Hanggang ngayon ay hindi pa rin nag si-sink in sa utak ko ang mga nangyayari, akala ko nga nananaginip lang ako at kung isa itong masamang panaginip ay gusto ko ng magising kasi nahihirapan na ako.
"What did you just say?" tanong ko kay Steve sa pag-aakalang nagkakamali ako ng pagkakarinig kaya minabuti kong linawin ito. Malinaw naman ang pagkakabigkas niya sa mga kataga,ng binitawan niya, hindi ko lang talaga matanggap.
"Ang sabi ko, maghiwalay na tayo kasi ayoko na ring patagalin pa kung ano ang meron tayo at ako na lang ang naawa sa'yo," sagot nito.
All this time, hindi naman pala pagmamahal ang nararamdaman niya sa akin kung’di awa lang. Ang kapal naman masyado ng mukha ko na mag-expect ng genuine love, eh hindi ko naman deserve.
"Ang kapal ng mukha mo!" sambit ko saka ako lumapit sa kanya, nagkaroon ako ng lakas para lapitan siya at ibigay sa kanya ang karapat-dapat na sampal sa napaka-kapal niyang mukha.
Inawat ako ni Blake pero iwinaglit ko lang ito dahil hindi ko na talaga mapigilan ang galit na kanina ko pa nararamdaman. Kapag hindi ko ito nailabas ay pakiramdam ko sasabog ako sa sobrang sama ng loob.
"Let's just go, wala kang mapapala sa kanya," pag-awat ni Blake sa akin.
"At sa tingin mo sa'yo meron?" si Blake naman ang hinarap ni Steve ngayon. "Kung itong lalaking 'to Tasha ang ipinagmamalaki mo sa akin, ngayon pa lang sasabihin ko na sa'yo na kapag hindi niya nakuha ang gusto ng isang lalaki sa isang babae, maghahanap din 'yan ng iba." dagdag pa ni Steve.
Hindi ko inasahan ang mga sumunod na nangyari, sinapak ni Blake si Steve na ngayon ay dumudugo na ang gilid ng labi. Babawi pa sana si Steve pero pumagitna na ako.
"Ano ba! Tumigil na kayong dalawa! At ikaw Steve, hindi ko akalain na dahil lang sa pangangailangan ng isang lalaki kaya mo ako niloko, anong klaseng utak ang meron ka?" bulyaw ko dito habang si Blake ay hawak-hawak ko sa braso kasi pakiramdam ko anytime susugurin niya si Steve.
"Anong klaseng utak ang meron siya? Utak na wala ka, sino ba sa tingin mo ang seseryoso sa babaeng kagaya mo? Disgrasyada at ayaw mong may mangyari sa inyo ni Steve samantalang gamit ka na rin naman ng iba, feeling virgin ‘teh?" Singit ng babaeng kasama ni Steve kaya lalong nag-init ang ulo ko dahil sa mga sinabi nito.
"Anong karapatan mong sabihin sa akin 'yan? Wala kang alam sa pinagdaanan ko kaya hindi ko kailangan ang stupid opinion mo!" Gustong-gusto o man siyang sampalin hanggang sa mamanhid ang mga palad ko, pero merong pumupigil sa akin, ayokong dumampi ang kamay ko sa karumihan ng pagkababae niya.
"Ikaw ang stupid dito! Hindi mo ba nahahalata na ginagamit lang ni Steven babe ang pera mo? Ngayon sino ang stupid ha?" Sagot nito. "And are you expecting na magpapaka-tatay si Steve sa anak ng iba? Girl you're wrong." dagdag pa nito.
"Let's go babe, wag na tayong mag-aksaya ng oras sa kanila at may pupuntahan pa tayo," awat ni Steve sa babae niya at saka ito hinawakan sa kamay. Kung saan man kumukuha ng kapal ng mukha itong si Steve, ay bilib ako sa consistency nito!
Kumaway pa sa akin ang babae na akala mo nakuha niya ang prize na dapat ay para sa akin, naiwan naman ako at saka si Blake na nakatulala dahil sa mga nangyari, biglaan at hindi ko inaasahan na sisirain ng pinaka pinagkakatiwalaan ko ang tiwalang buo kong inialay sa kanya.
Naramdaman kong inaakay na ako ni Blake patungo sa kotse niya, umalma ako kasi hindi ko alam kung saan ko gustong pumunta ngayon, gusto ko kung saan walang tao at ako lang mag-isa dahil gulong-gulo ako kasi pakiramdam ko pinaglalaruan na naman ako ni tadhana. Dino-dogshow na naman ang buhay ko, eh hindi pa nga ako nakaka get-over sa unang pang do-dogshow niya sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/274817061-288-k781665.jpg)
BINABASA MO ANG
Beyond The Pain (UNDER REVISION)
Fiksi UmumAtasha Glaize Sanchez is an OFW in the US, she's also a single mom of a handsome kid named Thunder. After her worst nightmare happened, until now she's still seeking justice and she promised herself that she wouldn't stop until the justice for what...