Chapter 15

93 4 0
                                    

Blake's POV

I'm having a dinner with my cousin together with Manang Emma and Mang Miguel. 

"Bakit nga kasi hindi ka na lang tumira dito Ivan, para habang nasa ibang bansa ang pinsan mo ay may kasama naman kami dito, hindi 'yong nagtiyatiyaga ka doon sa apartment mo." Suggest ni Manang. 

"Sinasabi ko nga rin po sa kan’ya 'yan e, kaso matigas po talaga ulo ni Ivan." Natatawang sagot ko naman.

"Alam mo naman na ang reason ko, saka ang laki na ng naitulong ng pamilya mo sa akin noon at ngayong may sarili na akong income gusto ko naman tumayo sa sarili kong paa." Pormal na sagot ni Ivan.

"Hindi ka rin naman iba sa amin, pamilya ka namin." Sagot ko pa.

"Ah basta, ‘wag kang mag-alala at kapag nandito ka sa Pinas ay palagi naman kitang pinupuntahan after ng duty ko ‘di ba?" 

"Sabi ko nga." Naisagot ko na lang dahil alam ko namang di ako mananalo sa kan’ya, when he finally decided, hindi na mababago 'yon. 

"Siya nga pala, anong balita sa lakad ni’yo kanina ni Miguel?" Tanong ni Manang. "Hindi kita nakausap kanina kasi nagkulong ka sa k’warto mo, at ‘di rin naman alam ni Miguel ang nangyari basta bigla ka na lang daw nag-aya pauwi." Dagdag pa nito. 

Ikinuwento ko naman sa kanila ang lahat ng nangyari kasi hindi naman ako sinungaling na tao. 

"Really! She did that?" Gulat na tanong ni Ivan sa akin at tumango naman ako. 

"Mukhang may pinagdadaanan ang babaeng 'yon kung gano'n." Singit ni Manang. 

"I think so, pero humingi na siya ng sorry kanina. Pansin ko rin sa kan’ya kahit hindi pa kami masyado magkakilala, and I know it's because of her boyfriend, hindi ko pa nga alam kung paano ko sasabihin sa kan’ya ang mga nalalaman ko tungkol sa panloloko sa kan’ya ng boyfriend niya kasi ayoko namang pangunahan siya at baka isipin niya sinisiraan ko 'yong tao sa kan’ya, paunti-unti ay binibigyan ko lang siya ng hint." 

"Mukhang masyado mo na ngang pinoproblema 'yang babaeng 'yan eh kaya di mo na namalayan na ilang araw na lang aalis ka na naman ng Pinas." Natatawang sabi pa ni Ivan.

"Oo nga pala, aalis ka na naman ilang araw na lang. Siya nga pala, p’wede ko na ba makuha ang sahod ko this month kahit hindi ko pa naman talaga sahod at isasabay ko na rin pati sahod ni Mang Miguel mo at may paggagamitn lang ako." Sabat ni Manang. 

"Naks, si Manang munang magpapatayo na ng sarili niyang mansion." Pang-aasar ni Ivan.

"Naku Ivan, masaya na kami dito ni Miguel at saka 'yong perang 'yon ay ipapahiram ko sa kaibigan ko kasi kailangan na kailangan na daw makabalik ng anak niya sa trabaho kaso nga walang panggastos kaya naghahagilap ng mahihiraman, eh sabi ko naman mag advance ako ng sahod para makatulong ako sa kanila." Sagot ni Manang.

"Sure Manang, why not? And baka they need a bigger amount of money, I can help them." 

"Hindi na kailangan hijo, maliit na pera lang naman ang hinihiram ng kaibigan ko, salamat at napakabuti ng puso mo." Saad pa ni Manang.

"It's just because my parents taught me this and also Ivan, ito ang pinakamahalaga at importanteng bilin lagi sa amin nila mom and dad, always help those in need." Nakangiting sagot ko. 

Bibihira kung makisali sa kwentuhan namin si Mang Miguel dahil kahit matagal ko na silang care taker sa mansion ko ay mahiyain pa rin ito, hanggang sa matapos kami ay nakikinig lang siya at nakangiting pinagmamasdan kami. Nang matapos na kaming kumain ng dessert ay umakyat na kami ni Ivan sa kwarto ko, hindi kami iinom ng alak ngayon dahil wala ako sa mood at gano'n din ang pinsan ko kasi ayaw niya daw na may hangover siya bukas at maaga pa ang duty niya. 

Beyond The Pain (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon