"Sigurado ba kayo na sa hospital na 'to dinala ang Nanay ni Angie?" tanong ko sa mga kaibigan ko. Kakagaling lang namin sa school kaya nakasuot pa kami ng uniform. Dumiretsyo lang talaga kami dito para palihim na tulungan si Angie sa pagbabayad ng hospital bill.
Paniguradong magpapakapagod na naman 'yon sa pagtatrabaho at hindi makakasama sa mga gala namin dahil sa panibagong gastusin na po-problemahin niya. Ayaw naman niyang tumanggap ng tulong namin dahil sa sinasabi ng iba na gold digger siya. Kaya heto at palihim kaming sumunod sa kaniya dito.
"Oo naman. Sigurado ako." Sagot ni Arkin. "Di ba, Julie?"
Nagsalubong bigla ang kilay ni Julie. Bahagya niya pang iginalaw ang balikat niya para alisin ang pagkaka-akbay ni Arkin sa kaniya. "Aba malay ko sa 'yo."
"Magtanong-tanong na lang tayo," suhestiyon ni Matthias na sinangayunan naming lahat. Tuluyan kaming pumasok sa hospital. Tumunog naman bigla ang cellphone sa bulsa ko kaya sandali akong napatigil. Kinuha ko muna 'yon at sinagot.
"Mat-mat!" Napakunot ang noo ko at tiningnan kung sino ang tumatawag.
Amadeus? Sino 'to?
"Matthias, malapit na kami sa bahay niyo. Dala ko na 'yung sapatos na sinasabi mo," tiningnan ko ang palatandaan ng cellphone ko sa case nito pero wala ito doon. Napairap na lang ako. Kainis naman.
"Pasensya na. Nagkapalit na naman kami ng cellphone ni Matthias. Kaibigan niya ako," baka mapagkamalan pa niya akong magnanakaw ng cellphone.
"Ganoon ba?"
"Oo e. Ginaya niya kasi ang cellphone at case ko kaya palagi kaming nagkakapalit,"
"Are you with him?" Tumingin ako sa paligid. Wala na pala akong kasama.
"Nasa hospital kami. Teka lang ha? Nawawala na ata ako ngayon," hindi ko maiwasang kabahan. Ang layo ko pa man din sa entrance ng hospital. Hindi ko alam ang pasikot-sikot dito. Hindi ako magaling sa mga direksyon. Hindi ako sanay na hindi ko kasama ang mga kaibigan ko.
"Are you ok?"
"Hindi," pag-amin ko. Namamawis na ang kamay ko sa sobrang kaba ngayon. "Hindi kasi naglo-load si Matthias ng pang-call or text pero s-sigurado akong nasa kaniya ang cellphone ko. Pwede mo ba siyang tawagan?"
"Sure. Just stay calm," narinig niya ata ang pagkautal ko kaya ganoon ang sinabi niya. "Anong number mo?"
Tanda ko naman ang phone number ko kaya madali ko lang nasabi sa kaniya.
"Anong sasabihin ko sa kaniya?"
"Pasabi, sa entrance ng hospital kami magkita. Hintayin nila ako kahit matagalan." Magtatanong-tanong na lang ako para makalabas.
"Ok. Noted. I'll call you again after I call him."
YOU ARE READING
Unsaid Words| ✓
Short StoryAfter her four best friends' unexpected death, Fiona Legaspi lost her will to live her life. Being left behind by those people she used to be a family makes her wish to die too, not until Kade Zaugustus came into her so-called meaningless life. He h...