6

28 1 0
                                    

Keera

Naliwanagan ako sa parte kung saan bumalik ang virginity ko dahil accessory ko daw ito dahil nga ito ang ibinenta para magkaroon kami ng ugnayan ni Tristan. Ang hindi lang ako naliwanagan ay kung bakit ganuon umakto ang kapatid niya dahil nang itinanong ko, kibit-balikat lang ang isinagot niya sa akin. Pakiramdam ko, sikreto kung bakit kaya hindi na ako nag-usisa pa.

Habang nagkukwento naman ako, minsan ay tumatawa siya at iyong ngiti niya, hindi naalis sa pagkakapaskil sa mukha niya. Alam kong hindi siya normal na tao pero hindi man lang ba siya naaawa sa akin dahil sa ginawa ng kapatid niya?

Pero kahit na ganuon, hindi ako puwedeng sumuko basta-basta. Kailangan ko makuha ang bwisit na lalakeng iyon. Bukod kasi sa buhay ko, nanghihinayang ako sa hotdog nito. Aba, girl. Ngayon lang ako naka-encounter na may ganuong mega high-quality premium hotdog with face value kaya hindi puwedeng sumuko ako.

Hindi puwedeng may ibang makinabang sa kaniya kung hindi ako hangga't sa magsawa ako.

Kinausap ko silang dalawa para humingi ng permiso na magpakatotoo na ako at hindi na magpabebe. Pakiramdam ko kasi mas mahihirapan ako kuhanin ito kapag hindi ko idadaan sa santong paspasan. Lumabas kasi ang kulay nito at alam kong matigas itong tao. Kung gaano katigas ang hotdog nito, ganuon rin katigas ang pagkatao nito.

Wala na akong pakielam kung mag-ala stalker ako. Ang mahaga, mapa-ibig ko ito para masalba ang buhay ko pati na ang hotdog nito.

Humingi ulit ako ng tulong kay Izzy para matunton ang mga lugar na pinupuntahan nito kaya nakuha ko ang schedule nito at ang mga usual na pinupuntahan nito. Nagbakasakali rin ako sa paghingi sa kanilang dalawa ng permiso na magpakita na sa mga taong mahalaga sa akin at masaya akong napapayag ko sila. Ang sinabi lang nila, hindi na nila ako tutulungan sa oras na matunton ako ng dalawa kong stalker.

Mas gugustuhin ko pa ma-stalk kaysa hindi makita ang pamilya at mga kaibigan ko, ano.

Ang unang pumasok sa isip ko ay gamitin ang pagiging magpinsan ni Patricia at Tristan bago ko naisipang magpakita na kina Papa.

"Saan ka ba kasi nagpupupunta?" singhal ni Patricia at Patch sa akin bago matapos nila ako dambahin ng yakap.

Narito kami ngayon sa bahay ko at matapos ang makabagbag damdaming pagpapakita ko sa pamilya ko, heto't ang mga kaibigan ko naman ang pinapunta ko rito.

Tulad nila, umiiyak na rin ako dahil ang tagal ko na silang hindi nakita. Nakahawak ang mga kamay ko sa mga braso nilang nakapulupot sa akin habang nakatingin sa dalawang lalake na kaibigan ko rin, na kung tawagin naming mga babae ay tatlong itlog, including iyong isa na bumalik sa China dahil sa trabaho.

Nang humupa na ang emosyon, pumwesto kami sa salas at ikinwento ang mga nangyari sa akin, except the part na namatay ako't binuhay lang ulit ng grim reaper. Sinabi ko rin sa kanila ang tungkol sa dalawang stalker ko at sinabing maging maingat sa mga kakausap sa kanila dahil iyong isa ay kayang gumawa ng maasmang bagay.

Nagalit sila't naalarma dahil nalaman nilang nakapatay na ako pero naintindihan nila na ginawa ko iyon hindi dahil gusto ko; ginawa ko iyon dahil kailangan ko.

Hindi ko rin minsan maialis ang tingin ko kay Patricia. Naiisip ko kasi na pakiusapan ito para magkaroon kami ng ugnayan ng pinsan nito. Sa totoo lang kasi, wala na akong maisip na puwedeng idahilan rito kung bakit ako lalapit rito.

Bilang celebration daw sabi nina Kuya at Papa, pinag-stay na nila ang mga kaibigan ko at dito na pinakain. Gusto nga nilang mag-sleepover pero wala silang dalang mga gamit.

"Kumusta pala kayo ni Intsik? Hindi pa rin ba kayo nagkakabalikan?" tanong ko kay Patricia.

Natigilan ito sa pagsubo sa hawak na kutsara. "Wala pa sa plano ko makipagbalikan sa kaniya," mahinang sagot nito bago itinuloy ang pagkain.

Two-Month SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon