"Ma! Para saan 'yon?" Tanong ko sa kan'ya dahil bigla na lamang dumapo sa mukha ko ang palad niya.
"'Wag mong uulitin iparinig sa akin na parang kasalanan ni Thunder ang lahat kaya ka hindi sineryoso ni Steven! Isa 'yong kahangalan na iisipin mo na sana wala na lang si Thunder para lang walang maisumbat sa'yo ang ibang tao," sagot ni mama sa akin.
Lalo akong napaiyak sa sinabing 'yon ni mama. Alam kong mali na kay Thunder ko isusumbat ang hindi magandang nangyayari sa buhay ko ngayon dahil wala pa siyang kamalay-malay at higit sa lahat noon pa man itinuring ko na siyang anghel sa kabila ng kademonyohang ginawa sa akin ng ama niya.
"So-sorry ma," Paghingi ko ng paumanhin dahil ngayon pa lang ay pinagsisisihan ko na ang nasabi ko laban sa anak ko na walang ginawa kungdi ang magbigay ng kaligayahan sa akin.
Iiling-iling lang si mama at saka lumabas sa kwarto namin ni Thunder, alam kong masama ang loob ni mama sa nasabi ko pero maging ako ay alam ko sa sarili kong hindi ko 'yon sinasadya at nadala lamang ako ng sakit na nararamdaman ko ngayon.
Muli kong niyakap ang anak kong mahimbing na natutulog, sa isip ko ay panay ang hingi ko ng paumanhin sa kanya, hindi ko alam kung bakit ko nasabi 'yon pero kasi sanay na ako na palaging nananalo ang emosyon ko kumpara sa akin kaya iniiwasan kong magalit at magkaroon ng sama ng sama ng loob sa kahit na kanino dahil ayokong may masabi ako o magawa ako na pagsisisihan ko rin bandang huli.
Nagdesisyon na rin akong magbihis muna at pagkatapos ko ay umupo ako ulit sa kama, sa tabi ng anak ko at tiningnan ang phone ko. Nagbabaka-sakali ako na may message o tawag si Steve at hihingi siya ng isa pang pagkakataon, hindi ko man alam kung maibibigay ko sa kanya 'yon pero sigurado akong may chance siyang makuha 'yon dahil sino ba naman ako para hindi magpatawad, kung ang Diyos nga nagpapatawad ako pa kaya na makasalanan din at araw-araw din humihingi ng tawad sa kanya sa pang araw-araw na kasalanang nagagawa ko.
Dala na rin siguro ng lalim ng mga iniisip ko at pagod sa mga nangyari kanina na hindi ko talaga inaasahan at ‘di ko namalayang nakatulog na pala ako.
Nagising ako nang tumunog ang phone ko kaya napabalikwas ako kaagad, unang pumasok sa isip ko ay si Steve ang tumatawag ngunit nang tingnan ko ito, mali ako dahil numero ni Blake ang nakita ko sa screen ng phone ko.
"Hello?" bungad ko sa kanya.
"How are you? Is Thunder awake? Did he eat his foods and did he like it?" sunod-sunod na tanong ni Blake.
Tiningnan ko ang pwesto kung saan nakahiga si Thunder at saka ko lang napansin na wala na pala ito sa tabi ko.
"Saglit lang, wala na si Thunder sa tabi ko eh, kakagising ko lang kasi."
"Then go find him,' utos niya sa akin na akala mo yaya ako ng anak niya.
"Hold on," sagot ko naman.
Lumabas ako ng kwarto habang nasa kabilang linya si Blake na akala mo tatay ni Thunder na nag-aalala eh wala namang ibang pupuntahan 'yon kung’di kay mama.
Naabutan ko si Thunder sa sala kasama si mama at ang kaibigan kong si Liana na masayang pinagsasaluhan ang mga pagkaing binili ni Blake kanina. Tumayo naman si Liana nang makita niya akong papalapit sa kanya at may kung anong hawak ito, saka ko lang na-realize na confetti ito nang magkalat sa sahig dahil masaya niya itong ipinaligo sa akin sabay sigaw ng "Congratulations!" kaya sa gulat ko ay napatili ako.
"What's happening?" Dinig kong tanong ni Blake sa kabilang linya, nakalimutan kong may kausap ng pala ako.
"Uy! Si Blake ba 'yan?" tanong ni Liana saka hinablot sa akin ang phone ko at ni-loud speaker. "Hi Blake, I wish you were here para sa celebration namin ngayon," sabi ni Liana kay Blake.
BINABASA MO ANG
Beyond The Pain (UNDER REVISION)
Narrativa generaleAtasha Glaize Sanchez is an OFW in the US, she's also a single mom of a handsome kid named Thunder. After her worst nightmare happened, until now she's still seeking justice and she promised herself that she wouldn't stop until the justice for what...