Chapter 17

98 3 0
                                    

Merong bumubulong sa akin na hilahin na sa buhok ang babae kasi hindi na talaga maganda ang nararamdaman ko pero may mga pero pa ako na baka nga nagkakamali lang ako, ayoko naman mag cause ng kahihiyan dito kaya ikinakalma ko ang sarili ko. Sa lahat ng aspeto ay minabuti ko na hindi init ng ulo at lalong hindi galit ang manguna sa akin.

Ramdam kong may hindi tama, pero dahil si Tasha ako ay ayokong i-tolerate hanggat wala akong matibay na pruweba para sa mga hinala ko. Deep inside nagdadasal ako na sana nga mali, sana mali ang lahat ng hinala ko kahit sinasampal na sa akin ang katotohanan. 

Paglabas nila ay sumunod kami ni Blake, gano'n pa rin ang posisyon namin kaya naiilang ako, kakalas na sana ako sa pagkaka-akbay sa akin ni Blake pero pinigilan niya ito. 

"Kung ayaw mong makahalata 'yan, let's just stay in this position so that you can get the answer that you've want." Sabi ni Blake.

Kahit hindi ako komportable sa lagay namin ay wala akong choice kung di ang manatiling gano'n kaysa naman mahalata kami ng target namin. 

Nakita namin silang pumasok sa isang restaurant, nang makapasok sila ay saka kami sumunod ni Blake, umupo kami sa table na medyo malayo-layo sa kanila pero kitang-kita namin sila. Umupo ang dalawa sapang dalawahang taong table lang na may nakalagay na reserved. 

Ngayon nakumpirma ko na silang dalawa lang talaga ang magkasama at wala silang i me-meet kasi para sa dalawang tao lang ang mesa na inupuan nila at naka reserved pa. Pilit kong ikinalma ang sarili ko. 

"What now?" Tanong ni Blake sa akin. 

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya kasi hindi ko na rin naman alam ang gagawin ko, dahil pasakit na ng pasakit ang mga nakikita ko ngayon, pero umaasa pa rin ako na sana mali ako. Mali sana lahat ng namumuong hinala sa utak ko. 

"Papanoorin na lang natin sila? Wala kang balak na lumapit at kausapin sila kasi boyfriend mo naman ang kasama ng babaeng 'yon." Sabi pa ni Blake. 

"Mamaya-maya siguro, baka naman sa ibang lugar sila mag me-meet ng mga kasama niya mag apply ng trabaho, baka kumain muna sila kasi nagutom sila at mamaya niya pa ihahatid ang babae sa boyfriend nito na kaibigan niya." 

"I actually wanna show you something but my laptop's in my car, pero sige ikaw ang bahala. Mag o-order na lang din muna ako para makakain na tayo." Sagot ni Blake.

"Hindi na, wala akong dalang pera at mukhang mamahalin dito." 

"Hindi naman pwede na tumambay lang tayo dito dahil baka mapansin tayo, sagot ko na." Sabi ni Blake saka tinawag ang waiter sa pamamagitan ng senyas. 

Umorder ng pagkain si Blake, nakatitig lang ako kay Steve at sa kasama niyang babae, habang patuloy na nagdadasal na sana walang namamagitan sa kanila dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag nalaman kong sinisira niya na ang buong tiwalang ibinigay ko sa kanya. 

"Let's eat, kanina ka pa tulala diyan." Pag-aya ni Blake. 

Tahimik akong kumain kasama si Blake, nauna pa kaming natapos ni Blake sa dalawa at gusto kong batuhin  ng tinidor ang dalawa nang makita kong pinunasan ni Steve ang gilid ng labi ng babae na ngiting-ngiti naman. Nagbabadya ng tumulo ang mga luha ko pero pinipigilan ko lang kasi what if nagpapaka gentleman lang si Steve kahit na isang beses hindi niya nagawa sa akin ang gano'ng bagay. Wala akong ibang in-expect pagdating sa reasyon namin, I just want him to be faithful.

Ilang minuto pa ay lumabas na ang dalawa sa restaurant, sinundan ulit namin sila ni Blake. Hanggang sa mapadpad kami sa isang sikat na cosmetics brand dito sa pinas at sa iba pang bansa. Nakita kong napailing si Blake nang pumasok ang dalawa doon.

Beyond The Pain (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon