Keera
Okay. Alam ko sa sarili ko na papatayin niya ako sa sarap kapag gumawa na naman kami ng milagro pero pakiramdam ko, mas ginalingan niya pa dahil sa paulit-ulit na panglalait ko sa performance niya. Mula sa ibabaw ng lamesa, dinala niya ako sa sofa dahil dumaing ako na masakit sa likod at natatakot ako na baka masira namin ang lamesa. Malabo dahil matibay at malaki iyong lamesa pero nakakaloka pa rin kung duon kami matapos sa ginawa naming milagro.
Heto ako ngayon sa banyo ng opisina niya, naglilinis ng ibabang parte ng katawan. Nakadalawang beses kasi kami at natuwang mag-withdraw si koya sa lower torso ko. Ang lagkit ko tuloy. Laking pasasalamat ko nga rin na hindi niya sinira this time ang mga damit ko kasi kung ginawa niya iyon, hindi ko siya mapapatawad. Aba. Ginawa ng kaibigan ko ang dress ko na ito.
Itinapon ko sa basurahan ang mga basang tissue na ginamit ko bago ako lumabas. Nakita ko siyang nakabihis na at iniaayos na ang mga gamit niya sa lamesa. Pagkasara ko sa pintuan, nilingon niya ako't nginitian.
Napatigil ako habang nakatingin sa mukha niya. Sanay kasi akong nakangisi siya o hindi kaya't masama ang tingin sa akin pero heto't ang tamis ng ngiti niya. Tumayo siya ng tuwid saka kinuha ang necktie sa ibabaw ng lamesa niya. Ipinatong niya ito sa balikat niya saka siya lumapit sa akin.
"Marunong ka ba mag-ayos ng tie?"
Tumango ako't kinuha ito sa balikat niya. "Yeah. I always do it for my brother and my dad."
"Just your brother and dad?"
Inikutan ko siya ng mata bago ko sinimulang ayusin ang necktie niya. "Bakit? Sino pa ba gagawan ko nito? It's not as if may kaibigan o boyfriend ako na kailangan—"
"Good."
Nagsalubong ang kilay ko. "What do you mean good? Wala na nga akong boyfriend, good ka pa diyan."
"I might be your future boyfriend. Who knows." Bumalik ang ngisi niya saka itinaas ang kamay saka pinindot ang tungki ng ilong ko.
"I never pegged you as someone who does that."
Unti-unti, nawala ang ngisi niya at napalitan ng pagkatataka. "Bakit naman?"
"Hindi ko kasi makapa kung ano talaga ugali mo. At first, ang bait mo. Then when I confessed, parang gusto mo na akong patayin. Now, you told me to woo you and you do things like this." Nang matapos ko ang pag-aayos sa tie niya, tiningala ko siya dahil mas mataas siya sa akin. "Hindi ko alam kung sadyang pa-fall ka lang o ano."
"I guess I'm... naturally charming?" Tumayo siya ng tuwid bago humalukipkip saka ako tinignan ng maigi. "Be honest with me. What do you think of me?"
"Galing ka sa maayos na pamilya so I guess... you were taught to have manners. You have gentle features rin. Your expression always screams hey, I'm a nice guy. Very polite."
"Oh. Taas pala ng tingin—"
"But now, you proved me wrong." Ngumisi ako't umiling. "You're bossy, perverted, bad-tempered—"
"Okay. Whoa. I'm not," pagsapaw niya habang nakataas ang dalawang kamay sa harap ko pero ibinaba niya rin ang mga ito nang tumigil ako. "Ayokong sa akin manggaling but I'm really well-mannered. Maayos ang pamilya ko. Ayokong mabahiran ng maruming imahe ang apelyido namin. It's true that I sleep around and it is something that might ruin the image we're trying to maintain but all of the girls that I bed are consensual. Ipinapaintindi ko sa kanila na one-time thing lang ang mangyayari."
"I must be special then. Sinunggaban mo kasi kaagad ako without saying that."
Tumawa siya ng mahina bago umiling ng bahagya. "Not really special like what you think but you can say you were a special case. Remember, I bought you."
BINABASA MO ANG
Two-Month Seduction
General FictionIn Keera's eyes, men are just tools she can use then toss aside after. Bilang sa daliri ang masasabing pinagkakatiwalaan niya. One day, na-kidnap siya't ginawang basura ng mga dumukot sa kaniya. Matapos niya mapatay ang mga ito, dala na rin ng mga n...