05 A Day With Him

28 6 0
                                    

05 A Day With Him

"Are you ready?" tanong ni Kade nang lumabas ako sa kwarto ko. Tinanggal niya ang kamay sa bulsa ng kulay brown pants niya at bahagya pang inayos ang buhok niya. Kanina pa ata siyang naghihintay sa paglabas ko. "Mamamasyal tayo ngayon."

"Ha? Anong mamamasyal ka d'yan?" Tinaasan ko siya ng kilay. Wala naman kasi kaming napagplanuhan na mamamasyal kami ngayon.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago ako nginitian. Mukhang excited na excited ang loko. "Pwede na 'yang suot mo," hinawakan niya ako sa braso at tumakbo. "Let's go!"

"Sandali lang naman!" Pilit kong binabawi sa kaniya ang braso ko pero hindi naman siya nagpatinag. "Saan ba kasi tayo pupunta?"

"Basta. Tara na kasi, Fiona."

Sa Van niya kami sumakay. Ayoko sanang sumama pero wala na rin akong nagawa. Ang kulit kasi ng lalaking 'to e. Isa pa, naisip ko rin na baka makatulong ang plano ni Kade ngayong araw para sa pag-move forward ko.

I hate to say this pero I trust him. Alam kong matutulungan niya ako at hindi pababayaan.

"Ha? Bakit dito?" tanong ko nang huminto kami sa tapat ng isang stationary store.

"Sandali lang. May bibilhin lang ako," sabi niya bago bumaba ng sasakyan. Hindi na ako sumunod. Sandali lang naman siya sa loob. Pagkabalik niya, may mga dala na siyang mga notebook at ballpen.

"'Yung totoo, Kade, anong gagawin natin?" naguguluhan na kasi ako e. Tiningnan ko siya pero tinawanan niya lang ako at nagsimula na ulit magmaneho. Wala akong nakuhang matinong sagot.

Hindi na lang ulit ako nagtanong. Tahimik na lang akong tumingin sa dinaraanan namin hanggang sa makatulugan ko na. Nang nagising ako, nakahinto na ang sasakyan. Wala na rin si Kade sa driver's seat. Tumingin ako sa labas at nakita ko siyang nakaupo sa nilatag niyang tela sa damuhan katabi ng...

"What the—" napalunok ako at mariing pumikit. Ano bang gustong mangyari nitong si Kade? Bakit niya ako dinala sa puntod ng mga kaibigan ko?

"Kade!" Para akong naghahanap ng away pagkababa ko ng sasakyan niya. Napahawak pa siya sa dibdib niya, mukhang nagulat sa sigaw ko. "Mukha ba akong nakikipagbiruan sa 'yo ha?!"

"Gising ka na pala. Come here." Nakangiti niyang inalok ang kamay niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong kumalma nang gawin niya 'yon. Naglakad ako papalapit sa kaniya at nang tuluyan na akong makalapit, inalalayan niya akong umupo sa tabi niya. "Ang sarap ng tulog mo ano? Nakanganga ka pa kanina. Muntik na tumulo ang laway mo."

Hindi ako sumagot. Tumingin lang ako sa lapida ni Angie. At unti-unti, tumulo na naman ang mga luha ko. Kaagad ko rin namang pinunasan 'yon. Ngayon lang ako nakadalaw sa kanila. Pakiramdam ko kasi hindi ko pa kaya pero heto at nandito ako sa harapan ng mga libingan nila. Ang sakit pa rin. Ang bigat pa rin sa pakiramdam na makita ang mga pangalan nila sa lapida. Nakakadurog pa ring isipin na wala na sila. Wala na pala talaga.

"Paano mo nalaman na dito sila nakalibing?" Sandali ko siyang nilingon bago muling tinitigan ang puntod ng kaibigan ko.

"Sinabi ni Kuya Ben," inabutan niya ako ng tissue. "naisip kong baka makatulong sa pagtanggap mo."

"You're helping me."

"Oo," mabilis na sagot niya habang nakangiting tumango.

"Why?" Hindi naman ako humihingi ng tulong.

Nagkibit-balikat siya. "Siguro kasi nakikita ko na kailangan mo o dahil nakikita ko na kaya mo naman ulit maging masaya? Ewan. Baka parehong iyon ang reason. At gusto ko ring makilala 'yung totoong Fiona."

Unsaid Words| ✓Where stories live. Discover now