18 : Fight

21 6 0
                                    

Chapter 18
Fight






"Nagpasa ka na ng mga plates mo?" tanong ni Seqene. Nagliligpit kami ng mga gamit ngayon dahil tapos na ang isa naming klase.





"Hindi pa." kinuha ko na ang bag ko at tumingin sa kaniya. Nakaupo siya sa tapat ko.





"Bilisan mo baka malate ka magpasa." Tumango ako sa kaniya at sabay na kaming lumabas, papunta sa susunod na subject.





Ang dami dami naman kasing pinapagawa. Hindi na ako makapunta sa bar dahil doon. Hindi rin sila makapunta dahil sa dami ng gawain sa school. Isang buwan na simula ng magsimula ang pasukan para sa second year.





We studied here in University of Santo Tomas instead of Ateneo because it doesn't have the course we want and UST is one of the best universities who teaches Architecture.





My phone beeped halfway to the room we are going to. Chineck ko ito para makita ang pangalan ng panibagong kakilala.




From: Shia

Tara party mamaya, g ka?





Nag isip pa ako ng konti, ang malamang makakapunta muli ako sa bar para magsaya dahil may kasama na ako ay nakakatuwa. Agad umakyat ang excitement sa aking katawan.





"Dalian natin." binilisan ko ang paglalakad, sumunod naman siya na may pagtataka ngunit pinanatili ang lamig ng mga mata.





Hindi na ako makapaghintay na matapos ang klase para makapaghanda na. Nang makauwi ako ay nagpahinga lamang ako sa kwarto ng ilang sandali at makapagsabi kay Ivan.




To: Ivan

I won't bring my phone later, I will go somewhere.




Agad naman siyang tumugon.




From: Ivan

Sino kasama? Saan pupunta?





Kumunot ang noo ko, hindi naman 'yan ganyan dati but I let it pass. I understand why he's asking those questions and of course, he is my boyfriend for god-damned sake. Ilang minuto ko iyong tinignan at ilang sandali ay naramdaman ko na ang pagvibrate nito sa kamay ko at ang pangalan ni Ivan ay nandoon. Sinagot ko ito at nilagay sa tenga.





"Oh?"




Funny how our communication changed as time passed by. Without greetings, minsan na lang din magsabihan ng magagandang salita.





"Saan lakad mo?" His dark voice welcomed by my ears




"Bar lang."




"Kasama?Can I come?" Wala na siyang aaralin?



"Huwag na, saglit lang ako, gagawin ko pa rin ang mga plates ko bukas." paliwanag ko.




"Sino kasama mo?"




"Si Shia."




"Kayo lang dalawa?"




"Oo."




"No boys?"




"None."





Ilang saglit pa kaming nag usap, ilang beses niya rin akong pinaalalahan na wala naman akong balak gawin. Mukha bang bata ako?





"Okay, have fun. I miss you" aniya bago pinatay ang tawag.






Sour Taste of Selene (Sour Series 1) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon