Chapter 11

88 3 0
                                    

Tasha's POV

Nagising ako na wala sa tabi ko ang anak ko, kaya naman agad akong lumabas ng k’warto para hanapin ito. Nadatnan ko si mama at Thunder na nasa sala, nakahiga sa sofa si Thunder habang dumedede sa feeding bottle kaya agad akong umupo sa harapan ng mag lola. 

"Good morning baby," Nakangiting bati ko sa anak ko at saka ko ito hinalikan sa noo. "Good morning ma." Bati ko rin sa mama ko. 

"Good morning, hindi na kita ginising kasi pagsilip ko kanina nakita kong gising na si Thunder sa tabi mo kaya kinuha ko na lang muna para hindi madisturbo ng tulog mo." Sagot ni mama sa akin. 

"Ayos lang naman po kahit pa madisturbo ang pagtulog ko at wala naman po akong gagawin bukod sa pag-iisip kung saan ako kukuha ng perang gagastusin para sa pagbalik ko sa trabaho at sa budget dito sa bahay, idagdag mo pa po ang utang natin kay Blake." 

"May naitabi pa naman ako dito, p’wede na 'to sa isang linggong budget ng apo ko, pero hindi ko na alam kung saan ako kukuha ulit ng pera pag naubos na itong kaunting ipon ko." 

"Ma, itabi mo na 'yan at hindi natin alam ang takbo ng panahon baka sa sobrang kasipagan mo sa pag-aalaga sa amin ng apo mo ay ikaw naman ang magkasakit, ‘wag naman sana." Nag-aalalang turan ko. 

Ayokong nadadamay si mama sa mga ganitong sitwasyon dahil nangako ako sa kan’ya na gagawin ko ang lahat para lang mapagaan ang buhay niya, kaya nga iniwan ko sa kan’ya si Thunder, dahil gusto kong makapag-ipon ng sapat na pera para sa gusto niyang negosyo na makapag-patayo ng sari-sari store dito sa tapat ng bahay namin, kaya nga lang ay hindi umaayon ang panahon sa mga gusto kong mangyari pero hindi ibig sabihin ay susuko na ako. 

"Ano ba’ng plano niyang nobyo mo? Bakit parang ‘di ko naman nakikita na talagang desidido na tulungan ka at lagi na ang sinasabi na maghahanap ng trabaho pero hanggang ngayon eh wala pa rin namang trabaho." Sabi ni mama.

"Ma, wag na natin siyang idamay dito at alam ko naman na naghahanap po talaga siya ng trabaho, kaso lang eh hindi nga lang po pinapalad."

"Ayusin niya lang kamo 'yang ginagawa niya sa buhay niya dahil papalarin talaga siya sa akin kapag napatunayan ko na tama ang hinala namin ni Liana, na tinatarantado ka lang ng lalaking 'yon." Sagot niya sa akin saka kinarga si Thunder at ini-hele. Parehong matindi ang gigil nila ng kaibigan ko kay Steve, hindi ko naman sila masisisi. 

"Naku ma, nahahawaan na kayo ng bestfriend ko sa kapraningan niya sa buhay, alam ko po ang ginagawa ko at hindi ako mag to-tolerate ng maling gawain lalo na pag boyfriend ko ang gumawa ng mga gano'ng bagay na sana ay ‘wag naman niyang gawin sa akin." 

Noon pa man ay alam ko na hindi magaan ang loob ni mama at ng bestfriend ko sa boyfriend ko. Meron silang hinala na ginagamit nga lang daw ako nito, pineperahan kahit na wala naman talaga akong pera. Sabi kasi ni mama na hindi naman daw mukhang naghahanap ng trabaho ang boyfriend ko at ang perang hinihingi nito sa akin na sinasabi niyang pang apply niya ay iwinawaldas lang daw nito at hindi naman talaga naghahanap ng trabaho. Kagaya ng paniniwala ko na hanggat walang ebidensiya, ang hinala ay mananatiling hinala. Gusto ko kung paano ako irespeto ni mama at ng kaibigan ko na kahit nga duda sila sa boyfriend ko ay pinakiki-samahan nila ito dahil alam nila na mahal ko 'yong tao. 

"Alam mo naman na kagaya ng kaibigan mo, concern lang din ako sa'yo at alam naman na nating lahat ang pinagdaanan mo. Ayoko lang na sa bandang huli ay masaktan ka na naman ng dahil lang sa lalaki na naman." Sambit ni mama saka iniabot sa akin si Thunder. "Hawakan mo na muna ang anak mo at lalabas ako para mamili ng ilang mga importanteng kailangan dito sa bahay, para makabawas na rin sa mga iniisip mo." Dagdag niya pa. 

Beyond The Pain (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon