Hindi muna ako nakapag salita, iniabot ko si Thunder kay mama para makausap ng maayos ang taong tumulong sa amin.
"Ikaw?" Sabay naming sambit at nagkatinginan kaming lahat, marahil ay nagtataka sila kung bakit gano'n ang reaksiyon namin.
"Wait, do you know each other ma'am?" Tanong sa akin ng doctor.
"Not really Ivan, she's my passenger kanina sa flight ko and I get to know her because..." Hindi niya na natapos ang sasabihin niya ng magsalita si Steve.
"So magkakilala naman pala kayo." Siingit ni Steve.
"Not really bro, by the way I'm Blake." Sagot ni Blake at inilahad ang kamay niya para makipag shake hands kay Steve.
"Steven." Sabi nito at saka binawi kaagad ang kamay niya.
"Great, nagkita na pala kayo before kaya pala ang gaan ng loob mo kanina pagpirma mo ng cheque." Singit naman ni Doc Ivan.
"Bakit mo ginagawa 'to? I mean bakit mo kami tinulungan?" Tanong ko sa kanya.
"Let me clear this first, I helped the baby base sa k'wento ng pinsan ko ay agad akong naawa and my mom once told me that I need to help those people in need as long as I can help, and I'm happy to help." Nakangiting sagot ni Blake. "And I have no idea that the baby that my cousin's telling me about is your baby, but all in all makakauwi na ang baby mo." Dagdag niya pa.
"Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko para sa tulong na ito na nagawa mo sa apo ko at sa pamilya ko, napakabuti mo anak." Singit naman ni mama saka lumapit kay Blake.
Hinawakan naman ni Blake ang kamay ni Thunder.
"Makakauwi ka na handsome, and tita, no worries po just promise me na aalagaan niyo ng mabuti si baby boy and 'di na kayo babalik dito kasi tuloy-tuloy na ang pag improve ng bata, masaya po ako na nakatulong ako." Sagot niya naman kay mama.
Pero meron sa loob ko na nagtulak sa akin upang tumutol sa mga sinasabi niya.
"Babayaran kita." Saad ko. Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang kapal ng mukha at lakas ng loob para masambit 'yon, eh alamko naman na walang-wala talaga akong pera.
"Excuse me, what did you say?" Tanong ni Blake sa akin.
Kinuha ko ulit si Thunder kay mama at saka ko kinarga, tahimik lang ang bata pero bahagyang nakangiti.
"Ang ibig kong sabihin eh babayaran ko ang mga nagastos mo, nakakahiya naman sa'yo kanina mo pa ako tinutulungan eh, 'wag kang maag-alala pag nakabalik na ako sa pagtatrabaho sa ibang bansa, uunti-untiin ko ang pagbayad sa'yo." Sagot ko sa kan'ya.
"It's ok ma'am, my cousin can handle that." Singit ni Doc.
"No, I insist. Hindi ako sanay na may utang na loob ako sa isang tao at sa stranghero pa ako magkakautang, kaya babayaran kita pangako." Pagmamatigas ko. Hindi kaya ng ego ko ang mga nangyayari ngayon.
"Why are you calling me stranger if you already know my name? It's ok, 'di mo na kailangang bayaran dahil tulong ko na sa bata 'yon." Sagot naman ni Blake.
"Paano mo ba mababayaran 'yon e wala na ngang natira sa ipon mo at saka pagbalik mo sa ibang bansa kailangan mo ulit magpadala ng magpadala para sa bata kaya hayaan mo na at magpasalamat ka na lang na may tumulong sa atin." Suhestiyon ni Steve na ikina-inis ko.
"Basta sinabi ko na, kahit paunti-unti lang Mr. Blake hindi naman biglaan na i-full cash ko talaga kasi hindi keri ng powers ko." Pagpupumilit ko.
Nagtinginan ang magpinsang doktor at ang lalaking tumulong sa amin.
BINABASA MO ANG
Beyond The Pain (UNDER REVISION)
General FictionAtasha Glaize Sanchez is an OFW in the US, she's also a single mom of a handsome kid named Thunder. After her worst nightmare happened, until now she's still seeking justice and she promised herself that she wouldn't stop until the justice for what...