Keera
Hindi mawala ang ngiti sa mukha ko habang papunta sa opisina ni Tristan. Masaya si Izzy sa takbo ng mga bagay-bagay kaya hinayaan niya na ako sa pinaggagagawa ko. Kahit rind aw siya, hindi inaasahan na mapupukaw ko ang atensyon ng kapatid, to the point na gagawa ito ng paraan para makita ulit ako.
Alam ko naman ang ginagawa ng lalakeng iyon. Gusto niya talaga akong bawian at piliting baguhin ang opiniyon ko patungkol sa performance niya. Siguro nga nasaktan ko ang pride niya pero kung wala siyang pakielam tulad noong ipinakita niyang ugali sa akin matapos may mangyari sa amin, hindi na siya mag-aabalang gawin ang lahat ng ito.
Parang tanga pa ang ginawa nila ng secretary niya. Ito ba naman ang utusan para mag-message sa akin. Hindi ko man nakita o narinig pero imposibleng hindi niya iyon ginawa. Aba, napakalaking coincidence naman kung bigla na lang mag-message ang secretary niya sa akin matapos namin mag-usap kahapon.
Kaya heto, papunta na ako ngayon sa opisina niya. Nagkunwari lang ako na hindi ko kilala ang secretary niya at sinakyan ang kagaguhan niya dahil nasa plano ko ito para mapalapit pa sa kaniya. Wala talaga silang kaalam na iyong ginagago nila, pinaglalaruan na pala sila.
Dumiretso ako sa reception dahil ang sabi ni Justin ay sabihing narito ako para sa kaniya. "Good morning," bati ko sa receptionist habang nakangiti. "I'm here for Justin Sevilla."
"What's your name, ma'am?"
"Keera."
"Take the elevator on the right side po, ma'am. 19th floor."
"Thank you."
Sumabay ako sa mga taong napunta sa right side ng building. May kaonting pila pero mabilis rin naman akong nakasakay at nakatuntong sa 19th floor. Pagkalabas ko sa elevator, tumungo ako't ininspeksyon ang suot ko bago ako ngumiti't pumihit paharap sa mahabang hallway.
Nakita ko si Justin na nakaupo sa loob ng L-shaped niyang station. Maraming folders ang nakalagay sa lamesa. Kasama na rito ang isang telepono at ilang gamit niya tulad ng mug. Lumapit ako sa kaniya habang nakangiti kaya nag-angat siya ng tingin at tumigil sa pagtipa sa laptop niya.
"Hi," bati niya habang nakangiti. "Nandito ka na pala."
"Told you I'll come."
"Nag-breakfast ka na?"
"Hindi pa, actually. Plano ko sana, kumain na lang pagkalabas natin."
"Right. Uhhh... Keera?"
"Yeah?"
Nagkamot siya ng batok at iyong ngiti niya, nawala na. "May biglaan kasi akong trabaho. I... I'm sorry."
"Ganuon ba? Okay lang. Career first, of course."
"Pero puwede naman kita pasamahan para makakain ka. No worries. Wala kang gagastusin."
Tingin mo sa akin? Dukha?
"Ha? Hindi ba't dapat ikaw ang kasama ko since ikaw ang ipinunta ko rito?"
"I know. I'm sorry. Pangbawi lang kasi kailangan ko talaga mag-stay dahil sa biglaang tambak ng trabaho ko." Humarap siya sa pintuan na katabi ng station niya bago ibinalik ang tingin sa akin. "Nakiusap na ako sa kaibigan ko na samahan ka. Nasa loob siya."
What they're doing is really stupid. Sino ba naman kasing matinong lalake ang ibabato sa ibang lalake ang date niya matapos niya ito papuntahin sa workplace niya? To think na first meet up nila? Pero dahil may kasama ito sa plano ito, kailangan ko talaga sumakay.
Bumuntonghininga ako. "Okay. Tutal nagugutom naman na ako, I'll let this slide. Puwede na ba ako pumasok?"
Itinaas niya ang kamay at sinenyasan ako ng wait. Kinuha niya ang telepono't nagdial rito. "She's here." Tumango muna siya ng isang beses bago ibinaba ang tawag saka ako tinignan ulit. "Pasok ka na."
BINABASA MO ANG
Two-Month Seduction
General FictionIn Keera's eyes, men are just tools she can use then toss aside after. Bilang sa daliri ang masasabing pinagkakatiwalaan niya. One day, na-kidnap siya't ginawang basura ng mga dumukot sa kaniya. Matapos niya mapatay ang mga ito, dala na rin ng mga n...