07 Look at the Stars
"Bakit ka nga pala nagbakasyon dito? Saan ka ba talaga nakatira?" tanong ko kay Kade bago uminom ng soju.
Gabi na at nandito na pa rin kami sa tuktok ng burol. Dito ata kami matutulog? Hindi ko sigurado pero sana. May kubo naman kami rito e. Napatinggin ako sa kaniya nang hindi niya sinagot ang tanong ko. Nakatinggin lang siya sa kalawakan at seryosong-seryoso ang mukha. Mas lalo tuloy akong na-curious kung sino siya at kung ano ang iniisip niya. Kanina pang may something sa kaniya e.
Pagkatapos ng usapan namin kanina, nagluto na lang kami ng mga pagkain na para bang walang nangyaring seryosong pag-uusap na ganoon. Komportable na nga siguro kami sa isa't isa kaya ganito kami umakto. Ilang linggo na rin kasi kaming magkasama e. Mag-iisang buwan na.
Nang mapagod kami sa pag-iihaw ay inaya ko siyang uminom ng soju at mag-star gazing. Sayang naman kasi kung hindi kami mag-eenjoy ngayon. Sayang din ang soju kung hindi namin iinumin. Matagal-tagal na rin kaya akong hindi nakakainom nito. Noong last pa yata ay natapon pa sa pool.
"Matagal-tagal na rin tayong magkasama pero hindi ko pa alam kung bakit ka nagbakasyon sa Villa Legaspi at kung saan ka talaga galing." Napahinga ako nang malalim at tumingin na rin sa mga bituin kagaya ng ginagawa niya. "Gusto pa kitang makilala. Bukod sa lalaki na tinutulungan akong mag-move forward at tanggapin ang mga nangyari... Sino ka ba Kade?"
"Ako? Ahhh... F-fiona, kasi," hindi siya makatinggin sa akin. Hindi siya makabuo ng isasagot sa tanong ko. Ano kaya ang problema? Ganoon ba kahirap para sa kaniya ang pormal na magpakilala?
"Kung hindi mo kayang sabihin, ayos lang—" Napatigil ako sa pagsasalita nang inilabas niya ang notebook niya. Tinitigan niya muna 'yon bago bumuntong hininga at mariing pinaglapat ang mga labi. "Nandito. Isinulat ko lahat."
Tumango na lang ako. Mahirap nga siguro para sa kaniyang sagutin ang tanong ko. Makulit at medyo madaldal na tao si Kade base sa pagkakakilala ko sa kaniya. Kung madali lang sabihin para sa kaniya, sasabihin niya kaagad. Kaya hindi ko na siya pinilit. Naiintindihan ko siya.
"Sorry,"
Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi niya kailangang sabihin 'yon. "Bakit?"
"Sorry kasi hindi ko pa masabi at hindi ko alam kung kaya ko pang sabihin." Pilit niya akong nginitian at bakas sa kulay abo niyang mga mata ang sakit at lungkot. Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang nakikita ko pero ayaw ko siyang pwersahin na sabihin sa akin kung anong dahilan noon. Alam ko kung gaano kahirap 'yon. Kagaya nga ng sinabi ko kanina, naiintindihan ko siya.
"Palagi mong pinapalakas ang loob ko at tinutulungan akong magpatuloy sa buhay. Ang dami kong natutunan sa 'yo. Marami kang naitulong sa akin," naalala ko ang mga unang araw niya sa villa. Sinusungitan ko pa siya noon. Hindi pa kami ganitong kalapit sa isa't isa at sobrang unstable ko pa. "Sabihin mo Kade... Paano ako makakatulong sa 'yo? Paano ako makakabawi?"
Binigyan na naman niya ako ng isang pilit na ngiti. "Sa totoo lang, ang una kong naisip, hindi na kailangan kasi gusto ko ang ginagawa ko para sa 'yo."
"Pero? Ano?"
"Pero naisip ko rin na matutulungan mo ako kung magiging masaya ka. Sa mga oras na may magtapos ulit, gusto kong huwag kang mag-focus sa maiiwanan mo kundi sa makikita mo pa at mararanasan. Magpatuloy ka lang, gano'n. In that way, makakabawi ka sa akin, Fiona."
"Para pa rin naman sa sarili ko ang sinabi mo e. Wala bang para sa 'yo?" Gusto ko talagang makabawi sa kaniya mismo pero inilingan naman niya ang tanong ko. Sobrang bait naman niya sa 'kin. Bakit sobrang green flag ng lalaking 'to sa paningin ko? May ganito pa palang tao sa mundo.
YOU ARE READING
Unsaid Words| ✓
Short StoryAfter her four best friends' unexpected death, Fiona Legaspi lost her will to live her life. Being left behind by those people she used to be a family makes her wish to die too, not until Kade Zaugustus came into her so-called meaningless life. He h...