Chapter 3

144 5 0
                                    

Tasha's POV

Paglapag namin sa Airport dito sa Pinas ay nakangiti akong bumaba sa plane at saka dala ang aking maleta ay naglakad na ako hanggang sa makakita ako ng masasakyan papunta sa Hospital kung nasaan ang anak ko. Isang pamilyar naman na boses ang tumawag sa pangalan ko. 

"Tasha, over here." Si Yanna, ang matalik kong kaibigan na sumisigaw at kumakaway pa kaya nagmadali akong lumapit sa kanya. "Welcome back to the Philippines! Lalo ka namang gumaganda bessy." Pagpuri nito sa akin. 

"Ikaw talaga, maliit na bagay. Bakit di ka nagsabi na susunduin mo ako? Akala ko naman busy ka kagaya ng sinabi mo bago ang flight ko." Sabi ko naman sa kaniya at saka siya niyakap. 

"S’yempre para surprise, tara na?" Pag-aya nito sa akin. 

Naglakad na ako at tatawag na sana ng taxi pero pinigilan niya ako. 

"Saan ka pupunta? May sasakyan ako." Pagpigil niya sa akin, no'ng una hindi pa ako makapaniwala. "Ibig kong sabihin eh dala ko ang company car namin, nahiram ko para sunduin ka at buti good mood ang boss kaya tara na!" Sabi niya pa at tinulungan ako sa dala kong maleta. Bakas sa mukha niya ang tuwa at excitement na makita ako ulit.

Habang nasa sasakyan kami ay naisip ko na naman ang dadatnan ko mamaya sa Hospital. 

"Dinalaw ko si Thunder noong isang araw, tuwang-tuwa ang bata kaso hindi ako p’wedeng magtagal that day kasi ang daming kailangan asikasuhin sa office, wala doon si Steven at hindi rin alam ni tita kung nasaan kasi ang paalam ay may aasikasuhin lang daw." Sambit niya. 

"Di ko nga alam Yanna, kung ano ba ang madadatnan ko ngayon kasi sa totoo lang umuwi lang ako kasi para ayusin ang problema dito at ginamit ko na ang natitira kong ipon para makauwi dito." Sabi ko naman. 

"Bessy, alam mo naman una pa lang na ‘di ko na bet si Steven pero dahil mahal kita at mahal mo siya ay sinubukan kong tanggapin ang lalaking nakakapag-pasaya sa'yo, pero somethings fishy sa pinag-gagagawa ng boyfriend mo kasi nasabi mo sa akin na sapat naman ang pinapadala mo eh bakit ngayon walang maibayad sa hospital bills? Saan napunta ang perang pinaghirapan mo sa ibang bansa?" Tanong nito sa akin. Maging ako ay ito rin ang tumatakbo sa isip ko simula nang makarating sa akin ang problema dito sa Pinas. 

"Nakausap ko naman na siya bago ako umuwi eh, sabi niya dito niya na lang daw ipapaliwanag sa Pinas pag nakauwi na ako, ang iniisip ko ngayon eh kung paano ko mababayaran ang hospital bills ni Thunder para makauwi na siya." Sagot ko sa kan’ya at napakamot pa ako sa ulo. 

"Alam mo naman ako bessy kung mayaman lang ako ‘di mo na kailangan mamroblema para sa inaanak ko, pero ‘wag kang mag-alala may naitabi naman ako, gamitin mo na lang muna para makabawas din sa isipin mo." Suhestiyon ni Yanna. "Sinabi ko naman kasi sa'yo Ms. Atasha Glaize Sanchez na maghanap ka na ng sugar daddy doon sa ibang bansa." Dagdag niya pa.

"Hoy Aeliana Perez, ‘wag mo akong utusan at ayoko ng asukal de papa kasi alam mo naman ang purpose kung bakit ako bumalik do'n, I'm still seeking and hoping for justice." Sagot ko sa kan’ya. 

Inabot niya naman sa akin ang isang sobre. 

"Hindi kalakihan 'yan pero sana makatulong sa inyo, hindi ako pwedeng magtagal bessy kaya ihahatid lang kita at babalik na ako sa office baka gagamitin na ang sasakyan, pero mamaya after ko magtrabaho ay pupunta ako doon." Nakangiting sambit niya. 

"Salamat talaga, nakakahiya na ako ang galing ibang bansa pero ako pa ang inaabutan mo ng tulong." Napapahiyang sambit ko at tinanggap ang inaabot niyang tulong. Totoong grabe ang hiya ko at nanliliit na naman ang tingin ko sa sarili ko, pero sa ngayon ay hindi uubra ang pride ko kasi kailangan talaga na mailabas na ang anak ko.

Beyond The Pain (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon