"Ok ka lang ba babe?" Tanong ni Steve sa akin.
Nakabalik ako sa huwisyo, alam ko sa sarili ko na 50/50 kong paniniwalaan ang mga sagot niya sa lahat ng mga naitanong ko sa kan’ya. At alam ko rin na ang mga nakikita ko ngayon ay sapat na ebidensiya para mapag patagpi-tagpi ang mga hinala sa isip ko pero ako itong si tanga na pilit na iwinawaglit ang mga obvious thing na nadatnan ko.
"Oo, mauuna na ako baka kasi hinihintay na rin ako ni Thunder at ni mama." Sagot ko sa kan’ya.
Pumasok naman ang mom ni Steve at saka sumingit sa usapan namin.
"Hindi ka ba muna kakain dito hija? Nagluto pa naman ako ng makakain sana natin para naman kahit papa'no eh magkaroon tayo ng oras na makapag usap-usap kahit hindi gano'n katagal."
"Ma, may kailangan pa atang asikasuhin ang girlfriend ko kaya hayaan na natin siyang umalis at may susunod pa naman." Sabat ni Steve.
"Opo tita, nagmamadali na nga po talaga ako kasi mamimili po sana ako kaso naisipan ko po na daanan kayo dito at kumustahin kasi ang alam ko po wala rito ngayon si Steve at ang paalam niya ay mag a-apply siya ng trabaho ngayon." Mariin ko pang binanggit ang mga katagang mag a-apply siya ng trabaho ngayon para kahit papa'no ay maramdaman niya na hindi ako satisfied sa lahat ng mga kasagutan niya pero dahil mahal ko siya ay mas pinili kong manaig ang pagmamahal at pag-unawa ko sa kan’ya.
"O siya, ikaw ang bahala. Basta anytime nandito lang naman ako sa bahay eh, bisitahin mo ulit ako hija."
"I will tita, mauuna na po ako." Pagpapaalam ko at saka ako tumalikod sa kanila.
Hindi ko na magawa pang magpaalam kay Steve dahil hindi ko na rin alam kung bakit ako naguguluhan ngayon. Sinasabi ng isip ko na alamin ko ang katotohanan pero pinipigilan ako ng puso ko dahil isinisigaw nito na kailangang manalo ang pagmamahal ko sa boyfriend ko kaysa sa mga hinala ko. Alam naman ng lahat na buo kong ibinigay ang tiwala ko kay Steve, kasi tinanggap niya ako ng buo sa kabila ng mga naranasan ko noon ay hindi niya ako pinandirihan kahit nalaman niya kung anong klaseng babae ako, na kahit ang dumi ng tingin ko sa sarili ko pero pinilit niyang iparamdam at ipaliwanag sa akin na hindi ako kagaya ng iniisip ko. He deserves my trust kaya ayoko talaga na magkalamat 'yon.
Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng grocery stores, dahil nawala na sa isip ko kung ano ang mga bibilhin ko ay nagpasya na ako na umuwi na lang dahil alam ko naman na hindi ko lalong ma ba-budget ang perang dala ko dahil nga sa pagkabalisa ko, baka imbis na sumapat lang sa mga kailangan kong bilhin ay magkulang pa ako. Pagdating ko sa bahay ay sinalubong ako kaagad ni Thunder na naglalaro sa sala at saka niyakap.
"Mommy, nasaan food ko?" Tanong nito sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko o ipapaliwanag sa kan’ya kaya hindi ako nakabili ng mga dapat na bilhin para sa kan’ya.
"Oh anak! Bakit nandito ka na? Saka nasaan ang mga pinamili mo para matulungan kitang ilagay sa ref." Bungad ni mama na nagpupunas pa ng kamay at may dala na namang bote ng gatas ni Thunder, halatang kakatimpla lang nito.
"Mommy, antok na ako po kaya timpla mama dede." Sabi ni Thunder.
"Ako na po ang magpapatulog kay Thunder ma, mamaya na lang po tayo mag-usap kapag tulog na po ang bata." Sagot ko kay mama saka hinawakan si Thunder sa kamay at sabay kaming naglakad patungo sa k’warto namin para makapag pahinga na ang bata.
Tinabihan ko si Thunder hanggang sa makatulog, hindi muna ako kaagad na lumabas kahit natutulog na si Thunder, nag-iisip din ako ng sasabihin ko kay mama dahil alam ko naman na kahit magsinungaling ako doon ay malalaman niya na hindi ako nagsasabi ng totoo, mother instinct na tinatawag.
BINABASA MO ANG
Beyond The Pain (UNDER REVISION)
General FictionAtasha Glaize Sanchez is an OFW in the US, she's also a single mom of a handsome kid named Thunder. After her worst nightmare happened, until now she's still seeking justice and she promised herself that she wouldn't stop until the justice for what...