Kabanata 13

566 35 8
                                    

Kabanata 13

Worth

"A-ano ba pinag sasabi mo, Wayne?!" nanginginig ang boses ko na tinulak sya palayo.

Natinag naman sya pero hindi na nag salita. Pag kaalis nya sa harap ko, ay doon ko lang nakuha ang ibig nyang sabihin.

Mula rito ay kitang kita ko si Herold na may kasamang babae. Parehas silang bumibili sa karenderya. Hindi ko lang makita ang babae dahil nakatalikod ito saamin.

"I told you not to push me away, Athena." he said in a serious tone.

Umawang ang labi ko at nilingon sya na pinag patuloy ang pag kain. Hindi ko alam kung ano ang dapat ko maramdaman sa nangyari.

Parang...para akong dismiyado.

"Masakit pa rin?" he asked "Tsk. He's an asshole, Athena."

Pinapanood ko sya na nag sasalita habang kumakain. Bakit parang nag hihintay ako na idugtong nya?

"They're gone. Makakakain ka na." he informed

Gusto ko sya awatin na mag salita tungkol kay Herold. Sa totoo lamang ay wala na saakin kung makita ko si Herold na may bago.

Limot ko na sya. Limot na limot...

"Wayne." I called him.

Salubong ang kilay nyang nilingon ako. Kinagat ko ang labi para pigilan na ngumiti. Parang hindi sya 'yong Wayne na mahilig mang asar. Sya naman ngayon ang naging masungit.

"What."

"Thank you."

Tumigil sya "Ano? Ano na ulit ang sinabi mo?"

Natatawa akong umiling. "Hindi ko na uulitin."

"No! Nag thank you ka sa akin, Athena. This is the second one. It must be recorded!" he said.

"Edi wag mo na lang kalimutan sa isipan mo..." nag simula na ako mag subo.

"Talagang hindi ko kakalimutan." he whispered

I froze for a sec. Huminga ako nang malalim bago nag patuloy kumain.

Nang matapos kami ay bumalik din kami sa firm. Pinayagan na nya ako na mag trabaho sa site. Kaso nga lang ay may schedule. Hindi na ako nakipag talo pa at mamaya bawiin nya pa. Remember, sya ang boss dito?

Kinabukasan, maganda ang gising ko. Magaan ang pakiramdam ko. Wala akong duty sa Coffee Cake ng umaga kaya dumiretso ako sa Stan University.

"Hey you."

Hinarangan ako ni Stephanie kasama ang mga grupo nya. They're all wearing there cheer uniform.

"We will be having a practice. Pumunta ka agad sa hall before lunch." ito lang ang sabi nito at nilampasan na ako.

Sinundan ko sya ng tingin. Himala na wala silang tinapon na salita saakin ngayon? Pinag kibit balikat ko 'yon at nag tungo na sa room.

"Athena!!" tili ni Elisse. Pag pasok ko pa lang ay hinila na nya ako sa braso paupo.

"Nangangalahati ka na sa Thesis mo?" si Meg 'yon na huminto saglit sa pag la-laptop.

Actually hindi ko pa nasisimulan. Gusto ko na iuntog ang ulo ko.

"Malayo pa naman ang deadline diba?" tanong ko na lamang.

Tumango si Meg. Bigla sumingit si Elisse na nakalimutan ko pansinin. Niyuyogyog nya ako.

Seducer Series 4: Wayne Monterial (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon