03 Don't Watch Me Cry
Naalimpungatan ako sa pagkatok sa pinto at pagtunog ng cellphone ko. Napatinggin ako sa digital clock na nakasabit sa pader ko. Pasado alas-dos pa lang ng hapon. Ang sarap-sarap matulog ngayon. Umupo ako at nag-unat bago sinagot ang tawag. Tumigil na rin ang kung sino mang kumakatok sa pintuan ko.
"Labas ka," saglit kong inilayo ang cellphone ko sa tenga para tingnan kung sino ang kausap ko. Si Kade pala.
"Wait lang." Pinatay ko ang tawag at nag-unat pa sandali bago naglakad papalapit sa pinto. Nakangiting mukha ni Kade ang bumungad sa akin.
"Kakagising mo lang?" tanong niya na tinanguan ko lang. "Pasensya na, itatanong ko lang sana kung bakit walang ibang tao? Medyo nakaka boring na kasi e. Tapos hindi ka naman lumalabas."
"Ahh kasi to be honest, matagal na 'tong sarado. Nakiusap lang ang kapatid ko na ipa-rent sa 'yo 'to."
"Ganon ba? Salamat naman at pumayag ka. This place is really peaceful." Tumingin siya sandali sa paligid bago nakangiting tumingin ulit sa akin.
I envy him. Naiinggit ako dahil masaya siya habang ako hindi. It's not that I don't want him to feel that happiness. Deserve niya naman sigurong maging masaya. It just that bakit kaya hindi na lang din ako maging masaya kagaya niya? Bakit ang hirap para sa akin na ngumiti ulit ng hindi pilit?
"Walang anuman," tinanguan ko siya. "Pasok na ulit ko ah," sasaraduhan ko na sana ulit ang pinto para matulog pero hinarangan niya.
"Wait! Bumili kasi ako ng pagkain. Tara, samahan mo ako."
"Busog pa ako e," at hindi ako komportableng kumain kasama ang isang estranghero.
"Wala naman akong sinabi na saluhan mo ako. Ang sabi ko lang, SAMAHAN MO AKO. Magkaiba 'yon, pretty princess," paliwanag niya.
Tama naman ang sinabi niya kaya medyo napahiya ako. Pero bakit naman siya magpapasamang kumain tapos hindi naman pala siya mag-aalok? Ang sama niya naman kung kaya niyang kumain ng hindi binibigyan ang nakatinggin.
"Mawalang galang na po pero ayoko pong samahan kayo," tanggi ko. Ang kapal naman kasi ng mukha niya. Mabulunan sana siya!
Parang bigla siyang nataranta sa sinabi ko. "Ikaw naman hindi na mabiro. Bibigyan naman kita, basta samahan mo lang ako kasi alam mo na, malungkot kumain ng mag-isa."
Gusto kong tumanggi ulit pero pumayag na lang din ako kasi malungkot talaga kumain na mag-isa. Naranasan ko na 'yon nang maraming beses. Medyo naawa ako sa kaniya bigla pero naiinis pa rin ako dahil inistorbo niya ang tulog ko. Nakasunod lang ako sa kanya papunta sa cottage.
"Bakit mag-isa ka lang dito? Hindi ka ba nalulungkot?" tanong niya bago umupo.
Bakit palagi na lang itinatanong sa akin ang tanong na 'yon? Sawang-sawa na ako na marinig 'yon. Oo, mag-isa at malungkot ako pero ano bang pakialam nila? Wala! Minsan ang mga tao, magtatanong lang 'yan pero hindi naman talaga concern. May maitanong lang talaga. Tapos kapag sinasagot mo ang tanong nila hindi ka nila maiintindihan, huhusgahan ka lang nila kapag magkaiba kayo ng opinyon o paniniwala. Kaya madalas kapag may nagtatanong mas mabuting itikom mo na lang ang bibig mo. Don't tell them your thoughts, let them wonder.
"Bakit ka pumunta sa lugar na 'to? Gusto mo bang mapag-isa, Sir?" tinanong ko rin siya sa halip na sagutin ang tanong niya sa akin.
"Hindi naman. Gusto ko lang tuparin ang mga pangarap ko. Tsaka huwag mo na akong tawaging sir. Ang formal mo naman masyado,"
"Na?" Hindi ko na lang pinansin ang huling sinabi niya.
"Mamuhay ng simple," nakangiting sagot niya. I really envy his smile kaya nag-iwas na lang ako ng tinggin.
YOU ARE READING
Unsaid Words| ✓
Short StoryAfter her four best friends' unexpected death, Fiona Legaspi lost her will to live her life. Being left behind by those people she used to be a family makes her wish to die too, not until Kade Zaugustus came into her so-called meaningless life. He h...