04 A Sunrise with him
"Goodmorning! Rise and shine, pretty princess!" bungad ni Kade nang buksan ko ang pinto ng kwarto ko.
Nakasuot pa kaming pareho ng pantulog at medyo madilim pa sa labas. Inaantok pa ako dahil hindi ako sanay na magising ng ganitong kaaga.
"5:00 AM na," kaagad akong napasimangot sa sinabi niya. Alas singko pa lang pala pero kung makaistorbo ng tulog, sobra!
Ilang araw na rin siya rito at sa mga araw na 'yon, hindi pwedeng hindi ako maiinis sa kaniya. Katulad ngayon, hindi pa sumisikat ang araw pero binubwiset na niya ako.
"Dumaan ang kuya Benedict mo kanina. Aalis daw ulit siya," napakunot ang noo ko dahil doon sa sinabi niya. "Idinaan lang talaga niya rito ang buttered shirmp galing sa farm niyo sa Zambales at coffee para sa atin. Mainit pa kaya masarap kainin."
"Bakit ikaw ang sinasabihan ni kuya? Close na ba kayo?" Hindi maiwasang hindi magtanong. Ako kasi ang kapatid niya kaya dapat ako ang ginising niya kanina kaysa rito kay Kade.
"Siguro." Nagkibit-balikat siya at ngumiti sa akin. "Kasi ipinagbibilin ka niya palagi sa akin. Kaya baka close na kami."
"How many times do I need to tell you that I'm not your responsibility?" Tinaasan ko siya ng kilay.
Nakakainis. Isa pa 'yung kapatid ko. Palagi na lang akong ipinagbibilin. Hindi na ako bata. I am old enough to take care of myself. Kaya ko ang sarili ko. Hindi ko kailangan ng bantay.
"Sinabi ko na rin sa 'yo na huwag mong intindihin si kuya-"
"Tara, kain na tayo?" pagputol niya sa sasabihin ko pa. "Lalamig na 'yung pagkain at ang kape natin."
"Pwede namang initin na lang mamaya," reklamo ko bago bumalik sa kama para kuhanin ang cellphone ko. Iniwanan kong bukas ang pinto pero nanatili lang siya sa labas.
"Tara na nga. Nakahain na sa may cottage ang mga pagkain."
"Sandali lang! Heto na nga e, lalabas na!" sigaw ko naman pabalik. Nagsuot ako ng kulay puting hoddie jacket bago lumabas.
Kinuhanan ko ng picture ang mga pagkain at sinend iyon sa group chat namin ng mga kaibigan ko. Nasanay na talaga ako na gawin ang bagay na 'to.
Hindi pa ulit nagpaparamdam si Amadeus gamit ang account ng pinsan niya. Busy siguro. Pero ayos lang sa akin. Hindi naman kasi niya obligasyon na gawin ang bagay na iyon para sa akin.
Naawa lang siguro siya sa akin noong mga oras na 'yon kaya siya pumayag.
"Tama na ang paggamit ng cellphone. Kumakain tayo," saway ni Kade. Tama naman siya kaya ipinatong ko na lang sa lamesa ang cellphone ko.
"May pupuntahan ako mamaya. Gusto mong sumama?" kaagad kong inilingan ang pag-aaya niya. Plano kong matulog buong araw.
"Sumama ka na please,"
"Busy ako," sabi ko kahit hindi naman totoo. Matutulog lang talaga ako. Kahit kasi ang manood ng K-drama kinatatamaran ko na rin ngayon. Mas naaalala ko lang ang mga kaibigan ko sa mga ganoong bagay dahil 'yon ang hobby namin.
"Basta sasamahan mo ako mamaya. Manonood tayo ng sunrise sa burol," napaawang ang labi ko sa sinabi niya dahilan para ngisian niya ako. "Ano? Maganda 'yon 'di ba? Sasama ka na ha?"
Hindi ko pa nasubukang gawin 'yon. Mas gusto ko kasi talaga ang sunset. Tsaka nakakatamad bumangon ng maaga pero tama siya, mukhang maganda nga iyon. Tumango-tango na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Mabuti na lang worth it pala ang pang-iistorbo niya ng tulog ko. And as if papayag siyang hindi ako kasama.
YOU ARE READING
Unsaid Words| ✓
Short StoryAfter her four best friends' unexpected death, Fiona Legaspi lost her will to live her life. Being left behind by those people she used to be a family makes her wish to die too, not until Kade Zaugustus came into her so-called meaningless life. He h...