Fiona,
According to what I read before, yellow is the color of sunshine. It's associated with joy, happiness, intellect, and energy. I wanted to see you like that, Fiona. I can't tell you now but I gave you that notebook because you're my sunshine. While I choose the red one because its symbolizes desire, and love. Kapag kinuha na ako ni Lord o kapag umalis na ako sa villa, umaasa ako na makikita mo ang notebook na ito at mababasa. Dito ako magpapaliwanag. Dito ko isusulat ang pagmamahal ko sa 'yo, Fiona.
You're sitting next to me but I miss you already. Alam mo bang nasasaktan ako ngayon? Nakita ko kanina kung paano ka lumuha habang tinitingnan ang lapida ng isa sa mga kaibigan mo. Nang sumagi sa isip ko na baka sa susunod lapida ko naman ang titigan mo ng ganoon, hindi ko na 'yon maalis sa isipan ko. Ayokong umiyak ka ng dahil sa akin pero alam kong hindi ko maiiwasan 'yon lalo pa ngayon na unti-unti ka ng nagiging komportable sa presensya ko. Habang unti-unti na ring nababawasan ang araw ko sa mundo. Ngayon pa lang gusto ko nang humingi ng tawad. Tinutulungan kita ngayon pero gustuhin ko man o hindi, alam kong masasaktan din kita sa pag-alis ko. Sa mga oras na 'yon, sana maalala mo ang lahat ng sinabi ko. Sana maging matatag ka at piliin mo pa rin ang maging masaya.
Huwag mo sanang isipin na mag-isa ka o iniwanan kita. Maaaring wala ako sa tabi mo o baka hindi mo lang ako nakikita habang binabasa 'to pero hindi ba't sinabi ko na nandito lang ako hanggang gusto mo? Ikaw ang magde-desisyon. Kung nasasaktan ka pa lalo dahil sa pangako kong 'yon, pwede mong bitawan. Kung pinapahirapan ka o hinahadlangan ng pangakong 'yon sa pagiging masaya ulit, kalimutan mo na. Hindi ako magagalit o magtatampo. Dahil ang pinakamahalaga sa akin ay ang kaligayahan mo. Gusto kong maging masaya ka, Fiona.
Nagtataka ka siguro sa pagiging tahimik ko kanina. Halata sa 'yo na gusto mong malaman kung bakit ako nagkakaganito. Fiona, kahit gustuhin ko, hindi kita kayang asarin ngayon. Hindi ko kayang labanan ang lungkot na nararamdaman ko.
-Kade
Fiona,
Hindi ako makatulog. Gusto kong katukin ang kwarto mo at ayain kang manood ng kdrama na gusto mo. Gusto kong ayain kang kumain o manood ng mga bituwin habang nagkukwentuhan tungkol sa buhay. Gusto kong sulitin ang bawat oras ko. Ang dami ko pang gustong gawin kasama ka. At nakakalungkot na konti na lang ang natitira kong oras. Hindi ko na magagawa pa ang mga plano ko para pasayahin ka. Hindi na kita masasamahan nang mas matagal pa. Gusto kong yakapin ka ngayon at sabihin sa 'yo ang mga nararamdaman ko pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang makita kang nasasaktan ng dahil sa akin. Ang gusto ko ay pasayahin ka pero pasensya na. Alam kong masasaktan kita sa pag-alis ko.
Kung ako lang ang masusunod, mananatili ako sa tabi mo. Kung kaya ko lang sana... Pero hindi 'e. Hindi ko hawak ang buhay ko.
May sakit ako, Fiona...and I'm dying.
I'm sorry kung hindi ko sinasabi sa 'yo. I'm sorry kung wala akong planong sabihin. Wala rin akong plano na ipaliwanag pa ng detalyado ang tungkol sa kalagayan ko.
Kasi hindi ito tungkol sa akin. Tungkol 'to sa 'yo.
Alam kong malayo ang loob mo sa pamilya mo. Naiintindihan ko. Pero sana sa panibagong sunrise ng buhay mo na hindi mo na ako kasama, isama mo sila. Huwag mong hayaan ang sarili mo na masanay na mag-isa. Kung nanghihina o nalulungkot ka o kahit kapag masaya ka at may pangarap na naabot, hayaan mong samahan ka nila. Hindi kita masasamahan kagaya ng ipinangako ko, pero tuloy lang.
Magpatuloy ka.
-Kade
Fiona,
Tinanong mo ako kung sino ako. Hindi kita nasagot. Hindi ko kayang sabihin ng harapan. Pero sana dito, maisulat ko ng maayos.
Ako si Kade. Ako 'yung naka-wheel chair na lalaking tinataguan ang nurse. Ako 'yung hiningian mo ng tulong para mahanap ang entrance ng hospital noong napahiwalay ka sa mga kaibigan mo. Hindi mo na siguro natatandaan pero Fiona, ako 'yon.
Doon kita unang nakita at nakausap... Sa hospital. Halos doon na ako tumira buong buhay ko. Tanggap ko na na doon din ako babawian ng buhay. Tanggap ko na ang kapalaran ko. Pero nagbago ang lahat ng 'yon noong makilala kita.
Fiona Legaspi
Ikaw ang naging inspirasyon ko. Ikaw ang naging dahilan kung bakit ginusto kong gumaling. Kung bakit tinigilan ko na ang pagiging pasaway ko.
Akala ko ok na. Akala ko magaling na ako. Sa loob ng ilang taon, naging maayos naman ang lahat. Nagkalaman na kahit papaano ang halos buto't balat kong mga braso. Mukha naman akong malusog. Nabawasan na nga rin ang mga gamot na iniinom ko. Akala ko makakalabas na ako ng hospital at makakapamumuhay ng normal pero hindi pala.
Paano ko maiisip na normal ang pamumuhay ko sa labas ng hospital kung alam kong may taning na ang buhay ko?
Pero nagpapasalamat pa rin ako kahit ganoon.
Nagpapasalamat ako sa hinayaan ako ng Mama ko na makalabas ng hospital para makasama ka. Sa kabila ng kalagayan ko, sa kabila ng pagtutol ng tatay kong Doctor at sa kabila ng pag-aalala niya bilang Nanay ko, hinayaan niya ako sa gusto kong gawin.
Pero ngayon kailangan ko ng umalis.
Noong niyakap mo ako kanina. Noong sinabi mong gusto mo rin ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Gusto kong ipagdamot ka sa lahat. Gusto kong isigaw sa buong mundo kung ano ang sinabi mo. Gusto ko rin ipagsigawan na mahal na mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko at sa kahit ano. Pero hindi pwede dahil aalis na ako. Hindi ko kayang kalabanin ang hangganan ng buhay ko para sa pagmamahal ko. Pasensya ka na Fiona. Pasensya kung hinalikan kita ng walang maayos na pahintulot dahil sa kalasingan mo at pasensya na rin kung may parte sa akin na hindi pinagsisihan ang bagay na 'yon.
Sobrang saya ko na pareho tayo ng nararamdaman pero ang katotohanan na hindi natin pwedeng ipilit ang pagmamahal natin para sa isa't isa ang siyang nagdudulot ng sakit. Posible pala na maramdaman 'yon ng sabay?
Sumisilip na ang araw. Kailangan ko ng umalis. Hinihintay na ako ng pamilya ko sa baba ng burol. Magustuhan mo sana ang una at huli kong nilutong umagahan para sa 'yo. Maraming maraming salamat sa lahat-lahat. Hanggang dito na lang.
Fighting, Fiona!
-Kade Zaugustus
YOU ARE READING
Unsaid Words| ✓
Short StoryAfter her four best friends' unexpected death, Fiona Legaspi lost her will to live her life. Being left behind by those people she used to be a family makes her wish to die too, not until Kade Zaugustus came into her so-called meaningless life. He h...