Chapter 13

87 3 0
                                    

Ilang beses ko pang ikinurap ang mga mata ko, sa pag-aakalang mali ang nakikita ko o namamalikmata lang ako. Pero si Blake talaga ang lalaking bumaba sa sasakyan kasama ang isang may edad na lalaki. Kinarga ko si Thunder at saka kami nagtungo sa gate ng bahay namin, malayo pa kami sa kanila ay nakangiti na ang mga ito at ako naman ay nagtataka. Iniisip ko na baka nandito si Blake para maningil na, kaya kinabahan ako kasi wala pa naman akong pera ngayon. 

"Hi, how are you handsome?" Bati ni Blake kay Thunder at saka pinisil ang mukha habang ako ay nagtatakang nakatingin lang sa kan’ya. 

Wala akong ibang alam na dahilan kung bakit siya pupunta dito, at saka paano niya naman nalaman kung saan kami nakatira, eh wala naman akong maalala na may nabanggit ako sa kan’ya kung saan ang exact address namin. 

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kan’ya habang masaya niyang nilalaro si Thunder na hindi naman mawala ang mga ngiti sa mukha nito. "Kung tungkol ito doon sa utang ko, pasensiya na at hindi pa ako nakakahanap ng paraan para makabayad sa'yo, alam kong nangako ako na magbabayad ako ng paunti-unti, pero kasi hirap pa rin ako sa paghahanap ng paraan para makakuha ng panggastos pabalik sa trabaho ko sa US." Pagpapaliwanag ko sa kan’ya. 

Nagtinginan naman sila ng kasama niyang matandang lalaki at saka tumawa si Blake na akala mo isa akong clown na nagpapatawa ng bata. 

"What are you talking about?" Natatawang sambit niya pa. "Hindi ako pumunta dito para maningil, at saka sinabi ko naman sa'yo noon na kahit hindi mo na bayaran 'yon ay ok lang." Dagdag niya pa. 

"So anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko sa kan’ya. 

Sinenyasan niya naman ang kasama niyang matandang lalaki na agad binuksan ang sasakyan, tumambad sa amin ang mga groceries na halos pumuno sa sasakyan nito. Tuwang-tuwa si Thunder nang makita ang isang human size Pikachu teddy bear na nasa tabi ng mga groceries. 

"Ano 'to?" Takang tanong ko sa kan’ya.

"All of this, is for Thunder." Sagot niya naman.

"Huh? Pero bakit? Anong meron, saka wala akong pambayad diyan, ‘di pa nga nababawasan ang utang ko sa'yo kahit kaunti eh." 

"Who told you that you have to pay for all of that? That's free of charge for a handsome kid named Thunder." Nakangiting sagot niya sa akin. 

Hindi man ako makapaniwala ay inaya ko muna sa loob si Blake, nakakahiya naman kasi kung hindi ako mag-offer na papasukin sila at kanina pa kami nasa labas. Pinaupo ko siya sa sofa habang ang kasama niya naman at ang isang tambay na nakita nila sa labas ng bahay namin ay nagpatulong si Manong sa pagbubuhat ng sandamakmak na groceries para kay Thunder daw. Unang pinasok ang human size Pikachu teddy bear na agad sinakyan ni Thunder, hindi na ako nito pinapansin dahil naka-focus na ito doon sa laruan niyang mas malaki pa sa kan’ya. 

Umupo ako sa harapan ni Blake habang nakangiti niyang pinagmamasdan si Thunder na tuwang-tuwa sa ibinigay niya. 

"Tell me, anong kapalit ng mga 'to?" Diretsang tanong ko sa kan’ya. 

Tiningnan niya naman ako na para bang namangha siya sa sinabi ko. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.

"What do you mean?" Nagtatakang tanong niya naman sa akin.

"Hindi na tayo mga bata para maglaro ng guessing game dito, alam mo ang ibig kong sabihin dahil sa panahon ngayon ay wala ng libre at ang lahat ay may kapalit." Sagot ko sa kan’ya.

"All this time, do you think na ang tulong na binibigay ko sa bata ay may kapalit? Sige, ang kapalit ng mga 'yan ay ang kasiguraduhan na palaging safe at healthy ang bata." 

Beyond The Pain (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon