Epilogue
Umihip ang hangin kasabay ng unti unting paglubog ng araw. She chose this time for our wedding.
I remembered the first time I saw her until today when I finally glanced at her beauty walking at the red carpeted aisle way to me.
Dahil sa dagliang pag tama ng siko ni Christian sa kamay ko nahulog ang ballpen ko. Kukunin ko sana ito ng gumulong pa ito sa isang pares ng sandals. Napatingin ako sa pumulot.
Bakit may bata rito?
She looks so young and innocent, her fair skin looks good on her, bagay na bagay sa mga mata niyang may pagka-chinita kung tignan at tangos ng ilong, isama pa ang mapupulang labi.
"Yuck! Nagandahan kay Miss Smart." Agad akong napalingon sa katabi ko. Kilala niya iyong bata?
"Kilala mo?" Bulong ko ngunit agad kaming natahimik nang napansin kami ng nagbabantay.
Napatingin ako kay Christian ng hilahin niya ako patungo sa isang boutique kaya umalma agad ako. "Wala akong pera, umuwi na tayo"
"Hintayin mo na lang ako rito, may titignan lang ako" aniya kaya tinanguan ko na lang bago siya pumasok. Nanatili ako sa labas at pinanood ang pagdaan ng bawat tao.
Nakita kong muli iyong bata. She looks so elegant walking, straight and confident on her every steps until a woman came to her.
Kunot noo ko silang pinagmasdan, napaawang ang labi ko nang makita ang paglabas ng isang matulis na patalim niyong babaeng kausap niya. Nagmadali akong nagpunta roon, tangina.
Ngunit huli na iyon nang nakita kong babagsak ang babae. Nais ko sanang habulin iyong sumaksak sa kaniya ngunit inuna ko ang kalagayan ng nasa braso ko.
Narinig ko pa ang tawag ni Christian subalit hindi ko na siya nilingon at nagmadali na sa paglabas. Nilapitan kami ng siguro'y driver niya para dalhin siya sa pinaka malapit na hospital.
I didn't know what to feel but for the first time, I felt so much worried and afraid for someone I don't know.
"Uy! Ayan 'yong anak ng amo mo! Bakit naka wallpaper na sayo?" nakakairitang turo ni Christian sa ngayong nakapatay ko ng cellphone. Tinago ko iyon sa bulsa at tinignan siya ng masama.
Nalaman ko lamang na anak pala ng boss nila mama ang batang iyon. Nagtatrabaho rin ako sa farm nila tuwing bakasyon at para na rin mabayaran ko ang scholarship na bigay ng pamilya niya para sa amin ng kapatid ko.
Malaki ang utang na loob ko sa pamilya niya at dahil na rin malapit si Mrs. Tecson kay mama.
Akala ko ay iyon na ang huli naming pagkikita pero dumaan buwan nang utusan ako ni Sir Frans para bantayan ang anak niya.
"Sir?" Gulat kong tanong.
"Narinig ko ang sabi sabi rito na may gusto ka raw sa anak ko." Ngiting ngiti sambit niya na agad kong ikinahiya ngunit hindi rin tumanggi. E ano?
Tuwing nagpupunta ako sa kanila ay lagi akong napapatingin sa litrato ng isang dalaga, hindi ko napigilan ang sarili kong kuhanan ng isang litrato ang naka kuwadrong larawan niya roon.
Naka set iyon bilang wallpaper ng cellphone na hindi ko inaakalang nakuha ng kapatid ko, roon nagsimula ang panunukso ng mga malalapit sa akin.
BINABASA MO ANG
Sour Taste of Selene (Sour Series 1) [Completed]
RomanceSelene is a lady in a young age, a lady that should run a business, a lady that can fight in a world of pressure. An angel with grace and power not until she can't control herself anymore. The thirst for the freedom she needed years ago was fed to h...