13 : Freedom

29 5 0
                                    

Chapter 13
Freedom






Ang mga maids na ang bahalang mag akyat ng mga pinamili nila sa kaniya kaniyang mga kwarto. Bumili rin sila ng snacks bago umuwi para raw mamaya.




Umupo muna kami sa sofang naroon, dala ng pagod ay sari sarili kami ng space. Nasa carpet na si Serene katabi si Seyene dahil inangkin na ni Sexene ang isang buong sofa, nahiga siya roon. Habang kami ni Seqene ay umupo sa magkaharap na single sofa.





Binigyan kami ng mga katulong ng baso ng tubig, nilapag lang nila ito sa lamesang naroon.





"Ano na gagawin natin?" pagod na tanong ni Seqene. Nagmulat ng mga mata si Serene.





"Te, bumili ako ng pang skin care, gawin natin habang nanonood" sagot niya at dali daling umakyat para kuhanin ang pinamili. Sumunod kami sa kaniya sa itaas para makapagpahinga saglit sa kaniya kaniyang mga kwarto.





Ganoon nga ang ginawa namin, sa isang malaking room kami nagtungo pagkatapos maligo at mag ayos ng lahat, sinabihan kami ni Seyene na isuot ang pinamiling ternong pajamas na binili kanina.





Parang theater room ang kwarto na pinasukan namin only that hindi upuan ang mga naroon kundi pinagdikit na dalawang queen size bed. Sa gilid nila ay may malaking space pa, roon sila naupo sa lapag kesa sa kama. Mayaman ba talaga ang mga ito? Bakit laging nasa sahig naupo?





Lumalabas ang pagkakulit ko kapag sila ang kasama akala ko noong una ay kay Ivan ko lamang ito maipapakilala pero mas makulit pala ako kapag kasama sila.




"Mayaman kayo?" tanong ko.




They look at me like I said something funny.




"Hindi, sorry ito lang kami e."

"Hindi kami mayaman, si Sexene lang."

"Mga hampas lupa, lumayas kayo sa lupain ko."

"Wag, please! Wag."






They acted in the floor, we all just laughed at that. Sumakit na ang tiyan ko kakatawa sa kanila. Pumunta si Seqene sa pintuan at lumabas.





"Nakainom ka na ba ng alak?" tanong ni Sexene. Napakunot ang noo ko at hindi ko napagilang mapalunok. Umiling ako.





"Hindi pa."





"Pinagbabawalan ka kahit wine sa mga parties?" tumango ako sa tanong ni Seyene. I remember back then when I am at the party, I saw a group of teenagers at my age and they are holding a glass of wine. Halatang nagkakatuwaan habang ako'y nakatingin lamang sa malayo.





Dumating si Seqene na may dalang bote ng isang mamahaling alcohol, I don't know what does alcohol taste like but I can see how expensive it is by the design of the bottle and the name is somehow familiar to me.






"Hindi pa raw nakakainom 'to, beng" Seyene said and pointed me. Lumingon sa akin si Seqene na pumunta rin sa labas pagkalapag ng bote. May inabot siyang isa pang bote mula sa mga katulong.





I look at those, that's like a light alcohol compared to the first one. Pinaupo nila ako sa tabi nila. Kinuha rin nila ang mga unan at kumot at dinala sa lapag. Sumandal ako kama gaya ng ginawa nila at humarap sa malaking flat screen tv sa harap.





Narinig ko ang pagtawa nila.



"Gaga, bakit ka nakatingin sa tv?" si Sexene, pinipigilan ang tawa.



Sour Taste of Selene (Sour Series 1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon