Chapter 6

113 4 0
                                    

Blake's POV

Nagising ako sa sobrang tahimik sa bahay ko. 

Pagkauwi namin kagabi ay nag-k’wentuhan ag kami saglit ng pinsan ko, baak pa nga sana namin mag beer muna pero hindi natuloy kasi ramdam ko na ang pagod at pagod din sa duty and pinsan ko kaya napag-pasyahan naming next time na lang.

Mag-asawang care taker nga lang ang kasama ko dito na nangangalaga sa bahay ko dito sa Pinas kapag nasa ibang bansa ako. Bumangon ako at saka dumiretso sa bathroom, naghilamos ng mukha and then I brushed my teeth saka ako bumaba sa kitchen para magluto sana ng makakain ko pero nasa stair pa lang ako ay nakasalubong ko na si Manang Emma. 

"Good moning sir, mukhang napasarap ang tulog mo." Bati sa akin ni manang. "Aakyat pa nga lang sana ako sa taas at gigisingin kita para makapag-almusal ka na kasi mag ta-tanghali na." Dagdag pa nito

Tiningnan ko naman ang oras sa wrist watch na suot ko at 10:30 am na pala, tinanghali nga ako ng gising dala na rin siguro ng pagod at saka iba talaga ang ambiance for me when I'm here in the Philippines. 

"Sorry about that manang, ako na lang po ang magluluto ng pagkain ko." Sagot ko sa kan’ya saka nagpatuloy na sa paglalakad pababa at nasa likuran ko naman si manang, nakasunod sa akin. 

"Hindi na kailangan sir, ipinagluto na kita ng mga paborito mong Philippine breakfast food kasi alam kong na mi-miss mo ang pagkain dito sa Pinas." Sagot niya naman sa akin. 

"Manang talaga, sana po hindi na kayo nag-abala because I can cook my own food naman, anyway thank you." Pagpapasalamat ko sa kan’ya. 

Kapag kasi nandito ako sa bahay, ang rules lang ay akin ang kusina pero ngayon dahil nga tinanghali ako ay baka nag prepare na lang sila at baka inisip nilang gutom ako paggising ko. Sa ilang taon na nilang pangangalaga sa bahay ko ay kilala ko na ang mag-asawang ito na parang mga magulang ko na kapag nandito ako sa Pilipinas. Dumiretso ako sa dining area at doon nadatnan ko si Mang Miguel na inaayos ang table. 

"Magandang umaga hijo." Nakangiting bati nito sa akin. 

Noon pa man ay inabiso ko sa kan’ya ayon din sa hiling niya na kung p’wede eh ituring niya akong parang tunay niyang anak dahil nga hindi sila nabiyayaan ng anak ni manang Emma. Hindi ko ramdam na malayo sa akin ang parents ko kapag nandito ako sa bahay at kasama sila, pinaparamdam nila sa akin na may mga magulang ako dito sa Pinas, habang busy sa ibang bansa ang aking totoong parents sa pag-aasikaso ng mga negosyo nila.

"Good morning po, sabayan niyo na po akong kumain kung hindi pa po kayo nag-aalmusal." Alok ko sa mag-asawa. 

"Kumain na kami kanina, hindi ka na namin nahintay kasi nagutom na kami at may mga kailangan pa kaming gawin, aayusin ko ang tumatagas na tubo doon sa likod bahay sa may dirty kitchen, at si manang Emma mo naman ay mag-aayos sa hardin." Sagot ni mang Miguel sa akin. 

Tumango na lang ako dahil mukhang hindi ko naman sila mapipilit. Napaka hands on ng mag-asawang ito dito sa trabaho nila sa bahay ko, sabi ko kasi sa kanila na ituring nilang parang sarli nilang bahay ang bahay ko. Hindi ako nagkamali sa pagpili sa kanila para tumao dito sa bahay habang wala ako, dahil sa tuwig dadatnan ko ang bahay ko ay ramdam kong may pagmamahal at pag-aalaga ang mga taong nandito habang wala ako.

Naalala ko na kailangan ko nga palang tawagan ang parents ko dahil hindi ko na sila na update kahapon dahil pagka-uwi ko ay nakatulog ako kaagad sa sobrang pagod. Nagsimula na akong kumain at in-enjoy ang masasarap na umagahang pinoy na inihanda ni manang Emma sa akin. Pagkatapos kong kumain ay iniligpit ko ang pinagkainan ko para hindi na dagdag trabaho pa ni manang. 

When I'm all done in the dining, bumalik ako sa k’warto ko at kinuha kaagad ang phone ko na nasa gilid ng kama ko. Pumunta ako sa may terrace at saka lumanghap ng hangin na sariwa. Masuwerte ako at nakahanap ako ng pwesto na mapagtatayuan ng dream house ko kung saan malayo sa mga may pabrika dahil hindi fresh ang air doon kaya pinili ko talaga dito kahit may kamahalan eh sulit naman. 

Beyond The Pain (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon