Chapter 2

167 5 0
                                    

 Blake's POV

After what happened before we take off ay nawala na ako sa mood. I told my crew to check the girl who's victim of harassment every minute to monitor her. Base on her looks kanina I can say that she's totally traumatized about what happened to her. 

Pabalik-balik sa kan’ya ang isa sa mga crew na inutusan ko and I think she's ok now since nakatulog na daw ito. Paglapag na paglapag namin, hindi ko na nakita pa ang babae kanina dahil naging busy na rin ako sa dami kong kailangan asikasuhin. After kong maayos ang lahat ng kailangang ayusin dito sa airlines ay dumiretso muna ako sa isang restaurant at saka nagpasyang kumain muna, mag-isa. 

Habang kumakain ako ay tumunog ang phone ko, agad ko itong sinagot nang makitang si Alas ang gustong makipag video call. Mukhang miss na miss ako kaagad nitong kaibigan ko. 

"Whats up bro, how's your flight?" Bungad sa akin ni Zedd na katabi din si Prince. Magkakasama ang tatlo kaya napakamot ako sa ulo. 

"The flight was fine, something came up but I settled it before the flight." I answered at saka sumubo ng pasta na kinakain ko ngayon. 

"Anong chismis?" Pag-usisa ni Prince. Kahit kailan talaga naturingang lalaki pero napaka chismoso. 

"Tell us you've met someone na makakasama mo na kumain, kasi naaawa na kami sa 'yo at tumatanda ka ng walang jowa eh ‘di ka naman pangit." Singit naman ni Alas. 

Umatake na naman ang ugali ng mga kaibigan ko, kung saan atat na atat silang magkaroon ako ng girlfriend eh ako itong hindi pa pinapana ni kupido.

"Tantanan mo ako Ace, masaya ako sa buhay ko at ayoko muna magmadali kasi hindi naman ako mauubusan ng babae. Mamaya ko na ikuk’wento sa inyo kapag nasa bahay na ako at kung pwede lang patapusin ni’yo muna akong kumain, utang na loob." Sagot ko sa kanila at saka ko in-end ang VC at peaceful na kumain. 

Ewan ko ba sa tatlong 'yon at ayaw na magsi-uwi dito sa Pinas, hindi dahil sa bar nilang business doon but because of their girls kaya wala pa daw silang balak umuwi dito sa Pinas since they are successful businessman in States na and stable in everything kaya puro pambababae ang inaatupag. Nakukuha nila lahat ng gustuhin nila, babae man ‘yan o bagay. Hindi ko sila mahawaan ng pagiging good boy ko. 

I called mom pagkatapos kong kumain. 

"Yes hijo?" Bungad nito sa akin. 

"Nasa pinas na ako, what do you want when I come back to states?" Tanong ko sa kan’ya. 

"Anything anak, I'll just call your dad and I text you what we want ok? Take care there, love you I have to go." Sagot ni mom at saka ako binabaan ng call. 

Nagpasya na akong umalis sa restaurant na 'yon, next week pa ang balik ko sa states, I filed a 1 week leave kasi gusto kong magrelax muna dito sa pinas and after that balik trabaho and ipon na naman for the future. Biglang sumagi ang pinsan kong doctor sa isip ko, ilang months din akong nanatili sa states kaya malamang ay nami-miss na ako nito so I plan to surprise him. Sakay ng kotse ko ay bumiyahe ako patungo sa hospital kung saan nagtatrabaho ang pinsan ko. 

While I'm on my way to the hospital sumagi sa isip ko ang babaeng passenger ko kanina, kumusta na kaya siya and I hope she's ok this time. Hindi ko man alam ang pakiramdam ng nabastos o mambastos, pero kita ko sa kan’ya ang pagkatakot. Ilang sandali pa ay nasa parking lot na ako ng hospital. Inayos ko ang suot ko at tumingin muna sa rear view mirror ko bago bumaba ng sasakyan ko. 

Pagpasok ko sa hospital ay pinagtitinginan ako ng mga nurses and maging mga taong nadadaanan ko, baka dahil sa suot ko pa ang uniporme ko dahil nga dumaan muna ako dito bago umuwi sa bahay ko. Dumiretso ako sa nurse station at nagtanong kung nasaan ang opisina ng pinsan kong si Ivan. Nakangiti at magiliw naman akong kinausap ng mga nurses at matapos kong makapag-pasalamat sa kanila ay nagtungo na ako sa opisina ni Ivan.  

Beyond The Pain (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon