10 Goodbye

25 5 3
                                    

10 Goodbye

Ibinigay ko sa kaniya ang yellow na notebook pagkatapos naming kumain. Hinayaan ko siyang magsulat ng mga hindi niya pa kayang sabihin sa kahit sino. Itinuon ko na lang din ang atensyon ko sa isinusulat ko. Masyado sigurong naipon sa isip niya ang mga gusto niyang sabihin kaya ang dami niyang isinusulat. Itinabi ko ang notebook ko bago humiga. Nakatulugan ko na nga iyon. Hindi ko alam kung ilang minuto pa siyang nagsulat basta pagkagising ko nakahinga na rin siya sa tabi ko.

"Your brother told me that you'll leave after this?" tanong ni Kuya Ben pagkatapos naming mag-ayos dito sa burol ng surprise ko para kay Fiona.

Pilit akong ngumiti at tumango. "I have to."

"What should I do?" Hindi ko inaasahan ang tanong niyang iyon. Hindi kaagad ako nakasagot. Pinag-isipan ko munang mabuti dahil si Fiona ang pinag-usapan dito.

"Madalas, pakiramdam niya mag-isa lang siya," iyon ang napansin ko sa loob ng ilang linggo naming pagsasama lalo na noong umpisa. "Kaya huwag niyo sanang iparamdam iyon ulit sa kaniya. Pamilya kayo. Hindi ko alam kung dapat ko ba 'tong sabihin pero sa tinggin ko, mas maganda kung ipaparamdam niyo 'yon sa kaniya."

Madali lang naman maka-appreciate si Fiona. Kung mararamdaman niya ang pagmamahal ng pamilya niya, umaasa ako na gugustuhin niyang magpatuloy. Umaasa ako na matutulungan siya noon.

"Kapag umalis ako, libangin mo siya," yumuko ako, pilit na itinatago ang luhang nagbabadyang pumatak. "Huwag mo akong ipaalala sa kaniya. Mas mapapadali ang pagtanggap niya kung galit siya sa akin. Kaya hayaan mo lang siyang magalit sa pag-alis ko."

"Saan ka ba galing?" tanong ni Fiona pagkauwi ko. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"Bakit? Hinahanap mo ako?" Idinaan ko na lang sa tawa ang lungkot na nararamdaman ko. Kung ngayon pa nga lang na buong araw lang akong nawala ay hinahanap na niya ako at nag-alala pa siya sa akin, paano na sa susunod? Oo, nakabalik pa ako ngayon. Pero paano kapag hindi na?

"Siyempre. Hindi ka kaya nagpaalam. Kapag may nangyari sa 'yo, sa akin ka unang hahanapin. Saan ka ba kasi nagpunta?" Mahina niya akong hinampas sa braso nang tuluyan akong makalapit. Hindi ako umiwas, sa halip ay inakbayan ko siya. 

"Ang sabihin mo, nag-alala ka sa akin. Aminin mo na, Fiona. Tayo lang naman dito." Nag-iwas siya ng tinggin at hinampas ulit ako. But this time, mas malakas na. 

"Aray ha," napangiwi pa ako sa sobrang sakit. Pero sa tinggin ko ay deserved ko naman 'yon. Kulang pa nga 'yon para sa posibleng sakit na maibigay ko sa kaniya. Ang kaninang akbay lang ay nauwi sa yakap. Hinawakan ko siya sa likuran ng ulo at mas inalapit sa akin. Gusto ko siyang yakapin. Kahit ngayon lang. Gusto kong sabihin sa kaniya kung gaano ka-unfair sa akin ang mundo. Gusto kong umiyak sa harapan niya pero hindi ko magawa. Gusto ko sanang itanong kung magagalit ba siya kung may pupuntahan ako at doon na ako mananatili gustuhin ko man o hindi.

"Galit ka ba? May pinuntahan lang naman ako e,"

"Hindi. Bakit naman ako magagalit?" sarkatiskong tanong niya. Idinaan ko na lang ulit sa tawa kahit na nalulungkot ako na mas malaki ang chance na magalit o magtampo siya sa akin kapag iniwanan ko na siya. Oo, hiniling ko 'yon. Pero masakit pa rin sa pakiramdam.

"Ganyan ka pala magalit," ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Hindi ko nakikita ang mukha ni Fiona pero alam ko na naaasar siya sa akin. "Ang cute."

Ang cute pero ang sakit. Ang sakit isipin na baka ito na ang huling araw na mag-uusap kami ng katulad nito. Pwede ko kayang sulitin? Pwede ba akong maging makasarili kahit sandali? Hinalikan ko siya sa noo. Itutulak na sana niya ako pero mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kaniya. Kahit sandali pa. Gusto ko lang sulitin. Gusto kong tandaan ang pakiramdam na yakap ko siya.

Unsaid Words| ✓Where stories live. Discover now