09 Kade
"Sigurado ka?" tanong sa akin ni Jade, kakambal ko. Tumango naman ako kaagad.
Siguradong sigurado na ako sa desisyon ko. Wala ng atrasan. Halos buong buhay ko, nandito na ako sa hospital. Dito na ako tumira. Limitado na nga lang ang natitirang araw ko, bakit pa ako magtitiis na manatili sa lugar na ito? Gusto kong lumabas. Gusto kong makasama kahit sa huling sandali ng buhay ko ang babaeng matagal ko ng gusto.
"Pumayag na ba siya?" tanong ko kay Jade. Dalawang araw na simula nang makalabas ako sa hospital pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya nakikita.
"Hindi pa e. Hindi pa raw masabi ni Benedict sa kapatid niya ang tungkol sa pag-rent mo sa Villa Legaspi. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya makausap ng maayos si Fiona. Mailap pa rin sa kaniya. Naabutan niya pa nga raw na lasing kagabi, umiiyak tapos sinisigaw ang pangalan ng mga kaibigan niya."
Dahil sa kwento ng kapatid ko, mas ginusto ko siyang tulungan. Alam kong hindi madali ang pinagdadaanan niya. Alam kong nahihirapan siya pero mas mahihirapan ako kung maiiwan ko siyang ganoon. Hindi ako takot mawala sa mundo. Matagal ko ng inihanda ng sarili ko sa ganoong bagay pero ayokong umalis ng hindi man lang siya natutulungan. Ayokong iwanan siya sa ganitong sitwasyon. Kailangan niyang matutuhang tanggapin ang mga nangyari kasi kung hindi, siya lang din ang mahihirapan.
"Okay. Okay na raw, Kade!" Masayang sabi ni Jade nang pumasok siya sa kwarto ko. "Ito ang cellphone number ni Fiona. Pwede mo na siyang puntahan ngayon din."
Ganoon nga ang ginawa ko. Matagal na rin namang handa ang mga gamit ko. Tinulungan pa ako ni Jade na magbuhat ng mga gamit ko sa van. Nagpaalam muna ako sa pamilya ko bago ako nagmaneho papunta sa Villa Legaspi. Naging emosyonal pa nga si Mama pero masaya ako na suportado nila ang desisyon kong ito. Kinakabahan man, naglakas-loob akong tawagan si Fiona nang nasa tapat na ako ng gate nila.
"Yes, sino po sila?" tanong niya sa kabilang linya. Ang sarap pakinggan ng boses niya. I can't wait to see her and spend my remaining days with her.
Nagpakilala ako at mukhang medyo nataranta pa siya nang makiusap ako kung pwede niyang buksan ang gate. Mula sa loob ng van ay nakangiti ko siyang pinanood na pagbuksan ako ng gate. Ang cute niya kahit parang medyo masungit.
"Good afternoon," nakangiting bati ko sa kaniya kahit sa loob-loob ko ay kabadong-kabado na ako. Ngayon ko na lang ulit siya nakita. Marami na ang nagbago sa kaniya kumpara noong huli ko siyang makita pero 'yung nararamdaman ko para sa kaniya ganoon pa rin. Gustong-gusto ko talaga ang babaeng ito. Mas kinabahan pa ako nang lumapit siya at binati ako pabalik habang nakatinggin sa mga mata ko.
Kaso nginiwian niya ako. Bakit kaya? Pogi naman ako ah. "Ako nga pala si Kade Zaugustus."
"Nice name, Sir," hindi ko napigilan ang ngiti ko. Medyo corny pero kinikilig ako sa sinabi niya. Nice name raw? Tsk. Thanks, Ma!
Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng panghihinayang na hindi ako nakapagpakilala sa kaniya noong una kaming nagkita. Pero medyo nakakalungkot lang na mukhang hindi niya natatandaan na nagkita na kami dati.
Tumunog ang cellphone niya pagkasabi ko ng thank you sa kaniya. Hindi naman ako chismoso kaya ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa pagtinggin sa paligid.
"Sir, nandoon po ang mga room." Napatinggin ako sa kaniya. Ako ata ang kinakausap niya. Ibinigay niya sa akin ang susi mula sa bulsa niya at itinuro ang kwarto na tutuluyan ko. "Room 3."
Magtatanong pa sana ako pero tumakbo na siya papunta sa gate. Natanaw ko naman na may kausap siyang delivery rider kaya hindi ko na siya hinintay at hinanap na lang kung saan ang room 3 na tinutukoy niya.
YOU ARE READING
Unsaid Words| ✓
Short StoryAfter her four best friends' unexpected death, Fiona Legaspi lost her will to live her life. Being left behind by those people she used to be a family makes her wish to die too, not until Kade Zaugustus came into her so-called meaningless life. He h...