Chapter 28
Xen"Spill the tea!" Kakatungtong pa lang ng paa ni Serene sa mansion ay ayon agad ang sinigaw niya.
"Nasabi na sa call, nagplano pa nga kayo." Umirap ako sa kaniya.
Sila na rin mismo ang nagplano kahit ang mismong wedding. Nagtatalo sila ngayon sa harap ko kung sino ang magiging bridesmaid.
"Ako ang bridesmaid dahil kasama ko siya for seven years, shut up." Seyene said proudly.
"Ako sumalo ng mga ginagawa niya tapos ako nag ayos ng ticket niya paalis" si Seqene said this time. "Ako rin nag ayos ng mga projects niya noon sa school."
Umiling iling si Sexene at nagtaas ng kamay. "Ako ang nararapat, ako ang pinsan, ako nag ayos lahat ng gusto niya noon at ako nagdala sa Maynila, nagpatira, nagpakain, nagbihis at nagpapunta sa kaniya sa ibang bansa at pabalik dito, ano ano?" Mahabang litanya niya.
"Pinsan din ako." Si Serene tila nagpro protesta sa dami ng nasabi ni Sexene.
"Ikaw na lang maghanap ng lalaki sa kasal, Serene." ani Seyene.
Tila nagpapaligsahan sila at nag ungkat pa ng mga nakaraan. Naging magulo ang pagpa plano nila sa kasal ko... kasal ko.
"Maganda Church para romantic." Suhestyon ni Serene na may kasamang hand gestures at pikit pikit.
"Gaga, mas maganda sa bar para unique." Si Sexene.
"Gusto mo lang mag inom." bara ni Seqene, hindi sila nauubusan ng pagtatalunan.
Hindi rin ako makasabat dahil sa bibilis ng mga bunganga nila.
"Mag beach ka na lang Selene." Si Seyene, siya lamang ang may maayos na tono ng boses sa kanila, mababa at mahinahon.
"Oo tama! Tapos puro naka two piece tayo." Tawa pa ni Serene. Wala talaga kong makukuhang tama sa babaeng ito.
"Bet, tapos mga boys topless!" Si Sexene, napangiti na lang ako na may halong pandidiri. Paniguradong maghahanap lang 'yang mga iyan ng gwapo sa kasal ko. Walang iiyak sa mga 'yan dahil ang mga mata ay tutok sa mga lalaki.
"Nakita niyo na ba si Ian?" Tanong ko. Agad kumunot ang mga noo nila at nagtungo ang atensyon sa akin.
"Ay gago, nandyan ka pala." Gulat na sambit ni Serene. Tama talaga akong hindi ako papansinin ng mga ito sa mismong kasal ko dahil kahit ngayon ay nakalimutang nandito ako.
"Sino 'yon?"
"Gwapo?"
"Matangkad?"
"Kabet mo?"Mabilisan nilang tanong. Sunod sunod at walang tigil.
"Kapatid ni Ivan, mga tanga." I spat, nakakadiri na, minsan naiisip ko na lang kung kaibigan ko ba talaga ang mga ito.
"Edi paniguradong pogi?" Si Serene. Tumango ako. Noong libing ng una huli kong nakita kaya at masasabi kong mas lalong lumabas ang pagiging gwapo niya. Pero gaya noon ay mas soft ang features niya hindi nga lamang palangiti noong nagkita kami sa libing dahil agad siyang umalis at ganoon din ako. He is also a lawyer on his brother's firm.
I wonder what is he like now. Is he still playful?
"Iba ang usapan sa call at personal." Hinila ako paupo ni Serene at agad na silang nagsipasukan sa bahay. Ang mga katulong ang abala sa kanilang mga gamit. May sarili na silang mga kwarto rito, pinahanda ko na kahapon pa.
BINABASA MO ANG
Sour Taste of Selene (Sour Series 1) [Completed]
RomanceSelene is a lady in a young age, a lady that should run a business, a lady that can fight in a world of pressure. An angel with grace and power not until she can't control herself anymore. The thirst for the freedom she needed years ago was fed to h...