15

34 1 0
                                    

Keera

Kung sasabihin ko na alam ko ang gagawin, nagsisinungaling ako. Wala kasi akong ideya kung paano ko bai ha-handle ang sitwasyon na kinalalagyan ko ngayon. Hindi ko naman maitulak paalis si Kerko kasi baka mangulit lang ulit sa oras na makatapak sa labas ng bahay or worse, si Tristan ang hindi magpaalis tulad ng ginawa niya kanina.

Pumwesto kami sa salas at ang mga katulong, grabe kung makangiti sa dalawa habang nagtatanong kung anong gusto inumin ng mga ito.

Parang mga ngayon lang nakakita kita ng guwapo.

Magkatabi kami ni Kerko sa pahabang upuan habang iyong isa naman, nakaupo sa pang-isahan, prenteng nakasandal habang nakahalukipkip at ang mga mata, nakatutok sa akin.

"Hindi ba't sinabi ko, huwag ka pupunta?" tanong ko sa katabi ko at hindi ko iniinda kahit pa nakikita nitong iritable ako. "Ni hindi ka man lang nag-message."

"You told me not to message you—"

"And I also told you not to—"

"Yeah. I know. I just really want to see you."

Napasuklay ako ng buhok gamit ang kamay ko bago ako tumayo. "May iniluluto pa ako. Dito ka muna." Nilingon ko si Tristan na nakatitig pa rin sa akin. "Mr. Eru, please wait. Tatawagan ko na rin si Papa. Wala kasi siya rito." Hinintay ko siyang sumagot pero ni tango hindi niya ginawa kaya ako na lang ang gumawa saka ako naglakad papunta sa kusina.

Hindi ko alam ang magiging atmosphere ng dalawa pero bahala sila. Ini-stress nila ako.

Sakit sa ulo talaga ang mga lalake.

Hindi rin nagtagal nang matapos ako sa ginagawa kaya naghanda na ako sa lamesa at inutusan ang katulong na sabihin sa dalawang bisita na pinatatawag ko.

"Ang bango, ha?" bungad ni Kerko pagkapasok niya sa dining area.

Inilapag ng katulong iyong tray na may tatlong bowl sa counter na nasa gilid kaya kinuha ko ito't inilapag sa lamesa. Akmang aalisin ko na ang apron ko nang tawagin ako ni Tristan. "Can we talk for a sec?"

Nagtataka man, tumango ako't sinundan ito. Bumalik siya sa salas at nang makalapit ako sa kaniya, hinawakan ko ang pagkakatali ng apron sa likod ko. "Bakit?"

"Don't take it off."

"Ha?"

"Don't—I said don't take it off." Inikutan niya ako ng mata saka pumunta sa likuran ko. Hinawakan niya ang taling kaaalis ko lang sa buhol saka ito itinali ulit.

"Bakit mo ba itinatali ulit? Kakain na kaya tayo."

"Aren't you courting me?" mahina pero mariing sinabi niya kaya naitikom ko ang bibig ko. "Then do what I tell you."

Matapos niya itali ang apron ko, nilagpasan niya ako't naglakad pabalik sa dining area. Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa inasta niya. Hindi ko alam kung bakit hindi niya ipinahuhubad sa akin ito pero dahil siya ang masusunod, wala akong choice.

Tangina. Kung hindi ko lang kailangan isalba buhay ko, asa siyang susundin ko siya. Basagin ko pa kaligayahan niya kahit nakakapanghinayang, eh.

Pahaba ang lamesa sa dining area at bawat gilid ay may tatlong helera ng upuan at tig-isa sa magkabilang dulo. Nakaupo si Trista sa pinakadulo at si Kerko, nasa gitna ng kaliwang parte ng table kaya ang ginawa ko, umupo ako sa gitna ng kanang parte.

"Sorry if hindi marami iniluto ko. I didn't expect na may iba pang pupunta."

"Okay lang, Keera," nakangiting sinabi ni Kerko pero hindi ko na lang ito pinansin.

Two-Month SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon