02 Hi?
"A friend of my friend want to rent the villa for a month," sabi ni Kuya nang pagbuksan ko siya ng pinto.
Madilim pa sa labas pero bihis na bihis na kaagad siya. Bibisitahin niya kasi ang farm namin sa Zambales kaya maaga siyang aalis.
"No. Ayoko." Mariing sabi ko at muli na sanang sasaraduhan ang pinto pero iniharang niya ang paa niya.
"Please. For a month lang naman e,"
"Isang oras o kahit isang segundo pa 'yan, ayoko." Sinipa ko ang paa niya pero braso naman niya ngayon ang ipinangpigil niya sa pagsasarado ko ng pinto.
"He will pay. Don't worry," I don't understand why he sounds like he's begging. "Please, let him stay here. He needs it and that's his only wish."
Hindi ko alam kung bakit ito ang napili niya. Sa totoo lang, luma na 'to. Hindi na rin binibisita ng ibang tao kaya nga napagpasyahan na isarado na lang. Ngayon, dito na ako nakatira at ito ang tambayan namin ng mga kaibigan ko. Kinapalan ko na ang mukha ko na hingiin ito kay Papa and surprisingly pumayag siya.
Maliit lang talaga ang Villa Legaspi. Pagkapasok sa kawayan na gate ay makikita na kaagad sa magkabilang gilid ang tig-apat na cottage. Pagkalampas doon, sa kanang bahagi, katabi ng pang-apat na cottage, may maliit na stall na yari sa kawayan. Sa kaliwang bahagi naman ay ang daan papunta sa tatlong room para sana sa mga gustong mag-overnight. Pinanggigitnaan ng mga 'yon ang mismong pool; isang pambata at isa para sa matatanda. Hindi ko sigurado kung ilang square meter ang lupang tinatayuan nito pero maliit ito kumpara sa ibang villa sa bayan namin.
Nakakapagtaka lang talaga na ito ang napili ng taong 'yon.
I took a deep sigh. "Fine. I'll let him rent my villa. Okay na? Pwede na ba akong matulog ulit?"
Ayokong may ibang tao rito. Kahit nga si Kuya ay gusto kong paalisin. Gusto ko talagang tumanggi pero naisip ko na magagamit ko ang perang ibabayad niya para ibigay sa pamilya ni Angie.
Si Angie kasi ang pinakamatanda sa aming limang magkakaibigan at siya na ang bumubuhay sa pamilya niya. May maliit pa siyang kapatid at marami pang kailangang gamot ang Nanay niya dahil sa sakit nito. Ayaw tumanggap ng tulong ni Angie sa amin, gusto niyang siya ang gagawa ng paraan para magkapera siya. Madalas kasi siyang sabihan na gold digger kaya bumarkada sa amin pero alam naman namin na hindi siya ganoon.
Siguro naman matutuwa siya ngayon kahit papaano kung tutulungan ko ang pamilya niya. Ayaw niya naman siguro na nahihirapan ang Nanay niya.
"I gave him your contact number. Expect a call from unknown number." He pat my head and smile. "Thank you. Papasalubungan na lang kita mamaya."
I hate that sentence kaya sinabihan ko siya na huwag na ulit niya akong sasabihan ng ganoon. Pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari sa taong magsasabi ng ganoon sa akin. He's still my brother. Hindi man halata at hindi man kami close, ayoko pa rin na mawala siya.
Natulog lang ulit ako sandali bago inayos ang kwartong tutuluyan ng mag-rerent. Doon siya sa pang tatlong kwarto since doon ako natutulog sa una at nasa room 2 ang ibang gamit ni kuya.
Nagpunta ako sa banyo. Malinis naman iyon pero nilinis ko ulit. Sanay naman ako sa mga ganitong gawain dahil tinuruan ako ni Nanay Lumeng. Sabi niya, hindi porke't may katulong ay magbubuhay prinsesa na ako. Dapat pa rin daw akong matuto dahil hindi habang buhay ay aasa ako sa tulong ng iba.
Tama naman siya.
Alas-onse na ako natapos sa paglilinis. Wala pa rin ang bisita. Hindi naman kasi sinabi kung anong oras siya makakarating. Nagpunta na lang ulit ako sa cottage para magpahinga. Ang sarap talagang tumambay rito. Masarap ang hangin at ang aliwalas sa mata ng paligid. Tahimik pa. Para akong may sariling mundo.
YOU ARE READING
Unsaid Words| ✓
Short StoryAfter her four best friends' unexpected death, Fiona Legaspi lost her will to live her life. Being left behind by those people she used to be a family makes her wish to die too, not until Kade Zaugustus came into her so-called meaningless life. He h...