Blake's P.O.V
While I'm checking on my schedule about my next flight next week, I heard a knock on my room's door.
"Come in please."
Si manang pala.
"Si Ivan nasa baba, ayaw umakyat dito kasi kumakain ng turon kaya pinatawag ka na lang sa akin, kung hindi naman daw nakaka-abala sa'yo e kung p’wede daw ba na bumaba ka na muna." Sabi ni manang sa akin kaya naman kaagad kong isinara ang laptop ko.
"Sige ho, pakisabi susunod po ako." Sagot ko naman.
Nang makalabas na si manang ay nagbihis muna ako, ayoko namang humarap sa pinsan kong doctor na mukha akong ewan. When I'm already set, saka ako nagpasyang bumaba na muna at alamin kung bakit biglaan ang pagbisita ng pinsan ko sa bahay ko at hindi man lang nag text muna o tumawag. Naabutan ko siyang ang sarap ng kain sa table na akala mo gutom na gutom.
"What's up doc!" Bati ko sa kan’ya saka tinapik siya sa balikat.
"Nandiyan ka na pala boss, kain tayo dito sa bahay mo." Natatawang sambit niya.
Kumuha naman ako ng fresh milk at isinalin ito sa baso saka ako umupo sa harap niya.
"Hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka?"
"Lutang ka nga talaga captain, nagsabi ako kanina na hindi tayo p’wedeng mag chikahan sa hospital kasi naka duty ako kaya sabi ko pupunta ako sa bahay mo." Iiling-iling niyang sambit.
Hindi ko maalala kung may sinabi ba siya, he's right maaaring lutang nga lang ako sa dami ng tumatakbo sa isip ko at about sa pag-uusap namin ni Tasha kani-kanina lang.
"Sorry, my mind's jut pre-occupied today." Sagot ko.
"So anong gagawin natin ngayon, magkukwentuhan na lang ba tayo habang gatas ang iniinom mo?" Tanong niya sa akin na nagpapahiwatig at alam ko na ang ibig niyang sabihin.
"Alam mo naman na hindi ako nag i-stock ng beer dito sa bahay at palagi naman akong wala saka hindi din naman umiinom si Mang Miguel ng mga gano'n." Sagot ko sa kan’ya.
"Palagi ka nga ngang wala eh pagdadamutan mo pa ako, ano ba naman 'yan insan." Kakamot-kamot pa siya sa ulo niya.
"Fine, alam mo ikaw naturingan kang doctor pero napaka alcoholic mo!" Sabi ko sa kan’ya.
"Hoy! F.Y.I po nag be-beer lang ako kapag nandito ka, hindi naman ako lasinggero." Sagot niya sa akin.
"Ikaw ang bumili dahil tinatamad akong lumabas, diyan ka muna at hintayin mo lang ako, kukunin ko lang ang wallet ko." Sabi ko sa kan’ya saka siya iniwan sa kitchen at nagtungo sa k’warto ko.
Pagkakuha ko ng wallet ko ay bumalik ako sa kitchen at saka binigyan siya ng pera na pambili ng alak na gusto niya.
"I'll be back." Sumaludo pa ito sa akin saka umalis na.
I decided to wait for him sa terrace ng kwarto ko, where I can see all the houses in this village. Alam naman na ni manang ang gagawin dahil kapag talaga nagsasama kami ni Ivan eh dito ang p’westo namin kapag nag-iinuman kami at nagkuk’wentuhan kaya naman tinulungan ko si manang na i set-up ang paglalagyan ng mga pinamili ni Ivan, para mamaya tuloy-tuloy ang k’wentuhan naming mag pinsan. Habang hinihintay ko si Ivan ay sumagi na naman sa isip ko ang pag-uusap namin ni Tasha kanina, gusto kong sabihin sa kanya ang totoo pero ayokong makialam sa kung ano man ang problema nilang dalawa between in their relationship because I know na wala akong karapatan kaya pinigilan ko ang sarili ko at nagdesisyong manahimik na lang.
Maya-maya pa ay bumalik na si Ivan, dala niya ang mga beer na pinamili niya at pulutan.
"Isang case? Seryoso ka bang mauubos natin 'yan?" Tanong ko sa kan’ya nang makita ang bitbit niya.
BINABASA MO ANG
Beyond The Pain (UNDER REVISION)
Algemene fictieAtasha Glaize Sanchez is an OFW in the US, she's also a single mom of a handsome kid named Thunder. After her worst nightmare happened, until now she's still seeking justice and she promised herself that she wouldn't stop until the justice for what...