakamalaking mall sa area niya ako dinala.

"Nice pick." Pinatay niya ang makina kaya hinubad ko na ang seatbelt ko't hinarap siya. "Pa-unlock." Walang sabi-sabi siyang sumunod sa sinabi ko at kinuha ang susi sa ignition. Sabay kaming lumabas pagkasabit ng bag ko sa balikat saka ko inilibot ang paningin ko. Kakaonti lang ang kotse na nakaparada.

"Let's go," pagkuha niya sa atensyon ko kaya mabilis akong lumapit sa kaniya.

"Since date ito, dapat magkahawak kamay natin."

Tinignan niya ako na para akong tinubuan ng sampung ulo bago bahagyang umatras. "Holding hands? Necessary pa ba iyon? Only real couples do that."

"Hindi ba tayo couple?"

"The fuck are you saying?"

"Couple of good-looking people."

"So you admit?" Mula sa pagdisgustong tingin, napalitan ang ekspresyon niya ng mapang-asar.

"Na?"

"That I'm good-looking."

"Huwag kang conceited, Lo. Tara." Hinawakan ko siya sa kamay hinila paalis sa tabi ng sasakyan hanggang sa makapunta kami sa entrance.

Two-Month SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon