08 Why?

17 4 1
                                    

08 Why?

"Kuya, nagpaalam ba si Kade sa 'yo na aalis na siya?" tanong ko kay Kuya Ben pagkarating niya sa Villa. "Dalawang araw na kasing hindi nagpapakita si Kade sa akin simula noong araw na nagpalipas kami ng gabi sa burol."

Napatigil siya sa pagkuha ng mga gamit niya sa sasakyan. Sandali niya akong tinitigan bago ipinagpatuloy ang ginagawa. Nang saraduhan niya ang sasakyan niya ay pilit niya akong nginitian. Pero 'yung mga mata niya, parang may ibang sinasabi.

"Kumain ka na ba?" tanong niya sa akin bago nagpatuloy sa paglalakad. Sinagot ko iyon at sinundan siya hanggang sa kwarto niya. Inilagay niya lang sa kama niya ang bag niya bago muling humarap sa akin. "Let's go? Where do you want to eat? Sa Korean restaurant? My treat. Tara."

He's acting weird like Papa. Noong araw na sinundo ako ng driver ni Papa sa burol at inihatid sa opisina niya, todo sorry siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit o para saan. Wala siyang sinabi. Pagkatapos pa noon ay nag-offer siya sa akin ng kung ano-ano.

Hindi kami close. First time niyang ginawa 'yon sa akin kaya nawiwirduhan talaga ako. But kahit ganoon, hindi na lang ako nagtanong. Hinayaan ko na lang siya. Siguro paraan niya 'yon para bumawi sa akin. Willing din naman akong ayusin ang relasyon ko sa kaniya.

"Sigurado ka?" tanong ko kay Kuya. Ililibre niya talaga ako? Grabe. Ang swerte ko naman ata. Tumango siya. Nagugutom na rin naman ako kaya sumama na ako. Nagpunta nga kami sa isang Korean restaurant sa mall. Kagaya ng sinabi niya, inilibre niya ako ng mga paborito kong Korean foods. Pagkatapos noon ay inaya niya pa akong bumili ng mga album ng paborito kong Kpop groups. Ayoko nga sana pero natukso na rin ako kaya tinanggap ko na rin.

"Kuya, kailan 'yung huling pag-uusap niyo ni Kade?" tanong ko. Tiningnan ko siya sandali. Nakatuon ang atensyon niya sa daan. Pauwi pa lang kasi kami ngayon. Ginabi na kami sa mall. "Nakausap mo na rin ba 'yung mutual friend niyong dalawa? Baka may alam siya kung nasaan na si Kade ngayon."

"Fiona, hayaan mo na si Kade. Alam niya ang ginagawa niya." Kaagad na nagsalubong ang kilay ko sa sagot ni Kuya Ben.

"Responsibility ko si Kade hangga't hindi pa siya umaalis sa Villa, Kuya. Kapag may nangyaring masama sa kaniya, sa akin siya unang hahanapin." Tsaka hindi siya nagpaalam. Baka napahamak na siya.

"Hindi na babalik si Kade. Nagpaalam na siya sa akin. Naipasok ko na rin sa bank account mo ang bayad niya sa pagtigil sa Villa Legaspi. Huwag mo na siyang hanapin." Parang may kung anong kumirot sa puso ko sa sinabi ni kuya. Umalis na si Kade? Bakit hindi siya nagpaalam sa akin? Hindi ko alam kung bakit pero may parte sa akin ang ayaw paniwalaan ang sinabi ng sarili kong kapatid.

"Nasa villa pa ang mga gamit niya. Tsaka nangako siya sa akin na hindi siya aalis. Sinabi niya sa akin na palagi lang siyang nasa tabi ko hanggang sa gusto ko." Wala akong natatandaan na ipinagtabuyan ko siya o ano man na ginawa o sinabi ko para umalis siya. Bakit siya aalis? Bakit niya ako iiwanan?

"N-nagmamaadali siya. Hindi na raw siya babalik. Fiona, huwag mo na siyang hintayin o hanapin."

Hindi na ako nakapagsalita pagkatapos noon. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Sa halip na maging masaya dahil sa mga albums na bigay ni kuya, malungkot akong bumaba sa sasakyan niya. Dumiretsyo ako sa kwarto ko. Ibinaba ko ang mga paper bag sa table ko bago pabagsak na humiga sa kama. Huminga ako nang malalim bago kinapa ang cellphone ko sa bulsa. Tinawagan ko si Kade. Ilang beses. Pero kahit isa, hindi niya sinagot. Umalis na ba talaga siya?

Napakadaya.

Pakiramdam ko trinaydor niya ako. Nangako siya e. Naging komportable na ako sa kaniya. Nasanay na ako na nasa tabi ko siya at unti-unti na akong nahulog sa kaniya. Mas na-realize ko 'yon nitong nakaraang dalawang araw. Hindi man lang ako nakaamin. Nakakainis naman e. May nasabi ba ako sa kaniyang masama noong nalasing ako? Pinagtabuyan ko ba siya? Bakit ba kasi wala akong maalala sa nangyari noong gabing 'yon?

Unsaid Words| ✓Where stories live. Discover now