Chapter 5

120 4 0
                                    

Pumasok si mama sa k’warto namin ni Thunder, naabutan ako ni mama na umiiyak sa sofa habang yakap ko ang tuhod ko na bahagya pang nanginginig. 

"Anong nangyari? Bakit biglang lumabas 'yon e hindi man lang nagpaalam sa akin! Nag-away ba kayo?" Tanong ni mama sa akin saka hinawakan ako sa kamay. 

Umiling naman ako, ayokong ipaalam kay mama na dahil lang sa gano'ng bagay kaya kami hindi nagkaunawaan. Pero dahil nanay ko siya at siya ang nagpalaki sa akin, wala talaga akong maitatago sa kanya dahil ramdam niya kapag nagsasabi ako ng totoo o hindi. Niyakap ko si mama at saka umiyak sa balikat niya na parang bata na inagawan ng laruan ng kan’yang kalaro. 

"Sabihin mo kasi sa akin kung ano ang nangyari! Hindi ako manghuhula at alam mo rin na ayoko ng sinungaling, nanay mo ako kaya handa akong makinig kung ano man ang mga hinanaing mo sa buhay." Sabi ni mama sa akin. 

Alam kong sarili ko lang din ang pahihirapan ko kapag hindi ko ito nailabas, lalo na ngayon na may nag vo-volunteer na p’wede akong magsabi sa kan’ya ng nararamdaman ko ngayon. The best feeling is when your parents are always hands on pagdating sa'yo and they knows if you’re ok or not. Sayang nga lang at wala na si papa na napaagang kinuha sa amin ni God. Ikinuwento ko sa kan’ya ang dahilan kung bakit biglang umuwi si Steve. 

"Ang lalaking 'yon talaga kahit kailan hindi na tumino!" Inis na sambit ni mama pagkatapos kong ma-ikuwento sa kan’ya ang nangyari.

Nagtaka naman ako sa sinabi niya na hindi na daw ito tumino kahit kailan, ok naman siya para sa akin at ok naman kaming dalawa bago ako umalis papuntang ibang bansa at habang wala ako ay hindi niya naman pinababayaan si Thunder at saka si mama. 

"Ano po’ng ibig mong sabihin?" Tanong ko kay mama dahil na curious ako at para sa akin e parang may ibig sabihin ang sinabi niyang 'yon. 

Natahimik naman si mama at saka napakamot sa noo niya. 

"Ayoko sana na sa akin manggaling 'to kasi hindi rin naman ako sigurado at wala akong ebidensya, at isa pa ayokong masaktan ka anak pero..." Nag-aalangang sagot ni mama. 

"Pero ano po?" 

Ugali ko na siguro talaga 'to na kapag may gusto akong malaman ay talagang mamimilit ako hanggat hindi ko na sa-satisfied ang sarili ko. 

"Noon pa 'to kumalat pero hindi ko lang pinatulan, mas nag focus ako kay Thunder kaysa pumatol sa chismis na kumakalat. Pero isang araw nakasabay kong bumili sa tindahan 'yong kapit-bahay natin, hindi ko naman siya tinanong pero bigla niyang sinabi sa akin na nakita nga raw ng anak niya si Steve na may kasamang babae sa isang restaurant sa Makati, hindi ko na nga lang pinansin at baka kako kamag-anak lang niya." Sagot ni mama sa akin. 

"Hay naku! Mga kapit-bahay talaga natin hindi na nagbago. Baka pinsan niya ang kasama niya or kaya 'yong nang scam sa kan’ya ng pera na dapat ay para sa pagpapagamot ni Thunder, alam mo nama po na loyal sa akin ang boyfriend ko eh." Proud na sagot ko kay mama. "Sooner mag po-propose na sa akin 'yon dahil nararamdaman ko na." Dagdag ko pa. My gut feeling never fails me, sana sa isang ‘to ay tumama na naman ako.

"Pero imposible rin naman na ang nang scam sa kan’ya ang kasama niyang 'yon dahil ok pa naman ang apo ko nang kumalat ang chismis na 'yon, at hindi ba nasabi niya sa atin na nasa ibang bansa rin at sa probinsiya ang iba niya pang kamag-anak? Wala ba siyang nasabi sa'yo noon na may nakasama siyang babae sa isang restaurant habang nasa ibang bansa ka?" Tanong ni mama. 

Inisip ko naman muna pero wala akong maalala na may nasabi siya sa akin eh halos lagi ko naman siyang nakakausap kapag free time ko. At kung kumalat ang chismis na 'yon noong ok pa si Thunder, at wala siyang ibang kamag-anak dito sa Paranaque, eh sino kaya 'yong babaeng nakasama niya sa isang restaurant? Tanong ko sa sarili ko. 

Beyond The Pain (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon