11 Stare

12 5 4
                                    

11 Stare

Maagang nagising si Fiona dahil sa pagdating ng kuya niya. Hindi niya maiwasang magtaka dahil kanina pa itong sunod nang sunod kahit saan siya magpunta. Tila ba ayaw nito na mawawala siya sa paningin niya. Mukha rin itong balisa.

"Ano bang trip mo, Kuya Ben?" Hindi na niya napigilang magtanong nang makita na naghihintay pa rin ito pagkalabas niya sa banyo. "Nababaliw ka na ba?"

Tiningnan lang siya nito at hindi sumagot pero kitang-kita ni Fiona sa mga mata ng kuya niya na may kung anong bumabagabag dito.

"Sabihin mo na. Ano ba 'yon?"

Nag-iwas ng tinggin si Benedict bago huminga nang malalim. Hindi niya alam kung anong gagawin. Mahigpit na bilin ni Jade sa kaniya na huwag hayaang malaman ni Fiona ang mga nangyayari dahil na rin sa kagustuhan ni Kade. Maging ang tatay nila na may alam na rin sa nangyayari ay sumang-ayon sa desisyon ni Kade na hayaan na lang na hindi malaman ni Fiona ang mga nangyayari. Na hayaan na lang magalit ang dalaga para maging madali dito na makalimot at tanggapin ang mga mangyayari. Pero pakiramdam ni Benedict, mali.

Karapatan ni Fiona na malaman ang katotohanan. Karapatan nito na mabigyan ng malinaw na paliwanag at maayos na paalam.

"Sasabihin mo pa ba o ipapa-ban na kita rito? Kanina mo pa akong sinusundan. Para mo akong bini-baby sit. Kinulang ka ba sa buwan at ganyan ka ka-abnormal—"

"Si Kade...." natigil sa pagsasalita si Fiona dahil sa pagbanggit ng kapatid niya sa pangalan ng taong hinahanap hanap niya ang presensya.

Natahimik silang pareho.

Hinihintay ni Fiona ang sunod na sasabihin ng kuya niya samantalang hindi naman alam ni Benedict kung papaano sasabihin sa kapatid ang nalalaman niya.

"Anong meron kay Kade?" Hindi mapigilan ni Fiona na kabahan. Sa itsura pa lang ng kuya niya ay alam na niyang may hindi magandang nangyayari.

Pamilyar ang senaryong ito sa kaniya. Ang pagkakatulad ng mga salita, tono, maging ang itsura ng taong nagsasabi at ang emosyon na ipinaparating nito. Ayaw niya sa ganitong pakiramdam pero tila nauulit na naman ang nangyari noon.

"Ma'am Fiona," tawag sa kaniya ng personal driver ng tatay niya.

"Po? Ano pong ginagawa niyo dito?" tinitigan siya nito bago nag-iwas ng tinggin. "Papagalitan na naman po ba ako ni Papa? Ano pa po ba ang gusto niya? Hindi na nga ako sumama sa mga kaibigan ko—"

"A-ang mga kaibigan mo..." Napatigil si Fiona sa pagsasalita.

"A-ano po ang meron sa mga kaibigan ko?" kinakabahang tanong niya.

"Wala na sila."

"Pwede mo pa siyang maabutan," mahinang sabi ni Benedict, sapat lang para marinig ni Fiona. "Pwede ka pang makapagpaalam."

Naguguluhan si Fiona sa mga narinig niya. Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng kuya niya. Aalis ba si Kade papunta sa ibang bansa o aalis na siya ng permanente sa mundo kagaya ng mga kaibigan niya? Mas gusto niyang paniwalain ang sarili niya sa una niyang naisip. Pero iba ang ipinaparating ng emosyon sa mukha ng kapatid niya. Nagmadali silang umalis sa villa at mas lalo siyang kinabahan at pinanghinaan ng loob nang hindi sa airport, kundi sa hospital itinigil ni Benedict ang sasakyan.

"Kuya..." Tawag niya sa nakakatandang kapatid. Mahihimigan sa tono ng boses nito na pagod na siya sa mga ganitong pangyayari. Kaagad na niyakap ni Benedict ang kapatid na hindi pa man nakikita si Kade ay umiiyak na. "Kuya naman. B-bakit ganito? Hindi ko kaya."

Unsaid Words| ✓Where stories live. Discover now